22.

912 43 70
                                    

Passed out.

Agnes

Tumayo ako at pinunasan ang luha ko. I cried a lot and that's enough. At least, nailabas ko ang gusto kong ilabas ngayon. Ayoko naman na kawawaan ako ng mga kasama ko.

Crying does not mean I'm weak. It means I've been strong for too long. Gaya ng nangyari simula nang mapadpad kami dito. 

I never knew how strong I am. Until being strong is my only choice I have. Hindi naman ako pwedeng magtakot-takutan dahil may mga kasama ako. Lalo na si Hazel na pinakatatakutin sa aming lahat.

"Guys, tara na. We need to get out of here," sabi ko habang basag-basag ang boses ko dahil sa pagiyak ko kanina.

Nginitian nila ako at ang iba naman gaya ni Joseph, Jenny at Selena, tinapik ako sa balikat. Nauna silang maglakad papunta sa kanan kung saan doon kami nahulog ni Hazel.

Sumunod naman ako sa kanila. At dahil nahuli ako, nilingon ko muna ang gate na patuloy sa pagkalabog na animo'y gustong-gusto nilang pumasok. 

Habang naglalakad kami sa madilim at mabahong lugar na 'to, patakip-takip naman sila ng ilong dahil hindi talaga kaya ang mabahong kanal na 'to.

"Paano naman tayo aakyat diyan?" tanong ni Jenny habang nakatingala kaming lahat sa may malaking butas.

I scanned the whole place at nakitang may malalaking bato na sakto lang para makaakyat kami mula dito.

"There," sabay turo ko doon sa naglalakihang bato.

Parang naging rock adventure ang ginawa namin pero wala lang kaming safety gears. Kapag mahuhulog kami, sa itim na likido kami mahuhulog at mag-aamoy kanal kami.

Hindi naman ako arte sa mga ganiyan. Diyan nga ako nahulog kanina, 'di ba? Pero hindi ko naamoy ang mabahong amoy nito.

"Guys, ingat sa mga bato na 'to!" sigaw ni Chris na siyang naunang sumubok sa pag-akyat. Sumunod sa kaniya si Francis at Joseph samantalang nagpaiwan muna si Miko at Caleb.

Nang makaakyat na ang tatlo, si Jenny at Selena naman ang sumubok at nakaakyat din na walang kahit anong nangyari.

Naghihintay silang lima doon sa itaas kaya kaming dalawa naman ni Hazel ang sumunod. Pero bago pa kami umakyat, nilingon ko silang dalawa at sa malaking gate na nasa unahan. I can see the big gate began to destroy. 

Natatanggal ang mga bolt nito at unti-unting nayuyupi ang metallic gate. They're strong enough to destroy and enter to where we are now.

"Tara na, Hazel. Bago pa makapasok ang mga halimaw," sabi ko kay Hazel tsaka kami pumwesto sa harap ng mga bato. 

Isa-isa naming hinawakan at inapakan ang mga bato. Maingat naming ginagawa 'to para hindi kami madulas at mahulog kundi tigok kami.

CLANK! CLANK!

Napahinto ako at nilingon ang gate. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang unti-unti na itong bumubukas. Nayuyupi na ito ng sobra at kulang nalang ang mahigit isang daang pag-yupi nito at makakapasok na sila.

CLANK! CLANK!

Para silang mga zombie na gutom na gutom at gusto kaming tikman. They want to eat our flesh and brains--

"Miko! Caleb!" naiiyak na sigaw ni Hazel na nasa tabi ko. Nagmamadali kaming umakyat para makaakyat na ang dalawang lalake na na-stuck pa rin sa ibaba.

Konti nalang at makakarating na kami sa itaas. 

The five of them stretched out their hands to help us. Bakas sa mukha nila ang pagaalala lalo na kay Miko at Caleb. 

Mystique PuppeteerWhere stories live. Discover now