Chapter 4

19.3K 680 78
                                    

This Chapter is Dedicated to @TzunamyLove

Yvaine's POV

Nandito kami ngayon sa Mall malapit sa amin. Kasalukuyan naming hinihintay sila Derick.

Si Kuya Zach naman ay panay ang kakacellphone, may katext siguro. Luma-love life ata ang pinakamamahal kong kambal!

"Tagal nila" bulong ni Rachelle sa tabi ko.

Nasa food court kami ngayon, dito kase ang usapan na spot kung saan maghihintayan. Halos 30 minutes na kaming naghihintay dahil traffic daw sabi nila Derick.

OTW daw pero mukhang naliligo palang bwisit!

"Bili muna ako ng Inumin ah! Sab samahan mo naman ako" Sabi ko at hinila na si Sab.

"Anong masarap na inumin?" Tanong ko sakanya habang naglalakad kami.

"Mag Shake ka nalang" sabi ni Sab at tinuro ang isang spot na tindahan ng mga shake.

"Libre kita beks!" Sabi ko at hinila na siya papunta sa mga shake.

"Bilhan mo si Rachelle magtatampo yun" sabi nito at agad naman akong tumango, 3 na ang inorder ko na ibat ibang flavor para tikim tikim nalang.

"Beks, tignan mo yun" Sabi ni Sab at tinuro ang Bagong store na bukas, puro gamit ng lalake.

"Oh? Ano meron dun?" Tanong ko sakanya.

"Ano bang magandang iregalo kay Lucas? Next week na kase ang birthday niya" sabi nito.

Nagulat naman ako, Marunong pala siyang mag effort? Pero parang first time ito ah? Secretly inlove siya sa kanyang pinsan, Pero okay lang yun dahil hindi naman sila magkadugo.

"Panyo beks! Laging may hawak na panyo si Lucas eh pansin ko lang" Sabi ko at kinuha na ang order naming shake.

"Malay mo madami na syang panyo?" Tanong ni Sab.

"Basta! Tara dali!" Sabi ko at hinila na siya papunta sa store.

"Bilhan ko kaya si kambal ng brief, alam mo yun? Gamit parin yung last year niyang brief hahahah!" Sabi ko saka tumawa.

"Inamag na ba sa kalumaan yung brief nung kambal mo?" Tanong nito habang tumatawa.

"Oo sobrang baho pa! Pag nasa labahan yun kala mo isang taong hindi nilabhan sa sobrang baho!" Sabi ko saka tumawa.

May pang asar na ako kay kuya! Yung brief niyang mabaho na amoy kakablowjob lang.

"Teka beks! Eto ang ganda!" Sabi ni Sab at kinuha yung mga panyong nagustuhan niya.

Simpleng black and white at may light brown at grey na mga panyo, Ibat iba ang pagkaka design nya pero lalakeng lalake ang dating. Bilhan ko kaya si kambal? Ay wag na pala! Baka ano pa isipin nun. Magkautang na loob pa sakin yun.

"Magaling ka talaga pumili ng panglalake! Lalake ka kase ano? Charots lang beks!" Sabi ko at nag peace sign.

Sinamaan naman nya ako ng tingin.

"Wait! Palagyan nalang natin ng Lettering na tahi, like pangalan niya sa pinaka dulo ng panyo, diba? Para more effort!" Sabi ko at nag thumbs up sakanya.

Napangiti naman siya sa idea ko , diba? Galing ko talaga! The best na The best---

"Sab wait lang ah" sabi ko.

Nakita ko kase yung lalakeng nireregla yung ilong, Gusto ko siyang kamustahin. Hindi ko kase siya naka usap ng maayos kahapon.

"Kuya!" Sambit ko ng makita siyang tumitingin sa mga kwintas dito sa store.

Boyfriend Ko Si Kamatayan (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon