BINHI NG MADRIGAL

2.5K 22 1
                                    

Hacienda Madrigal..

Isang katok ang aking naulalingan sa labas ng aking silid pahingahan..

Tumuloy ka..sabi ko sa kung sino man ang kumakatok

Mahal na prinsipe.. tawag niya sa akin at kasunod nito ang payuko ng kanyang ulo tanda ng paggalang niya sakin..

"Anong magandang mensahe ang iyong hatid Enrico?"Tanong ko sakanya..

"Nagawa na po namin ang ipinag utos niyo mahal na prinsipe ..sabi ng aking pinakamatapat na tagasunod..

"Mabuti kung ganun"..sabi ko sakanya kasabay nito ang pagyukom ng aking kamao at pagkirot ng aking damdamin..

Masakit sa aking damdamin ang aking napag desisyunan..Siya ang ikalawang babae na inalayan ng aking pag ibig ngunit ninais niya pang mas mahalin ang mortal na nilalang kaysa sa akin na kagaya niyang imortal ..

"Ang sanggol?? muling tanong ko sa kay Enrico..

"Wala na po ang sanggol sa kanilang tahanan ng kami ay sumalakay mahal na prinsipe tanging si Prinsesa Paulina at ang mortal na si Francisco na lamang ang aming nadatnan .. mahabang paliwanag ni Enrico..

Kung ganon napaghandaan nila ang inyong pag dating naitakas nila ang batang itinakda...tiim bagang kong sabi...

Ganun na nga po mahal na Prinsipe.. pagsangayon ni Enrico..

Sige maari kanang umalis Enrico.. sabi ko saknya..

Sige po mahal na Prinsipe.. yuko nito sabay pihit patalikod at tuluyang lumabas ng aking pintuan..

Kung ganoon dapat ko nalang antayin ang itinakdang panahon para sa itinakdang Villa Monte sa ayaw at sa gusto nila mangyayari at mangyayari ang propesiya hindi mahahadlangan ninuman ang pag iisa ng itinakdang Madrigal at itinakdang Villa Monte ng sagayon mas lumakas ang aming lahi ang batang magiging bunga ng dalawang lahing ito ang siyang tunay na makapag sasakatuparan ng aking mga plano..
Ang maghari sa lahat ng uri ng mga immortal sa mundong ito..

Labis na nagdadalamhati ang aking puso sapagkat ang babaeng minahal ko sa ikalawang pagkakataon ay tunay ngang wala ng buhay..
Mas nanaisin ko pang siya ay mamatay kaysa tuluyan siyang sumaya sa piling ng immortal na si Francisco..

Pinili kong mapag isa at tanging bote ng alak lamang ang aking karamay.. Ngayon wala na si Paulina sino ang maaring magdala ng aking BINHI..

Ngunit ilang saglit lamang isang mainit na haplos sa aking balikat ang aking naramdaman..

"Matteo" tinig ng isang babae na tumawag sa aking pangalan .. pamilyar sa akin ang mga tinig na ito at talaga naman sa mga ganitong sitwasyong lugmok ako siya lamang ang tanging nakakalapit sa akin..

"Veronica" tawag ko sa babaeng nasa aking likuran..kahit hindi ko na ito lingunin alam kong siya ito kabisado ko ang Amoy,tinig at presensiya nito..

"Ano ang iyong pakay at tumawid ka nanaman sa sikretong lagusan?"
Tanong ko sakanya..

Labis akong nakikiramay sa pagka wala ng pinakmamahal mong Prinsesa.. sinserong sabi niya..

"Salamat" tugon ko sakanya..

Ngunit malinlangin mo man ang iyong mga kalahi pero ako Matteo hinding hindi mo kailanman malilinlang..alam ko ang totoong naganap,alam ko na ipinapatay mo sila at hindi totoong sinalakay sila ng groupo ng mga pambira."Lycan" ang totoong pumaslang sakanila..tauhan mo ang pumatay sa mag asawa hindi ba? Mahabang litanya niya..

MERCILESSWhere stories live. Discover now