0:05

91 11 0
                                    

"okay, i-angat mo lang yung isa para maka-pasok ka." hirap na hirap syang umakyat sa bakod. "taehyung, nagdu-duda na talaga ko sa sexuality mo."

"i'm hurt." sabi nya with monotone voice. umaakyat pa din sya habang ako nasa kabilang bakod na.

finally, kahit muntik na syang mahulog, naka-lagpas din sya sa bakod. "san ba talaga to, louise?"

"a passport back to my childhood." i replied, nagla-lakad na kami. "pero, may plot twist. mags-swimming tayo."

"ha?!" ang lapit nya sakin, naaamoy ko pa yung alcohol sa bibig at damit nya. "may pool dito?"

actually, 4 years ago, hindi ako aakyat sa bakod; kasi samin to. pero binenta ni mom, along with all my memories.

see? that's why i hate my parents. both of them. sinira nila lahat; family, my happiness and ako mismo.

may iba nang may property nito, we're trespassing.

hinananap at hinawakan ko ng mahigpit yung kamay ni taehyung, humawak rin sya. it felt good, na hindi ako mag-isa. at wala pa kong dinala ditong iba, si taehyung pa lang.

"feeling ko mahalaga sayo tong place na to.." sabi nya at tumango ako. "so, lahat ba ng friends mo dinadala mo dito? ritwal ba to?"

natawa ako, kung alam nya lang gano to kahalaga. "no..."

"hmm, so bakit mo ko dinala dito?"

napa-isip rin ako.. may possibility na hindi na ulit kami mag-kita, 1 hour apart kame. bakit nga ba ko sya dinala dito?

hindi ko namalayan, nandito na pala kami.. hindi sya pool, lake sya. pero malinaw yung water.

"no way–" sabi nya oras na makita nya yung lake. i agree, nakaka-takot sya kasi gabi. bago pa sya makapag-salita ulit hinuhubad ko na yung shirt ko. naka-tingin lang sya.

"ah, huhubad?" ngumiti sya, he's too adorable. ina-unbutton na nya yung white polo nya, slightly tumitingin pa din sakin.

by this time naka-underwear na lang ako, at sya naka-boxers na lang. nakikita ko na kinakabahan sya. "ready?"

hinawakan nya yung kamay ko at sabay kaming tumalon, kahit nasa tubig na hindi pa din nya binibitawan.

kaya magka-lapit yung katawan namin. ikikiss nya ata ako. nagawa ko na lahat to noon, with jimin and other boys. pero bakit ngayon, parang kinakabahan ako?

palapit ng palapit yung mukha nya sa akin, i wanted to kiss him too. kaso yung lapit na lapit na talaga, may flashlight na tumutok sa aming dalawa.

"shit!" sigaw ko, hinila ko sya pa-ahon. "tara na! may guard."

mabilis namin dinampot yung mga damit namin. naka-ngiti at masaya kami habang tumatakbo. feeling ko nasa music video kami.

mas mabilis na syang naka-akyat sa bakod ngayon.

"iki-kiss mo ba ko kanina?" tanong ko, habang nagbibihis kami.

nag-blush sya, kahit madilim nakikita kong naging red yung kulay ng pisngi nya. "hindi no." bad liar.

wala na akong sinabi at tinignan ko yung phone ko. texts from sam, jungkook and mom.

mom: louise, pauwi na ko. tulog ka na?

himala, uuwi si mom. binilisan ko yung pagbibihis, "hey, pwede mo ko ihatid?"

it doesn't matter diba? hindi na kami magki-kita after tonight. it's a one time thing.

we're just strangers with memories.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

break my heart; k.thWhere stories live. Discover now