INTRO

19.7K 468 30
                                    


Moving Forward

INTRO

"Huwag muna ngayon. Mag-usap tayo bukas" he said samantalang nabibiyak na ang puso kong marinig iyon. Ilang beses na bang ipinagpaliban? Ilang bukas pa ba ang hihintayin ko ulit?

Dahil sa sinabi niyang iyon ay hindi ko alam na doon na rin pala matatapos ang lahat. Kasi pagod na siya at ganun din naman ako. Kasi ayaw na niya pero pilit ko pa ring sinusubukan na maging maayos kami kahit nasasaktan na rin ako.

"Please, talk to me." I plead. I tried to hold him still. Sinubukan ko naman pero iyon mismo ang nagtulak sa kanya para layuan ako. Kasi hindi ako nakinig sa kanya, kasi sinubukan ko pa ring ayusin ang lahat sa gabing ito.

"Ayaw ko na." Parang bumagsak ang langit nang marinig ko iyon. Natulala ako dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa bibig niya. "Ayaw ko na." Hindi nakatinging ulit nito sa akin. Ilang beses kong sinubukang magsalita. Ilang beses kong gustong sabihin ang mga nasa isip ko pero mukhang ang napagod na mismo ay ang puso ko.

Lagi na lang ako ang nakikiusap. Lagi na lang ako yung nagkakamali. Lagi na lang na ako yung dahilan kung bakit kami nag-aaway. Lagi na lang at ang hirap-hirap na.

And then, realization hits me like a flash. Ako na lang ba lagi ang magpapasensya? Ako na lang ba lagi ang mag a-adjust? Akala ko ba nasa isang relasyon ako?

"Ayaw mo na?" Tanong ko nang pinunasan ko ang mga luhang hindi naman dapat umaagos ngayon. "Kasi pagod na rin ako." Nang makita ko ang pagtango nito ay inipon ko ang natitirang lakas ko para sabihin sa kanya ang salitang hindi ko dapat sinabi. "Kasi ayaw ko na rin." Labag man sa loob ko, siguro nga ay panahon na para iwan na namin ang isa't isa.

And just like that, we broke up.

And because of that, I am trying again.

But this time, to forget my feelings for him.

MOVING FORWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon