CHAPTER 8

10.9K 361 94
                                    


CHAPTER 8

Ang routine ko bago kami nagkarelasyon ni Law ay nagagawa ko na ulit. May mga nadagdag lang dahil sumasama na ako sa inuman. Hindi naman malala, yung saktong inom lang. Nagha-hike pa rin kami at kung anu-anong bundok na nga ang inakyat namin.

Ngayon naman ay niyayaya nila akong magbeach. Kahit saan daw basta malayo. As much as possible nga raw ay by land lang dapat ang transpoprtation namin para naman daw tipid kami. Meaning, burahin na ang Boracay at Palawan sa lilst namin.

Itinaon namin ang pagpunta sa beach ng long weekend. Mahaba ang naging byahe namin pero kahit ganoon ay nag-enjoy kami sa mga stopover namin. Sa mga usapan namin sa sasakyan at sa mga pagkain na kinain na rin naming nang nasa daan kami.

Past one o'clock nang marating namin ang naturang resort. Kasama ko ang mga kaibigan ko ng high school dito. Nagpapahinga na sila lahat ngayon sa room samantalang ako ay mas piniling libutin muna ang buong resort. Konti lang ang tao rito dahil na rin siguro hindi pa kilala ang lugar. Pero all in all ay maganda rito.

Sa totoo lang ay deserve ko ang mga ganitong trip. Deserve ko na nakakasama ko ang mga kaibigan ko. Deserve ko yung maging masya katulad ngayon. Napakagaan ng pakiramdam.

Iba-iba siguro ang paraan ng pagmomove-on pero sa akin, I stayed with my friends. Nagpakabusy rin ako at mas inalagaan ko na ang sarili ko.

Kinukahanan ko ng picture ang dagat nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Mag-isa?" Tinignan ko yung lalaking nagtanong. Mukhang ako ang kinakausap nito. "Mag-isa ka rin ba?" Tanong ulit nito habang nakangiti siya. Nalilipad ng hangin ang buhok ko kaya mas pinili ko itong itali bago sagutin ang lalaki sa harapan ko.

"Nope, I'm with my friends. Ikaw? Sinong kasama mo? Family or friends?"

"Nagkibit balikat ito. "Dapat yung ex ko." Aniya. "Sayang naman kasi nabook ko na, e. Kaso naghiwalay kami kahapon."

"Masakit?" Pang-asar kong tanong sa kanya.

"Syempre naman pero mahal ko, e. Pakawalan ko na lang." Sagot nito bago umupo sa bench. Maski ako ay nakiupo na rin.

"Mahirap lang talaga sa una." Sabi ko sa kanya. "But it'll be over without you knowing it. Time heals." Mahina kong sabi habang pinapakinggan ang alon ng dagat. Kahit pa medyo malayo kami sa dagat ay rinig na rinig ang mga hampas nito.

"Naks! Maka-advice si ate."

"Maka ate ka naman. Baka nga ikaw yung kuya." Tinignan ko siya at parang biglang kumabog yung puso ko nang ngitian niya ako. Bigla tuloy akong tumayo dahil bigla akong nakaradam ng hiya.

"Aalis ka na?"

"Uhmm... yeah." Naiilang ko biglang sagot. "Akyat na ako. Magpapahinga na. Sige, enjoy your stay." Paalam ko rito.

"Nah. Pauwi na rin ako, e. Enjoy your stay. Ano palang pangalan mo?" Nakangiti nitong tanong.

Kahit na kinakabahan ako at nahihiya ay sinagot ko pa rin siya.

"Tanungin mo ulit ako kapag nagkita tayo ulit." Nakangiti pa ako habang sinasabi iyon. "Tapos kapag napabilis ko yung heartbeat mo by that time, sabihan mo ako."

"Bakit?" Nagtatakang tanong nito pero hindi pa rin nawawala ang ngiti nito.

"Basta sabihan mo ako para alam ko kung ikaw na ba." Pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya ay nagmadali akong umakyat sa room ko.

Aish, Kate! Hindi mo pa nga kilala yung tao napapabilils na niya yung puso mo...

"Nakita ko iyon." Nakangiti si Jeka sa akin, ang pinakaclose ko noong high school. "Baka siya na."

"Kung siya talaga, makikita ko ulit siya." Iyon na lang ang nasagot ko kay Jeka. This time, ayaw kong madaliin ang mga bagay-bagay. May mga panahon pa rin kasi na naaalala ko si Lawrence kasi ganun naman talaga. Hindi mawawala yung care sa taong minsan ay minahal mo. Kaya kung ano man ang mga mangyayari sa future, bahala na. Basta ngayon ay masaya na ulit kahit pa wala na si Lawrence sa buhay ko.

=end=

MOVING FORWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon