Midnight Breakfast

90 1 0
                                    

Damn!

Bakit ba hindi niya mapalayas ang babaeng yon. Dapat ay itinanggi na lang niya kay Angelique ang nangyari para hindi na humaba pa ang usapan.

Nasa kanya na ang lahat ng pagkakataon kanina, may sapat na dahilan para mawala na sa landas niya si Hanna pero di niya nagawa dahil naawa siya sa pakikiusap nito.

Malamang nasaktan ito sa ginawa niya.

Humawak sa magkabilang sentido si James, kumikirot na naman ang ulo niya . Pumunta siya sa drawer para kumuha ng dalawang tabletang pain reliever. Ganito na ang naging routine niya sa araw araw. Alak, tulog, pain reliever. It’s the only way to feel- hinahanap niya ang sakit ng katawan para mapalitan ang sakit na nararamdaman niya sa paghihiwalay nila ni Eunice.

“James, iho?” kumakatok si Catherine.

Pinili niyang hindi sumagot, dahan dahan siyang lumakad papunta sa kama at humiga. Please Lord, sana pag gising ko wala nang sakit. Sana hindi ko na maramdaman na mahal ko pa si Eunice, ayoko nang malasing, ayoko nang malungkot. Either that o kunin mo na lang ako.

Madaling araw na nang nagising siya. Kumakalam ang sikmura dahil labing dalawang oras na siyang walang kain. Bumaba siya papunta sa kusina. Hindi gumagana ang main light na flourecent pero buhay ang mahinang pin light para sa mga nauuhaw sa gabi.

Pagpasok ay nabungaran niya si Hanna, suot pa rin nito ang ang damit na ipinangpasok kanina. Gulo ang kulot kulot na buhok ng dalaga kaya sigurado niyang kagigising lang din nito.

Nakaharap ang dalaga sa counter at nagpapalaman ng tinapay. Tatlong tinapay? Grabe pala kumain to.

Naaalala niya si Eunice, hindi ito mahilig sa carbs. Laging salad ang inoorder ng girlfriend kaya hindi ito tumataba. Wala itong alam orderin kundi salad, fruit slices at steamed fish.

Namalayan ni Hanna na may pares ng matang nakatingin sa kanya. Hindi siya naniniwala sa multo pero bakit naninindig ang balahibo niya sa batok. Paglingon niya ay may isang pigura ng mataas na taong nakaharap sa kanya. Hawak niya ang bibig, impit siyang napasigaw sa takot.

“Hoy, ako lang ito” Natatawang sabi ni James sa kausap.

“Tinakot mo ako!” padabog niyang naihagis sa sangkalan ang kutsilyo.

“Sus, nakita mo ba yang sarili mo? Ikaw ang nakakatakot. Sabog yang buhok mo tsaka anong nangyari, may sore eyes ka ba? Pwede ka nang maging aswang sa pelikula.”

“Hindi ka dapat ganun sir, paano kung nasaksak kita?”

“Kung nasaksak mo ko, papasalamatan pa kita dahil ikaw ang tatapos sa lahat ng problema ko.” Kinuha niya ang isang sandwich tsaka sumandal sa lababo.

“Napaka morbid mo naman.”

“At ikaw, napaka daldalera mo. Ngayon na malamig na ang ulo ko, pwede mo bang sabihin kung ano ang nakain mo bakit ka nakikipag away kay Angelique? Paano kung siya ang susunod na gf ko, eh di wala ka nang trabaho ngayon?” Nag bukas si James ng softdrinks at hinati iyon sa dalawang baso.

Kumportable siyang humila ng upuan sa mesita at dinala ang sandwich na gawa ni Hanna. Hindi na niya pinag aksayahan pang buksan ang ilaw. Si Hanna, dinala pa ang balot ng tinapay at bote ng palaman papunta sa kanya.

“Sorry na Sir, kasi naman yung future gf mo parang kumukulong lava ang dugo sa akin. Wala naman ako ginagawang masama sa kanya, pero sa tingin niya aagawin kita palagi. Nakakapikon yung ganun, nagtatrabaho lang naman ako ng mabuti.”

“Haha! Alam kasi ni Angelique na babae ka, at pwede talaga na mahulog ang loob ko sa iyo dahil lagi kita nakakasama. Pero alam mo, natututwa ako sa kanya kasi lagi siyang nandiyan para sa akin.”

“Hay nako Sir, kung gusto mo nang nandiyan lagi para sa iyo eh kumuha  ka na lang ng aso. Less maintainance pa.”

“Ah ganun, so papaano kung gusto ko makipag halikan? Sa aso din ako hahalik ganun ba?”

“Kesa naman sa Angelique na yun, ugaling aso. Hmp!” Kinagat ni Hanna ang tinapay sabay irap. “Nawawalan ako ng gana Sir, iba na lang pag usapan natin”

“Nawawalan ka pa ng gana niyan? Ilang tinapay ba bago masabing may gana ka? Alam mo hindi na ako makakatulog, mabuti pa lumakad na tayo ngayon” Tumayo si James at inubos na ang iniinom. Isa isa nitong niligpit ang mga kinainan at hinugasan sa lababo.

“Island hopping?”

“Yeah, pero di ka sasama sa akin na yan pa din suot mo. Dugyot na yang itsura mo, maligo ka muna.”

“Wow, pasensiya... Ang bango mo kasi!” Siring ni Hanna.

“Ano yun, may sinasabi ka? Amuyin mo ko, sige.. Mas amoy lalaki ka pa nga sa kin”

“I hate to burst your bubble, but I could still smell you if I was upstairs. Amoy alak ka kaya palagi”

“Ah ganun, smelly pala ha?!” Hinapit ni James palapit si Hanna. Pero dahil nabigla ito ay nawalan ng balanse ang dalaga at pareho silang natumba sa rug.

“Awww” Sapo ni Hanna sa ulo nang maupo ito.

“Sorry Hanna, saan masakit?” Tarantang tanong ni James. “Halika patingin ko” Niyakap niya ang dalaga saka hinaplos ng marahan ang ulo nito.

“Ang harot mo kasi.” Mahinang sagot nito, nakita niyang naiiyak ang dalaga sa sakit nang tumingala ito sa kanya.

“Shhhh.. Sorry. Please don’t cry” Hinaplos niya ang mukha ni Hanna at nagtama ang mga mata nila. Hindi na siya nag isip, ginawa na lang niya ang idinidikta ng isip niya ng oras na iyon - Ang ilapat ang labi niya sa bibig ni Hanna.

A Date with DestinyWhere stories live. Discover now