Kinaya Ko Pero

9.3K 109 6
                                    



" Kinaya Ko Pero."

By: Wen Sajol

Maghihintay ako, yan ang huling dalawang salitang binitawan ko sa unang tulang isinulat ko para sayo
Nagtatalo ang aking isip at damdamin sa kung kaya ko pa, o tama na
Ang nais ng aking isip ay kaya ko pa, lumaban pa.

Ngunit bakit nais ng aking damdamin,

bakit ko parang nararamdaman na tama na, hindi mo na kakayanin pa.
Hindi ba't sa umaga, ang gigising sa atin ay ang tunog ng ating mga alarm o hindi kaya ang bunganga ng ating mga ina.
Matapos yun ay gising na tayo! Gising na ang ating diwa, mulat na ang ating mga mata.

Kung ganoon lamang sana kasimple at kadali ang lahat.
Kung sana, sa pagtilaok ng mga manok sa umaga, pagtunog ng alarm,

at pagbunganga ng aking ina ay magising narin ako sa katotohanang, hindi niya ko mamahalin.
Naaalala ko ang mga panahong umamin ako sa iyong harapan.

At nasampal ako ng katotohanan na wala ka namang pagtingin sa akin.

Tinanong kita ng isang bagay na nais kong malaman.

Kung kahit katiting, kahit kaunting pagtingin ay mayroon ba, ngunit nasaktan ako nang makita ko na ikaw ay umiling.
Kinaya ko ang mga taon na mahal kita, kahit hindi mo nakikita
Kinaya ko ang mga panahong tumitibok itong aking puso ng mabilis, sa tuwing nakikita ko ang saya sa iyong mga mata.
Kinaya ko ang mga taong nakikita kitang masaya ng dahil sa kanya.
Oo kinaya ko, pero ngayon...Tama na.
Tama na dahil alam ko namang walang kahihinatnan ang lahat ng ito
Tama na dahil alam ko namang hindi mo ko kayang mahalin.
Tama na at sapat na ang ilang taong ginugol ko sa pagmamahal ko sayo ng nag-iisa
Ang alam mo, nakamove on na ko sayo. Pero ang totoo? Hindi.
Dahil nais kong protektahan ang ating pagkakaibigan na nabuo mula sa simula, ayaw kong masira ito nang dahil lamang sa pagmamahal ko sayo ng higit pa sa isang kaibigan.
Oo, masakit ang mahalin ka. Pero hindi mo yun kasalanan.
May damdamin kang iyo, may damdamin akong sa akin. Yun nga lang, hindi nagtatagpo ang ating mga damdamin.
Masakit. Masakit paasahin ang sarili na kaya pa, maaari pa, pwede pa.

Pero tama na! Tama na. Yun ang aking gustong gawin.

Pero bakit...bakit hindi ko magawa.
Kinaya ko pero tama na.

Dahil sa puso ko, dahil sa isip ko, ako'y pagod na.
Sa huling pagkakataon, nais kong ibahagi itong aking nararamdaman.
Nais kong sabihin ang matagal ko ng kinimkim dito sa aking puso
Mahal kita, at kinaya kong mahalin ka hanggang ngayon nang nag-iisa.

Pero tama na
Puso, tama na. Tama na, dahil wala na talagang pag-asa.

Tama na, kahit pakiramdam mo ay kaya mo pa. Tama na, Tama na.

Ito ang huling dalawang salita na binitawan ko sa huling sandali, sa huling bahagi ng tulang isinulat ko para sayo.




---


Do Comment and Vote :) kung ano sa tingin niyo sa Spoken Poetry na ito :) i don't bite :) 




Spoken PoetryWhere stories live. Discover now