Clyde.
Pero dahil mukang pinasabik lang ata ako ni tadhana kay Michelle kaya eto ako ngayon, sakay sa kotse ko ng ako lang magisa. Walang chicks na kasama. Walang Michelle akong katabi at dadalhin sa bahay ko. Tangina talaga.
Paano ba naman sa buong program sa foundation hindi man lang ako makalapit sakaniya. Buong araw busy siya sa pagtuturo sa mga bata habang ako naman ay nakipaglaro ng basketball sa mga binatilyo doon sa foundation.
Nag-enjoy naman ako, seryoso. Pero ang plano ko! Di ko man lang nagawa. Kahit kunin ang address at number ni Michelle ay di ko nagawa.
"Di bale na. Ako naman si Clyde e. And Clyde always has his own ways." Ngayon pa ba na nakuha na ng tuluyan ni Michelle ang buong atensyon ko? There's no way in turning back. I will get Michelle whatever it takes. I will get what I want.
"Good evening Sir." Bati sakin ni Zenaida ng makapasok ako sa bahay ko. Anak siya ni Yaya Meding at dito din siya nakatira sa bahay dahil wala na itong kasama sa Davao at si Yaya Meding na lang ang natitirang kamag-anak.
"Good evening din Zen." Tipid na bati ko bago dumiretso sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama. Sobrang sakit ng katawan ko at naubusan talaga ang energy doon. Ayos lang sana kung si Michelle ang nakaubos ng energy ko, sobrang lapad siguro ng ngiti ko ngayon.
Haha. Pero seryoso, nag-enjoy ako sa programa ng foundation na 'yon. Ang sarap sa pakiramdam lalo na kapag nakikita kong sobrang saya ng mga bata. Mukang bumabait na ata ako ng mga thirty percent. Haha.
Mabilis lang akong naligo at nagpalit ng damit bago humiga at hinayaang bumagsak na ang mga mata ko. Pagod talaga ako, literal. And I need to rest para bukas kung sakaling magkita ulit ni Michelle. Hindi na talaga siya makakawala pa. I am dead serious this time.
~~*~~
"Wow isang linggo kang wala. Namiss kita!" Akmang hahalikan ako ni Aries ng sipain ko ang tuhod niya. "Aray! Tangina mo ka!" Ang sama ng tingin niya sakin kaya mas lalo akong natawa. Parang bubuga na siya ng apoy sa sobrang galit.
"Bakla ka!" Sigaw ko sabay bato ng plastic bottle sakaniya. Akala ko matatamaan ko na ang muka niya, nakailag pa ang puta. "Nasan pala sila Zeus at Jake ha?" Tanong ko. Nandito kami ngayon sa tambayan sa campus at hapon na pero hindi ko pa nakikita yung dalawa ni Jake at Zeus. Mas gusto ko pamanding kausap ang dalawang 'yon kaysa sa kupal na to.
"Baka nakabaon!" Walang kwentang sagot ni Aries. Hindi ko naman maiwasang mapahalakhak. Haha. Gago talaga. "Pero seryoso, nung isang linggo kang nawala minsan ko lang din makita yung dalawa e. Kaya mas lalong dumami ang fangirls ko kasi wala na akong kaagaw dito." Nakangising sabi pa nito.
"Ewan ko sayo! Bahala ka dyan, bwiset!" Kinuha ko ang cellphone at susi ng kotse ko sa lamesa at iling iling na naglakad palayo. Naririnig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero di na ako lumingon. Bahala ka dyan gago ka! Ang tagal tagal na ng panahon, hindi pa din niya matanggap na ako ang pinaka-madaming fangirls saming apat. "Tsk tsk."
Sumakay ako sa kotse ko at mabilis na nagmaneho. Wala na naman kaming klase kasi graduating na kami at OJT na lang pero dahil gwapo kami hindi na kami naggaganon. Haha.
Binaba ko ang bintana ng kotse ko ng dumaan ako sa guard house. Sumaludo lang ako sakaniya atsaka kumaripas ng pagmamaneho. Alam na ni Manong 'yon, hindi naman niya kami sinisita e. Wala e, gwapo nga.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Ayaw kong umuwi sa bahay lalong lalo ng di naman ako pwedeng uminom dahil sarado pa ang bar ni Zeus ng oras na to. Natigil ako sa pagiisip ng tumunog ang cellphone ko. Saglit ko lang tinignan ang caller at ng makitang si Dina ay sinagot ko iyon at niloud-speaker.
YOU ARE READING
The Pretend Girlfriend (#ClyChelle)
Short Story✅ COMPLETED ✅ SPECIAL CHAPTER of Married To Mr. Artista #2: [Michelle Venie & Clyde Rui's special chapter] Clyde is a certified player. He played every girl's heart. He doesn't believe in love. But he saw her, the beautiful kind classy girl na nag...