Chapter 3

13 1 0
                                    

"Basketball tayooo ano? Tara laban?!" Aya ni Taehyung sakin.. Ako naman pumayag! Wala naman ako tinatanggihan, game na game ako palagi hahaha. Kanina pa din kami dito.

"1..2..3!" Sigaw namin pareho at sabay hinulog yung token para fair at sabay yung laban.

Maya maya natapos din yung laro at tinignan yung score namin.. 125-113 whaaaattt?? Agad naman siya tumawa nang makita niya.

"Talo talo." Sabi niya at tinawanan ako.

"Rematch! Rematch!" Sabi ko naman pumayag naman siya. Bibigay ko na yung best ko huuuu focus.

"1.. 2.. Teka!" Sigaw niya, muntik ko na mahulog yung token.

"Bakit??" Tanong ko.

"Dapat may parusa! Kung sino una maka dalawa na panalo siya ang panalo tapos yung talo ililibre yung panalo. Ano? Game?" Sabi niya at nakikipagapir.

Inapiran ko naman yun means pumapayag ako.

"Okay game!" Sabi ko.. Ayokong manlibreee wala ako pera, wala pa ko allowance bukas pa kasi simula ng pasukan eh.

"1.. 2.. 3!" Sigaw namin pareho at hinulog yung token..

Sunod sunod na shoot ako pati siya..

"Ang panget moooo!!" Sabi ko. Dinidistract ko siya tawa naman ako ng tawa.

"Bleh bleh blehhh di ako madidistract!" Sabi niya at patuloy na nagshoshoot pati ako..

***eeeeenggg***

Sabay natapos yung laro.. 146-147 woaaahhh panalo ako! Ako naman ang tawa ng tawa ngayon.

"Tie palang tayo! Sayang! Isang point nalang eh!" Sabi niya, ako naman dinilaan ko siya habang tawa ako ng tawa.

"Okay ulit!" Sabi niya..

"1..2..3!" Sabay na sabi namin ulit at sinimulan yung game.. Smooth lang ang laro ko, pinipigilan ko sarili ko maexcite kasi kapagnaeexcite ako hindi nangyayari ang gusto ko..

Malapit na matapos yung laro! 5.. 4.. 3..

"Taehyung!" Sigaw ng babae sa likod namin.. Napalingon naman kami ni Taehyung.

"SooYoung!" Sabi ni Taehyung, niyakap niya naman si SooYoung.

***eeeeenggg***

Tapos yung laro.. Tie kami.. 137-137

"Sino siya?" Tanong ni SooYoung.. Ang ganda niya.

"Si Jiyeon, Bestfriend ko nga pala!" Sabi ni Taehyung at inakbayan ako. Nginitian ko naman si SooYoung..

Kinuha naman ni SooYoung yung kamay ni Taehyung at hinila palayo sakin..

"Tara Taehyung, kain tayo treat kita." Sabi niya..

Ako naman lumapit kay Taehyung at bumulong.

"Mauna na ko umuwi." Sabi ko, tumango naman siya. Ngumiti naman ako kay SooYoung at lumayo na sa kanila.

"Annyeong Bestfrienddd!!" Sabi ni Taehyung, lumingon naman ako at winave yung kamay ko..

Umuwi nalang ako ng nakacommute, lalo na di naman ako marunong magdrive ng kotse ni Taehyung.

***
Pagbaba ko ng tricycle, maglalakad nalang ako malapit na rin naman yung bahay namin dito.. Kaso medyo madilim na rin.

Habang naglalakad ako eto ang creepy eh, pakiramdam ko may sumusunod sa likod ko kaya lumingon ako. Meron nga.. Tatlong maskuladong lalaki nakatingin pa sakin. Sh*t natatakot ako.

Agad ko naman kinuha yung cellphone ko sa bag ko at dinial yung number ni Taehyung. Agad niya naman sinagot.

"Yeobose-"

"Taehyung.. Taehyung.." Bulong ko kaya napatigil siya sa pagsasalita.

"Taehyung may sum-" napatigil ako ng pagsasalita nang magsalita yung isang lalaki sa likod ko.

