Fifteen

46.6K 1.1K 14
                                    

Fifteen

Lance's POV

Hindi niya alam kung nasaan ang pinsan niya ngayon ang alam niya nasa New York ito ngayon pero ng itawag niya sa branch niya doon para iconfirm nga kung nandoon ang pinsan niya wala naman daw doon ang pinsan niya.

"Kevin ibigay mo na kasi sakin ang report mo kay Diwata"nanggigigil na siya sa kakapilit niya kay De gracia.

Dalawang araw ng nasa ospital si Diwata at hindi pa ito nagigising simula noon. At sa dalawang araw na iyon pilit niyang hinahanap ang pinsan niya para makausap ito.

Alam niyang may alam ang mga kasamahan ni Diwata kung nasaan ang pinsan niya.

"Bossing Lance, hindi nga pwede"sagot naman sa kanya ni Kevin.

"Kaso ko naman ito, kaya pwede kong makita ang mga iyon"pagpupumilit pa niya.

Hindi na siya sinagot nito ngayon nakatitig lang ito ngayon sa kanya. si De gracia at Lim lang ang bantay niya, dahil si Reyes at Dela Cruz naman ang lumalakad para ituloy ang imbestigasyon sa kaso niya.

May mga bantay din pulis si Diwata sa ospital, kasama na din ng dalaga ang mga magulang nito doon.

Tumayo na siya sa swivel chair niya sa loob ng opisina niya at tumingin sa bintana niya.

"Bossing Lance, pwede po bang lumayo nalang po muna kayo sa bintana. Baka kasi may sniper na naman sa paligid mahirap na"pagsasaway sa kanya ni De gracia.

"Tell me where can I find Scott, Kevin."kaysa sundin ito iyon ang sinabi niya.

"Bossing naman"sagot nito sa kanya.

"I said Tell me where can I find my cousin, Kevin"nagpipigil na siya ng galit niya.

"Kung sasabihin ko sayo kung nasaan siya anong gagawin mo bossing?"tanong sa kanya ni De gracia.

Nilingon niya ang mga ito at pinakatitigan.

"Kung pupuntahan mo siya ng walang kahit na anong malinaw na plano, nagpapakamatay ka lang noon. Hindi matutuwa si bossing Diwata 'pag nagkataon"dagdag pa nito.

"Just tell me"sagot niya.

Wala ng ibang tumatakbo sa isip niya ngayon kundi ang makausap ang pinsan niya at itanong kung bakit nito gustong patayin siya.

At aaminin niya, gusto niyang ipaghigante si Diwata sa pinsan niya. nang dahil sa gulo nilang magpinsan nadamay pa si Diwata.

Umiiling lang ang mga ito sa kanya, tanda na ayaw sabihin ng mga ito ang gusto niyang malaman.

"Sir"hindi niya napansin na pumasok na pala ang secretary niya sa loob ng opisina niya.

"Yes Jacob"nakakunot noo na tanong niya dito.

Sinabihan na niya itong hindi sila aabalahin nito ngayon dahil busy siya.

"You have a call sir, line 1"alanganin na imporma nito.

Hindi na niya tinanong pa kung sino ang tumawag sa kanya.

"This is Lance, whose these?"sagot niya.

"Lance"boses iyon ng pinsan niya.

Hindi siya agad nakapagsalita, pinigilan niya ang kumakawalang galit sa dibdib niya. kailangan niyang magpanggap na wala siyang alam sa nangyayari.

"Oh, why did you call me?"pinasaya pa niya ang boses niya para wala itong mapansin.

Maging ang mga pulis na kasama niya wala din mapansin. Kung ayaw sabihin ng mga ito kung nasaan ang pinsan niya siya na ang aalam.

"I heared the news hows your girl?"tanong nito.

GENTLEMAN'S QUEEN #1: DIWATAHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin