Chapter 4

10 0 0
                                    

Chapter 4

Maaga akong gumising. Tinignan ko oras sa phone ko at six am pa naman. Kahit pagpunta ng school hindi ko kayang gumising ng six am. Nagstretch ako atsaka hinay hinay na bumangon sa kama making sure not to wake up Zeta na katabi ko. She’s still sleeping soundly. Buti pa siya.

Nagluto ako ng omelette then uminom ng fresh milk. I went to the bathroom atsaka naligo at nag toothbrush. Medyo matagal akong naligo dahil nagpaconcert pa ako.

It’s seven am na kaya’t nakita kong nasa dining area  na ang tatlo habang kumakain. They looked at me na tila ba nagtatanong kung bakit ang aga ko.

“I have to be there by eight thirty.”

“Ang aga. Bakit daw?” Zeta asked habang kinukusot pa ang kanyang mata.

“Sir Bullet said nagsisimula siyang magtrabaho pag ka nine oclock. I told him na if he’ll hire me, i’ll always be there thirty minutes early. He said din na I’ll be his temporary secretary muna until he finds one.”

“He fired Ivonne remember?” Alexi said ng nakita ang pagtataka sa mukha ni Knichelle. Knichelle nodded.

“I’ll change na muna.”

Kinalkal ko ang mga pinamili ko kahapon. Isunuot ko ang isang faded jeans then isang black halter top at black heels. I blow dried my hair then applied light makeup. I wore my watch then I grabbed my sling bag. Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa salamin.

“Perfect.” I told myself then lumabas na ng kwarto. The three of them are still eating kaya nagpaalam na ako sa kanila na mauuna na ako.

Nang makarating na ako sa kalsada, masyadong tahimik at wala pang jeep na dumadaan. Tinignan ko ang watch ko. Seven twenty five na. Makakaabot pa naman ako dun ng 30 minutes bago makarating ang dakilang boss.

Dumaan naman si Raven na nakauniform habang sakay sa scooter niya. He offered me na ihahatid niya daw ako pero no thanks, mapagkamalan pa kaming mag jowa. Ano siya sinuswerte. He just laughed at umalis na din.

Seven thirty five nang sa wakas ay may jeep na na dumating. Pinara ko ito at nakipagsiksikan sa mga pasaherong nasa loob. Ganyan naman talaga tayong mga tao, handing ipagsiksikan ang sarili natin kahit nasasaktan na tayo. Charot!

It’s eight oclock at nandito pa kami sa  may intersection sa Gerona area. Masyadong traffic dahil madaming estudyante ang nagsisipasukan at marami ring tumatawid kaya’t maya maya ay pinapatigil ang mga jeep para makadaan sila sa pedestrian. Damn pakibilisan naman po.

Nang sa wakas ay makalusot na kami sa traffic, napahinga na ako ng maluwag. Diretso na ulit ang naging takbo ng jeep hanggat sa makaabot na ako sa banko. I greeted the guard atsaka dumaretso na sa elevator. When it opened, may isang lalaking mid thirties ang lumabas dito.

“Good morning Sir Trigger.” A girl from behind greeted him kaya I bowed at him too kahit hindi ko naman siya kilala. He nodded atsaka  umalis na din.

“Sino yun Charm?” Narinig kong tanong nung bakla na kasama nung babae.

“Older brother ni Sir Bullet. Ang gwapo no.” At naglulundag lundag pa ito.

And dami naman ata nilang magkakapatid. Huminto din yung dalawa sa second floor at pagkarating kong third floor daretso akong pumunta sa pinakasulok kung saan ang office ni Sir Bullet. Oh ano ka ngayon Sir Bullet, I’m thirty seven minutes early.

May lumabas naman sa office niyang lalake na may dalang mop at balde. Nagkatinginan naman kami kaya’t huminto siya.

“Si Sir Bullet ho ba? Nasa loob ho Maam.” Then umalis na siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Devil's Right HandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon