Prologue

7 0 0
                                    

"Maybe, we should focus on ourselves first, Mia. If tayo, tayo talaga. What if, give ourselves a space? Kasi, Mia, nasasakal na ako. Kaibigan ko lang si Nikki but, you keep on being jealous."


Bakit, bakit hindi ako magseselos sa bestfriend mo? Nagseselos lang naman ako kasi alam kong may kakaiba.

"Sabihin mo nga, JM, ako o si Nikki?!" Finally, nasabi ko na.

"Mia, I don't have to choose. I'm leaving 'coz I need to breathe. Kaibigan ko lang si Nikki, okay?"

So, ito yung regalo niya sa akin sa anniversary namin? Ex niya si Nikki and yet, bestfriends pa din sila. Ano to? Lokohan?

"Why can't you easily choose me?! Sabihin mo nga, may itinatago ba kayo ni Nikki sa akin?" Siguro, iniisip niya, hindi ko alam.

"Wala, Mia! Don't be so paranoid. Friends lang kami."

Sht! Hanggang ngayon, di pa din ba niya aaminin? Last night, when I visited him, I noticed na parang exhausted siya. Sabi ko magsi CR lang ako but, guess what, may 2 wine glass sa kitchen sink at may condom sa trashcan niya. Sht talaga! Tinanong ko siya kung sinong kasama niya sa bahay, he said, kumain lang daw sila ni Nikki kasi katatapos lang nilang gumawa ng project. Taena naman e. Ano bang pagkain ang nakabalot sa condom? Friends nga lang ba o fuck buds?! Never akong nagalaw ni JM kaya I know na may iba siyang kasex.

"JM, itatago mo pa din ba? Kaya naman kitang patawarin. Layuan mo lang siya pagkatapos." Ansakit na ng lalamunan ko. Pinipigilan kong umiyak pero pumipiyok na ako. Natahimik siya.

Habang kumakain kami sa sala, hindi ko maiwasang mapasinghot ng sipon. Namaaaaan! Nakakainis.

"MagsiCR lang ako saglit."

Nagmamadali siyang umalis sa hapag. Naiwan niya din yung phone niya sa sobrang pagmamadali. Nagvavibrate yung phone niya. Si Nikki, tumatawag. Kinakabahan ako pero, sinagot ko ang tawag. Hindi ako umimik para marinig ko yung sasabihin niya.

"Babe! Finally sinagot mo na yung tawag. Anuna? Break na kayo?" Tumulo ang luha ko nang hindi ko sinasadya. Umiiyak ako pero walang tunog. Ayaw kong may makarinig. Ayaw kong may makaalam. Kunwari, okay lang ako.

Once again, nagsalita siya. "Ano? Why can't you answer me? Hindi mo pa nagagawa, no? You promised me."

Biglang, dumating si JM na napatulala nang makitang hawak ko ang cellphone niya.

Tumayo ako. Iniabot ko ang phone niya. Nakangiti lang ako. Walang luha, walang hikbi. Hindi, hindi masakit. Okay lang ako.

"S-si babe mo, tumatawag." Napipilitan akong ngumiti. Tama nga ako.

Tumingin siya sa cellphone niya. Agad niyang inend yung call.

"Happy anniversary." Binati ko siya at inabot ang regalo ko. Nakakapagod na araw. Nakakapagod na.

"H-appy annivers-ary." Naiiyak niyang tugon. Inakap niya ako nang sobrang higpit. Last year ko pa 'ata huling naranasan 'to.

"Buti, wala sila mama." Ngumiti ako. Pinipilit kong ipakitang wala akong narinig. Wala naman talaga, di ba? Nagmadali akong magligpit ng pinagkainan habang siya, nandoon lang sa lugar na pinagkakatayuan namin kanina.

"Uwi ka na, JM. Masama kasi pakiramdam ko." Ayokong marinig. Ayaw kong malaman. Wala, wala akong alam. Pero, ito na e. Alam ko na, uunahan ko na lang.

"Mia..."

"Jed, pagod na din ako. Kalimutan na lang natin lahat, katulad ng gabing 'to."

"Sorry."

"Alam ko naman e. Last 6 months, alam ko na. I hope you're happy. Ingat ka, ha." Nakakapit ako sa bangkuan. Nanghihina ang tuhod ko, bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko na kaya.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jun 26, 2017 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Planning Your WeddingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora