Part 12

1.5K 39 1
                                    

Nagmamadali akong pumunta ng La Viendé Medical Hospital at sa aming mga magkakaibigan ako yung pinakamalayo. Kaya malaki yung posibilidad na ako nalang yung kulang. Nag-grab nalang ako para mas kampante ako, ayoko magdrive ng nagmamadali at nag- aalala.

Dumerecho agad ako sa destinasyon na sinabi ni Anne kanina. Third floor, left wing Room 304. There are so many thoughts running inside my head and with mixed emotions.

Ryan I'm almost there.

Nang makarating ako ay agad kong kinatok ang pinto at pumasok. Naabutan ko roon yung mga kaibigan ko.

"Nikky." Napatayo si Anne sa couch at lumapit.

"Anong nangyari?" Halos wala sa sarili kong tanong kay Anne ng makita ko si Ryan na nakahiga sa hospital bed.

"Anne ikaw na muna bahala kay Nikky. Lalabas lang muna kami." Paalam ni Karen.

"Everything will be fine, tiwala lang." Sabi ni JM at tinapik ako sa balikat.

Malulungkot na mata at ngiti naman ang nakita ko sa pagdaan ng bawat kaibigan namin. Maski si Jayvee ay ganoon din. Kami nalang ni Anne ang naiwan dito sa loob na magbabantay kay Ryan.

"Alam na ba ng parents ni Ryan to'?" Pinipigilan kong umiyak pero hindi ko kaya. Kaya si Anne ang nagcomfort sakin at hinayaan na muna ako.

"Hindi pa, dahil hangga't maaari iniintay muna namin na umayos yung kondisyon niya. Nagtitiwala kami na gigising siya within 24 hours. Na- overdose siya sa mga ininom niyang gamot pero buti na nga lang daw naagapan agad sabi ng doctor." Sagot niya.

"Sino yung unang naka- alam nung nangyari?"

"Lahat kami naka receive ng text galing kay Ryan pero pareho pareho lang na 'sorry and thank you' tapos nickname namin sa kanya yung laman ng text pero kay Jayvee mahaba daw, private nga lang kaya di na niya shinare samin. Sabi niya nagtaka daw siya sa text ni Ryan. Something's off. Kaya agad niyang pinuntahan si Ryan. Lalo na't alam namin na biglaan niyang hiniwalayan si Alexa one week bago mangyari yung insidente ngayon."

Two weeks palang akong nawala pero parang andami ko ng hinding alam. Nagdeactivate rin kasi ako ng social media accounts bukod sa messenger ko pero hindi ako nago- open ng messages kaya wala talaga akong balita.

"Buti nalang pala, nasa kanya yung spare key ng unit ni Ryan."

I gave it to Jayvee nung gabing sugurin ako ni Alexa sa unit ko. Binilin ko yun sa kanya, kasi baka kailanganin ni Ryan at ayoko namang ako ang magsoli sa kanya. We're not in good terms that time.

"Naabutan ni Jayvee si Ryan sa flooring at wala ng malay. Yung ibang gamot din daw na natira sa mga ininom niya nakasabog sa tabi niya. Tapos may mga canned beer din daw don pero walang pagkain."

"What's probably his reason?"

"I don't think na dahil sa kanila ni Alexa yun eh."

Ngayon lang ako naglakas ng loob na lumapit sa kanya. Kay Ryan.

"Whatever your reason is, don't do it again. I don't want to loose you for a lifetime. We can make things possible even if you think it's already impossible. I'm here for you and I still love you more than a friend, please wake up now. Lets start our love story as sweetest couple we could ever be. I am missing you Ryan. I am already missing my man. Please comeback to me." Bulong ko sa tabi niya habang hawak ko yung kamay niya.

"Monique? Seriously? You're still in love with him?" Di makapaniwalang tanong ni Anne.

"Yes, he's still the one." Sabi ko ng napapangiti pero bakas ang lungkot.

"M-monique." Narinig ko ang boses ni Ryan.

COMEBACK 1: Monique and Ryan (Completed)Where stories live. Discover now