Prologue

0 0 0
                                    

ALTER WORLD

Kung sa Earth ay may mga kontinente.

Sa Alter World naman ay may mga dimension.

Hinahati ang Alter World sa  iba't ibang dimensyon.

Vampire Kingdom

Sorcery Kingdom

Soul Warrior Kingdom

Ang mga nabanggit ay ang mga makakapangyarihang dimension.Kapag nabibilang ka sa makapangyarihang dimension,dapat hindi ka naiiba.Halimbawa,Kung nabibilang ka sa kaharian ng mga bampira.Dapat pure-blooded bampira ka.

Kung nabibilang ka sa kaharian ng soul warrior,dapat matapang ka.Dapat may kapangyarihan at kakayahan kang manlaban sa mga masasamang espirito.

Kapag naman nabibilang ka sa kaharian ng mga magic.Dapat nasa sa iyong dugo ang pagiging sorcerer.
Hindi magic ang dahilan na maging isang sorcerer.Dapat nanalaytay sa dugo mo ang pagiging sorcerer.

May dimensyon naman para sa mga normal at hindi masyadong makapangyarihang nilalang (engkanto,white ladies,enderman and so on.) Pero sa mundo nila,walang kapayapaan.Palaging may digmaan.Naglalaban kasi sila kung anong nilalang ang maghahari para sa normal na dimensyon.Sa hindi nila napagtanto,sa pakikipagdigmaan nila sa kapwa ordinaryong nilalang, sila ay nauubos.Kaya kokonti na lang ang nga nilalang na naninirahan sa normal na dimensyon.

Kapag kasi nabibilang ka sa dimensyon ka ng makakapangyarihang dimensyon.Maayos ang pamamahala nila sa kanilang sibilisasyon.Isang malaking diskriminasyon ka kapag naiuba ka sa kanila.Isang kahihiyan.Maayos ang sibilisasyon nila dahil nagkakaisa ang kanilang mga lahi.Walang dapat mamuno kundi ang mga 'descendants of the royal blooded ancestors' lamang.Sila ang mga anak,apo,apo sa tuhod,apo sa kahit ano man.Basta't may royal blood kang nanalaytay sa mga ugat mo.Kabilang ka sa pwedeng mamahala sa sibilisasyon na tinitirhan at kinabibilangan mo.

Subalit,hindi maiiwasan ang mga pagkakamali.Ang paglikha sa kamalian.Ang kamalian na dapat iwasan at lisanin.Dahil ang pagkakamaling ito ay sanhi ng panibugho at digmaan sa pagitan ng lahat ng mga dimensyon sa Alter World.





Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Jun 21, 2017 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

The Alter WorldOù les histoires vivent. Découvrez maintenant