FLAMES (part two)

31.4K 1K 251
                                    

                             F.L.A.M.E.S (part two)

 

Two years na ang nakakaraan simula nung maging si Benedict at Patty. Okay naman sila, masaya at walang problema. Yun eh, nung hindi pa dumadating si Lea...

- Flashback -

Kakatapos lang nung graduation nila Benedict at Patty, dumiretso si Patty sa bahay nila Benedict pati ang mga kaibigan nila para mag-party. Pagdating nila doon ay nagulat si Benedict sa nadatnan niya. 

"LEA!?" -takang-takang tanong niya. Ang mga kaibigan naman nila at si Patty hindi alam ang gagawin dahil ngayon lang naman nila nakita ang Lea na 'yon.

Nagulat sila sa mga sumunod na nangyari dahil biglang hinalikan ni Lea si Benedict sa labi sa harap nilang lahat at sa harap ng mga magulang ni Benedict, "Imissyou Benedict." -sabi pa nito.

Tumakbo naman palabas si Patty saka ito umiyak.. Si Benedict naman ay halo-halo ang nararamdaman. 

- End of Flashback -

Hanggang ngayon hindi pa rin nagpaparamdam si Benedict kay Patty, kaya si Patty palaging umiiyak at nagmumukmok. Kahit text, call, chat, o kahit direct message wala siyang natatanggap mula kay Benedict. Ayaw niyang tumigil sa paghihintay na..baka sakali..BAKA SAKALING MAGTEXT SI BENEDICT.

KASO HINDI. Lumipas ang ilang buwan na wala pa ring padama si Benedict. ANONG NANGYARI???

After 1 month...

- Patty's POV -

Nag-aantay ako ng tawag o text mula kay Benedict pero wala akong natatanggap. Maya-maya ay biglang nag-ring yung phone ko, pero unknown number. Sinagot ko naman.

"Hello, Sino 'to?" 

Walang sumasagot. Pero maya-maya nakarinig na ko ng boses ng babaeng umiiyak.

[Hija, mama 'to ni Benedict. WALA NA SIYA....]

Sa pagkabigla, bigla kong napatay yung cellphone atsaka nag-unahan ng pumatak ang mga luha mula sa mata ko.. Paano?

Maya-maya ay may nag-doorbell. Nag-deliver ng isang maliit na box. 

Angdaming sulat. Binasa ko ang mga iyon isa-isa.

Sa araw na mababasa mo ang sulat na ito, malamang ay wala na ako.. Nung araw ng graduation natin, nung bumalik si Lea? Alam ko na wala na kong nararamdaman sa kanya. Kasi ikaw talaga yung mahal ko eh! Sorry ha? Sorry kasi hindi kita nahabol nung tumakbo ka.. Sumikip kasi bigla yung dibdib ko atsaka ako inatake ng sakit ko. Ilang buwan din akong nasa Hospital. Hinihiling na sana, sana dumalaw ka...Kaso pasensya kana ulit kasi ayokong makita kang umiiyak habang nag-papaalam sa'kin. 

Sa maliit na box na ito? NANDITO YUNG FLAMES NATING DALAWA. 

Ako yung gumawa niyan! Kaso...FRIENDS na lang yung lumabas :)) Sana balang-araw, makahanap ka ng taong magmamahal sayo tulad ng ginawa ko. MAHAL NA MAHAL KITA PATTY! :***

At doon na nga bumuhos ang mga luha ko.. Sa buhay, may mga namamaalam at nawawala. Pero hindi ba natin naisip na sa lahat ng mga namamaalam at nawawala ay nag-iiwan naman sila ng mga magagandang ala-ala? :) Kaya wag tayong masyadong malungkot kung may nawala dahil sabi nga nila meron ding dadating. =))))))))))))))))))))))

FLAMES (oneshot)Where stories live. Discover now