Chapter 7: A Day With You

3.6K 87 6
                                    


Dedicated sa author na bigla bigla ka na lang gugulatin sa mga updates niya. Bihirang may magpaalala saken ng kaaway!! tachibanaran!! Mag Update ka na! 

Paalala ng isang reader mong ataters. =))


[Andy's POV]


"Wala yun...mahal kita eh." sabi sakin ni Ethan...ano? Tama ba pagkakarinig ko?

"Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya... mahal? tama ba ang rinig ko?

"Sabi ko wala yun...friend kasi kita eh..." mali nga lang ako ng dinig...maglinis nga ng tenga mamaya.... -______________-

[Ethan's POV]

Nadulas ako dun.. buti na lang hindi niya naintindihan.. at nakaisip agad ako... tahimik kami sa kotse ng magsalita siya..

"San tayo pupunta." tanong niya saken..

"Dun sa condo ko, magpalit ka ng damit..." hindi naman talaga sakin yung condo... sa kuya ko.. pero nasa states naman na siya kaya ako na pansamantalang nagamit.

"May damit ka ng babae? Sa condo mo? Sa girlfriend mo?" tanong niya saken?

"Hindi, sa girlfriend ng kuya ko. Sa kuya ko kasi yung condo dati. Nung nag break sila, di na niya nakuha yung iba niyang damit dun eh." mahabang kwento kung ano ang dahilan...

Nag drive na ako tapos umakyat sa condo, pinapasok ko siya sa may kwarto para siya na yung magtingin tingin, habang hinihintay ko siya sa may sala..

"Ui Ethan, thank you pala ah." sabi niya pagkalabas at natulala nanaman ako. Simple lang yung damit niya, isang v neck tshirt tyaka pants... pero kahit napaka simple labas parin yung ganda niya. I'm so out of my league.

"Tara." sabi ko sa kanya ng matauhan na ako..

"San naman tayo pupunta?" tanong niya saken...

"Ikaw bahala. Hindi naman na tayo papasok, edi enjoyin na lang natin." sabi ko sa kanya habang nakangiti... ngumiti lang naman din siya saken tapos tumakbo ulit pababa...

[Andy's POV]

Ngayon lang kami nagkakilala ni Ethan pero ang gaan na ng loob ko sa kanya...ang bait kasi niya saken...

"San mo gustong pumunta?" tanong niya saken habang nagaka sakay kami sa car..

"Gusto kong pumunta sa Bonifacio High Street." napunta kami dun nung high school ako, kaya langnaging busy pagdating ng college kaya siguro chance na ito...

"Bakit? Gusto mong mag shopping?" tanong sakin ni Ethan... baliw na yan... di pa talaga ako kilala...

"Baliw ka! Hindi ako kagaya ng typical na girl!! Gusto kong mag arcade sa Timezone. Tiyaka gusto ko gumawa ng stufftoy sa Animalandia tyaka gusto ko maglaro dun sa mga Architectural Toys sa gitna ng BHS." sabi ko sa kanya...grabe lagay na talaga loob ko sa kanya para sabihin yun...siguro iniisip niya isip bata ako...pero ngumiti lang siya biglang drive...

Pag dating namin dun..at pagtapos mag parking...hinila ko agad siya papuntang Timezone, bumili kami ng card at naglaro...Air Hockey, yung sa guns, tapos Basketball... Pumasok din kami dun sa photo booth, nakakatawa nga yung mga pictures namin...parang ilang years na kaming magkakilala kung titignan mo yung mga snapshots dahil super close. After nun...nagpunta kami sa gitna nung BHS, masyado kaming nagtagal dun sa Pipes kasi talagang sinakyan namin kahit di naman dapat , tiyaka dun sa may freedom wall...kung ano ano pinagdadrawing namin lalo na ako na walang talent sa drawing...tiyaka ngayon ko lang nalaman na ang galing ni Ethan mag doodle.. dinoodle niya pangalan ko kanina eh... tapos nag punta kami sa may Animalandia, tapos gumawa kami ng 2 stuff toy. 2 teddybear isnag girl tiyaka isang boy... Si EJ sakin...si AJ sa kanya... yung EJ for Ethan Jacob tapos yung AJ, Andy at sa mga di nakakaalam Janelle ang scond name ko, haha kulit lang.....

[Ethan's POV]

Hinatid ko na si Andy sa bahay nila, maaga pa naman, para hindi mahalata na hindi siya pumasok... Mga oras ng uwian kasi ganito kaya sakto, ng makita ko na tulog si Andy habang yakap yakap si EJ. Ang ganda niya talaga... nilabas ko yung cellphone ko at...click... hala! may flash pa pala...

Bigla kong tinago cp ko at nagising na si Andy...

"Ethan, thank you talaga sa araw na ito ah." sabi ni Andy...binuksan na ni Andy yung pintuan tapos bumababa..nginitian niya ulit ako tapos ginalaw yung kamay ni EJ parang kunyari yun yung nag bababye...ginawa ko naman din yun kay EJ.

Hinintay ko makapasok sa loob ng bahay si Any, tiyaka ko nilabas yung cp ko.

Bigla na lang pumasok sa isip ko.

Ang cute ng soulmate ko. =))

Dear SoulmateWhere stories live. Discover now