MISTERYO CASE # 1

1.4K 55 1
                                    

   "The Little boy who kept following Kriesha"





*** SABRINA **

Ngayong nalaman na namin ang istorya kung bakit kami nagkaroon ng kakaibang kakayahan. Siguro ito na ang oras para lutasin ang mga problema.

"Bawat isa sa inyo ay may problema. Pero ngayon si Kriesha muna ang uunahin nating lutasin. Wag kayong mag-alala dahil sa gagawin natin, sisiguraduhin kong ligtas tayo at madedevelop din ang mga kakayahan nyo. Sabihin mo na ang problema mo Kriesha." sabay tingin namin kay Kriesha.

"May isang batang lalaki na palaging sunod ng sunod sakin. Madalas syang magpakita kung mag-isa lang ako. Nung bakasyon lang to nangyari. Dahil kapag may magpapakita naman sakin, nawawalan na din naman agad sa paningin ko. Pero ngayon, palagi akong sinusundan kahit saan ako magpunta humihingi din sya ng tulong sakin pero wala naman akong magawa." Sabi ni kriesha.

Si Alex mukhang nag-iisip.

Si Jake naman pacool lang.

Si Stella naman mukha nababalot na ng takot yung mukha.



"Yung lalaking yun mukhang mga nasa 4-7 years old. Puno ng saksak ang katawan. Naliligo na sya sa sarili nyang dugo. Ewan ko ba, naawa ako sa bata pero mas naaawa ako sa sarili ko dahil ayaw nya ko tigilan. Nakakatakot na kaya sya!" pagpapatuloy nya.

"Ang gusto mo ba Kriesha kausapin natin sya kung ano ang kailangan nya para layuan ka na nya ng tuluyan?" Sabat naman ni Alex.

Hmmmp.

mukhang maaaahan ang mga to ah...


"Oo sana?" Mahinang sabi ni Kriesha.



"Hindi mo ba sya nakakausap Kriesha kapag nagpapakita sya sayo? Nagbigay ba sya ng any details tungkol sa pagkatao nya?" tanong ni Jake.

"Hindi eh, karamihan sa mga nakikita ko hindi ko nakakausap ng matagal. Any details? Wala. kasi kapag nagpapakita sya sakin puro TULUNGAN NYO KO ANG SINASABI NYA." Pagpapaliwanag ni Kriesha.


"So dahil hindi mo sya makausap, isa lang ang paraan para makausap natin sya." Sabat ni Alex.

"Ano?" Sabay-sabay na sai ni Kriesha, Jake, at Stella.


"Kung papayag ka Stella, papapasukin natin sya sa katawan mo." Sabi ko, sabay tingin kay Stella. Bakas sa mukha nya ang takot. Hindi ko alam kung papayag sya. Pero bahala na.


"Wag kang mag-alala dahil may pangotra ako dito para makaalis na ang kaluluwa sa katawan mo kung hindi na natin sya kailangan. Sigurado to Stella. Magtiwala ka lang." Sabi ni Alex


"Uhmmm... sige....." Kahit mukhang alanganin pumayag nadin sya.


Pinaliwanag na ni Alex kung ano ang dapat gawin ni Stella para mapataboy nya ang ispirito na sasapi sa kanya kung gusto na nya itong paalisin sa kanyang katawan. Pinayuhan nya rin ito na maging matatag at magdasal.

Pinaliwanag ko na din kung ano ang gagawin ng bawat isa. Kaya sisimulan na namin to!

Nagdasal muna kami at humingi ng gabaysa Panginoon. Pagtapos lumabas na kami lahat at tanging si Kriesha nalang ang naiwan sa loob.






*** 3RD PERSON POV ***


Naiwan na sa loob si Kriesha. Natatakot man sya, nilakasan nya pa rin ang loob nya.

Ilang minuto pa nakikita na nya ang bata. Nakatayo malapit sa kanya..



"Tulungan mo ko...."


MISTERYO (Volume I) (COMPLETED)Where stories live. Discover now