"Sino yang kausap mo haaaa?!" Sigaw nung isa natatakot talaga ko.

"Yeon! Asan ka?!" Nagaalalang tanong ni Taehyung.

"Papunta na ko sa bahay." Bulong ko at hindi inintindi yung nasa likod kong mga lalaki.. Binilisan ko yung lakad ko, nakikita ko na rin yung bahay namin..

"Yeonyeon!" Sigaw ni Taehyung sa di kalayuan.. Agad naman ako tumakbo papalapit sa kanya at niyakap ng mahigpit, takot na takot talaga ko.. Nawala na rin yung tatlong lalaki na sumusunod sakin.

"Yeon nasaktan ka ba ha? Lika umuwi na tayo." Sabi niya at inakbayan ako papunta sa bahay.. Ako naman di ko makalimutan yung itsura nung lalaki kanina.

Paguwi namin agad ko naman siya tinanong.

"Si.. SooYoung?" Tanong ko..

"Kasama niya naman yung parents niya, napunta lang pala siya sa Arcades kanina kasi may bibilhin siya malapit don at sakto nakita niya tayo. Teka, okay ka lang ba?" Nagaalalang sabi ni Taehyung.

"Okay lang ako, salamat. Sorry rin kasi nasira yung time niyo magkasama ni SooYoung." Sabi ko at hindi tumingin sa kanya.

"Hmmp." Sabi niya at tumalikod.

"Mianhaeee." Sabi ko at pumunta sa harap niya. Niyakap niya naman ako..

"Nagalala talaga ko sayo kanina." Sabi niya at kumawala sa yakap at pumunta sa sala.

"Kumain ba kayo?" Tanong ko naman at tumabi sa kanya na nakaupo sa upuan, sinindi niya rin yung TV.

"Hindi nga eh, nagugutom ako. At ikaw rinnn alam ko gutom ka noh?" Sabi ni Taehyung at pinisil nanaman yung pisngi ko.

"Oo nga. Wait magluluto lang ako." Sabi ko at tatayo na sana nang hilahin ako ni Taehyung pabalik sa upuan.

"Bakit? Nagugutom na koooo" sabi ko. Dinner na din kasi.

Nilabas niya naman yung elephant na nunal niya.

"Popcorn popcorn." Sabi ni Taehyung at nagpout.

"Popcorn dinner? Manahimik ka nga diyan." Sabi ko.

"Jebal?" Sabi ulit ni Taehyung at nag pout at nag killer aegyo. Hmmppp pasalamat talaga siya gwapo siya! Este bestfriend ko siya!

"Oo na nga lang." Sabi ko at tumayo na, tumayo rin siya.

"San ka pupunta?" Tanong ko.

"Yehey." Sabi niya at umupo ulit at nanood ng TV. Ako naman napailing lang sa kaweirduhan ng bestfriend ko.

Maya maya ready na rin yung popcorn..

"Woooo popcorn." Tuwang tuwa na sabi ni Taehyung.

"Bat ang konti?" Tanong niya nang makita niya.

"Konti nalang yung popcorn eh." Sabi ko at umupo, siya naman yung tumayo.

"Dito ka muna, bibili akong popcorn. Kulang to lalo na sayo." Sabi niya at tumawa, sinipa ko naman siya.

"Bilisan mo ah!" Sabi ko di na rin siya sumagot at lumabas na ng bahay. Nanonood lang ako ng TV nang biglang may mag doorbell. Ayan na yata si Taehyung pero di naman nagdodoorbell yun sa bahay dire diretso pasok lang yun eh.

Kaya binuksan ko na rin yung pinto.

"Annyeong." Sabi niya at ngumiti.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko di ko siya pinapasok, masama talaga yung kutob ko.

"Sinundan ko yung BOYFRIEND ko dito at kitang kita ko kung paano kayo maglandian. BESTRIEND ka lang niya, hindi GIRLFRIEND baka nakakalimutan mo.." Sabi niya, agad naman may sumigaw, si Taehyung.

"SooYoung!"

Best Friend | cz. Taehyung |Where stories live. Discover now