Chapter 1

9 1 0
                                    

♪Kapag tumibok ang puso.
Wala ka ng magagawa kundi sundin ito.
Kapag tumibok ang puso.
Lagot ka na!
Siguradong huli ka!♪

Ang puso naman talaga oo, kung kani-kanino na lang tumitibok! Tibok dito! Tibok doon! Hayss! Minsan nakakapagod na rin no? Nakakapagod magmahal pero itong si puso? Sige hala tibok. Please naman heart ko, wag muna T.T

Akala mo naman nakaranas na magka-boyfriend eh no?

All I'm just saying is...dapat nasa tamang place ka kasi baka umasa ka na naman. Baka... Baka di naman talaga love ang nararamdaman mo? Baka...nadadala lang sa kagwapuhan o kakyutan? Pweeeede.

Ako si Heart Mapalad. OO NA! OO NA! Mapalad ang family name ko pero kasalungat ito sa tunay kong pagkatao at karanasan ko kasi hindi naman talaga ako mapalad na tao. Lagi akong sumasablay at minamalas. Minsan tinatawag pang salot, patay-gutom, hampas-lupa, at laging nabubully lalo na sa SCHOOL namin. Kasi...nag-aaral lang naman ako sa isa sa mga sikat na SCHOOL dito sa bansa.

Yung tungkol sa heart ko? Wala yun? Ako lang ang nakakaramdam nun, malamang! Wala naman talaga kasi nakaka-appreciate ng kagandahan ko (feeling), kabaitan at katalinuhan (?) katalinuhan sa kabobohan!

Sa labing anim kong nakatayo dito sa mundong ibabaw sa SCHOOL ko talaga mas naranasan ko at natutunan kong "ang buhay ay parang gulong na flat, walang hangin, mahirap umusad."

Oo, mahirap talaga. Mahirap makipag sabayan sa mga taong ayaw ka namang sabayan. Literal! Kasi yan naman talaga ang totoo. Walang sumasabay sa aking kumain sa canteen, sa paglakad sa corridor, sa pag-uwi. Feeling ko - I mean ayaw talaga nila sa akin ever since nag-enroll ako dito sa JV School.

Meron naman ako naging kaibigan. Yung lagi kong ka-seatmate nasi Hannah Shine Reyes. Si Hannah ang minsan kong kasama sa library (lang). Minsan kasi kapag recess or uwian hindi ko na sya pinasabay sa akin kasi baka ano pa sabihin ng iba sa akin. Baka mapahamak pa sya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CALM DOWN, HEART!Where stories live. Discover now