Chapter 3

30 1 0
                                    




"Si Jeanne..hindi siya si Jeanne."

"Anong ibig mong sabihin?"nakakunot noong tanong ni Emman kaya kinuwento ko sa kanila ang nakita ko...

Flashback~

Nanlaki ang mata ko ng maging pure red ang mata ni Jeanne..

At nag-iba ang galaw ng replika niya sa salamin...

"PAKAWALAN MO KO DITO!!"umiiyak na sabi ng replika ni Jeanne..hindi..si Jeanne yung nasa salamin!

Nanatili akong tahimik at hindi gumalaw sa nakakangalay na posisyon ko..

"Hindi pwede. Natutuwa pa akong paglaruan kayo..."sabi niya tsaka may kinuhang kung ano sa bag niya na literal na nagpalaki ng mata ko..

Yan yung manika na hawak nung bata...yung manika na kamukha ni Zandria..

"Natutuwa pa siya..tsaka..nagagamit mo rin naman minsan ang katawan mo diba?"pagpapatuloy niya habang sinusuklayan ang manika gamit ang kamay niya tsaka nakakatakot na tumawa..pero..sinong siya?

"PAKAWALAN MO NA AKO!! PAKAWALAN MO NA KAMI NI ZANDRIA!!"

Mas lalong hindi na-digest ng isip ko at muntik na akong mapasinghap sa sumunod na nangyari..tinignan nung babae si Jeanne at kitang kita ang pulang mata nito..pero ang ikinagulat ko ay ang..pagkabasag ng salamin at nagkaroon ng mga hiwa si Jeanne dahilan para sumigaw siya..

"SABI NG HINDI PWEDE!"pagkasabi niya nun at tumalsik si Jeanne sa salamin papunta sa direksyon ng replika ng pinto ng cubicle na kinaroroonan ko kaya napapikit nalang ako..

Nagulat nalang ako ng pagdilat ko ay parang walang nangyari..wala ring crack ang salamin..

End of Flashback~

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo Ash?"nagdududang tanong ni Jennie.

"Anong tingin mo sakin Jennie nababaliw?!"hindi makapaniwalang sambit ko.

"Ash huminahon ka.."sabi sakin ni Ashley habang hawak ang magkabilang braso ko habang nasa likod ko siya..

"Mukhang totoo yung sinasabi niya.."napatingin kaming lahat kay Ali..

"Naalala ko parin yung pagsigaw ni Zandria sa classroom tuwing may mag-iingay..parang takot na takot siya."nakakunot ang noo na sabi ni Ali.

"I think I have a conclusion.."kay Bridget naman napabaling ang tingin namin.."pero to make sure..kailangan nating makausap ang taong pinakamalapit sa kanya.."

"Si kuya Zander?"sabay na tanong nila Ash at Alexis..(sila ang bunso sa grupo)






UWIAN na at andito kami ngayon at hinihintay ang iba..

Speaking of..

"Tara na."sambit ni Donna kaya nagsimula na kaming maglakad papunta sa bahay ni Zandria..

Pinindot ni Hazel ang doorbell..

Nagulat nalang kami ng bumukas ang pinto at tumambad samin si Zander na mugto ang mata at basa pa ang pisngi..

"O-oh kayo p-pala..k-kaibigan kayo n-ni Zandria d-diba? P-pasok.."sabi niya habang pinipigilan ang luha kaya sumunod kami sa kanya nung pumasok siya..

Dumiretso kami sa sala..pagkaupong pagkaupo niya ay inexcuse niya yung sarili niya at umalis..

"Halatang hindi niya parin makalimutan yung nangyari"bumuntong hininga si Donna pagkatapos niya sabihin iyon..

"Kinuwento niyo sa kanya?"tanong ni Kurt.

The Dark RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon