Chapter Two

7 0 0
                                    

Saturday

Yehey! Dahil saturday ngayon, meaning no office, no work. Pupunta nga akong mall mamaya para makapag relax naman ako ng kaunti. Medyo pressure kasi sa trabaho eeh.

Ginawa ko na ang daily routine ko. Naghilamos nako syempre baka akala nyo hindi pa aah.. Naglinis lang ako ng bahay tapos naligo para makapunta nako ng mall.

Hmmm ano kayang isusuot ko.
Aah magpapants na lang ako tsaka yung longsleeve ko na lang na kulay grey. Nag rubber shoes lang din ako para kumportable.

Sinigurado ko munang naka lock ang pinto bago ako pumunta ng mall...

.....

MALL

Pagdating ko sa mall nagtingin tingin muna ako ng mga damit. Yung mga pang casual lang. Hindi kasi ako mahilig sa mga dress eeh.

Pumunta rin ako ng grocery. Wala na kasi akong stocks..

Pagkatapos kong mag grocery dumerecho ako sa bookstore. Hilig ko kasi talagang magbasa.

Nagtingin tingin ako sa mga pocketbooks. Kinumpleto ko yung Stallion Riding Club series. Nakakakilig yung mga stories na yun try nyo bumili hehe. Bumili rin ako ng mga libro ni Bob Ong. Idol ko kasi sya.

'hmm ano pa kayang magandang basahin?'

Napadaan ako sa stands ng mga magazines. Napatingin ako sa isang familiar na mukha.

'Shawn Valdez dating Erica Villafuerte'

'Psh Erica Villafuerte? Hindi naman kagandahan...Yung mukha halatang retokada. Hmp tignan mo pa yang katawan na yan, hindi mo alam kung saan papunta shape. Aah alam ko na yung shape nya parang daan sa Baguio,pa zigzag.. bwahahahaha...uyy hindi ako bitter aah'

'hmp mas maganda pako sa kanya eeh'

Padabog kong ibinalik sa stand yung magazine kaya lang medyo napalakas ata kaya ayun bumagsak.

'Hehe sarrreehhh' tsaka ako nag peace sign.

Ang sama ng tingin nung saleslady saken kaya dahan dahan ako umatras.Bale nakatalikod akong naglalakad kaya di ko napansin na may tao pala sa likod ko.

Napaupo ako sa sahig.

'ouch ang sakit ng pwet ko'

Medyo malakas kasi ang pagkakabangga namen nung lalake.

"Tsk stupid"

"h-ha? o-oy FYI! ikaw ang bumangga saken! "

"Psh."

Tapos eh dere derecho na itong naglakad. Ni hindi man ako tinulungang tumayo..

"Hoy lalakeng mukhang kapre! Napaka ungentleman mo naman! "

Tumayo nako kasi pinagtitinginan nako...

"Hoy!  Kapre bumalik ka dito! "

Tumigili sya sa paglalakad at humarap sakin.

* death glare *

" What do you want stupid young..."

Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa.

" ...girl  ?"

Nagpanting ang tenga ko..

Young girl? Mukha ba kong batang paslit sa kanya!

"Young girl ka dyan!  23 na ko noh! .."

Yabang nito, kala mo kung sinong gwapo...

Hmmm tinignan ko sya. He's wearing grey fitted shirt paired with jeans and white rubber shoes. He looks like a model in his outfit..

Infairness gwapo si koyang hehe...

"Done checking me miss...?"

"Kaye...Kaye Rodriguez is my name"

Kompyansang sagot ko...

"And now you're flirting with me "

Pagkatapos ay tumalim bigla ang tingin nya sakin.

"N-no i-im not f-flirting with you? "

Alanganing sagot ko. Medyo natakot ako sa mga tingin nya.  Nakakakilabot yung mga tingin nya.

"Again ,what do you want? I have to meet someone but you're wasting my time "

At dun ko naalala ko bakit ko sya hinabol.

"You aah you ano,you bangga bangga me!  And you did not bother to help me!  Your so,...,ahhm hindi ka man lang nagpaka gentleman! "

Taena na,bakit bako nabubulol.. Gwapo kasi ng kaharap ko eeh... Hehe landi ko pakshet..

"Why would I?  You're the one who did that to yourself so don't blame me."

"Anong ako?  Hoy ikaw ang bumangga saken kaya natumba ako at napahiya sa maraming tao "

"Tsk. That's what you get for being a stupid "

Abat... stupid pala ha

Boogsh!

"...and that's what you get for being a jerk. Quits na tayo kapreng pogi.... Baboooo"

Sinipa ko yung 'ano' nya sabay takbo.

....

Alas singko na ng hapon nako nakauwi ng bahay.

Naalala ko yung mukha nung lalaki kanina pagkatpos ko syang sinipa. As in nakakatawa talaga yung itsura nya.

'Hehe bahala sya sa buhay nya. Hindi narin naman kami magkikita nun for sure '

Monday

Maaga akong gumising. Sa coffee shop nalang ako mag aalmusal. Tinatamad kasi ako eeh..

Nagbihis nako ng pang office at dumirecho sa Latte Heaven. Doon kasi kahit isang kape lang ang orderin mo ay okay lang magstay ng matagal.

Umupo nako sa may sofa sa may gilid at nilabas ang pocketbook na dala ko. Kinikilig kasi ako kagabi habang binabasa ko ito kaya gusto ko sanang tapusin bago ako pumasok.. Ang gandi kasi ng story.

Basa. Basa. Basa. Tawa. Kilig. Kalampag sa table. Hehe para tuloy akong baliw. Nakakakilig kasing talaga.

Iniinom ko ang kape ko.

'ha?  ala ng laman?... di bale oras na rin naman.  Pasok na ko sa work.

Ang alam ko malapit lang sa pwesto ko yung trashcan. At dahil feeling ko eh basketbolista ako at sharp shooter ay binato ko patalikod yung cup ng coffee ko.

" F*ck ! "

And I died...

.....

end of chapter 2. Senya na po medyo maiksi.. please support my story po. tnx

You're a MonsterWhere stories live. Discover now