Chapter IX - Confession of a GOD

1.6K 56 4
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

NAMTAR's POV

“May lakad ka ba NAM?” ani Riko na lumapit sa akin. Inayos ko ang aking mga gamit bago siya tiningnan.

“Meron” sagot ko.

“May practice game kasi ang team mamayang alas kuwatro, mas suswertehin ako kapag nandun ka” anitong humila ng upuan at humarap sa akin.

“Ano naman ang magagawa ko doon? Ni hindi ako marunong mag iskor sa baseball”

“Wala ka lang bilib sa sarili mo. Ikaw kaya ang secret weapon ko”

Sumandal ako sa upuan. Pinagmasdan ang nakataas na kilay ng ilan kong kaklase. Huminga ng malalim bago siya kinausap.

“Mag practice ka na”

“Sabi mo eh” Agad itong tumayo. Yumuko ako upang kunin nang ilan pang libro ng bigla niyang abutin ang aking pisngi. Isang maibilisang halik ang kaniyang iginawad na naging dahilan ng aking pamumula. Kaagad din siyang umalis pagkatapos magpalipad ng halik sa hangin. Isang mahabang tilian ang sumunod na aking narinig na tila bumasag na sa aking tenga.

“Bakla ka ba Namtar?” ani Agnes na sumabay sa akin palabas ng classroom.

Oo. Hindi ko alam. Siguro. Iyon ang mga bagay na tumatakbo sa aking isipan habang nakatunghay sa nagtatanong na mukha ni Agnes.

“H-hindi” sagot kong nalilito. Bakla. Ito ang salitang ilang araw nang bumabagabag sa akin. Ang tanging katagang  sumisimbolo sa aking pagkalito at kakaibang nararamdaman sa tuwing nasa paligid ng ibang lalaki. Ang katotohanang hindi ko alam kung kaya ko ng tanggapin.

“Sabi na nga ba. Malandi lang talaga yang si Riko lapit ng lapit sayo”

“Oo nga” pagsang ayon ko na lang.

Hindi ako makagalaw ng maayos sa kaniyang pagkakadikit sa akin. Napakaluwang naman ng daanan ngunit isinisiksik ni Agnes ang kaniyang katawan sa akin. Ang kaniyang malusog na hinaharap ay halos bumaon na sa aking mga braso sa kaniyang pagkakayakap. Ang ilang kalalakihan na aming nadadaanan ay halos tumulo na ang laway sa aming posisyon.

Sinubukan ko na ng ilang beses na lumayo sa kaniya ngunit wala yata itong balak na ako ay pakawalan. Kahit ang ilang kaibigan nito ay hindi na niya sinamahan upang makapunta ako sa lugar kung saan maglalaro si Riko.

“Hinatid ka raw ni Sir kanina?” tanong ni Agnes.

“Nadaanan lang niya ako”

“Akala ko -Awwwwwwwwww” anitong napasigaw.

Mabilis ko siyang hinawakan sa pagkakadulas sa hagdanang palabas ng Study Hall. Ang dilaw na karatulang nagsasabing basa ang sahig ay aking nasipa. Napa aray na lamang ako ng malamang isa sa Professor ko ang tinamaan.

Agad ko siyang ibinaba sa aking pagkakahawak at humingi  ng paumanhin sa aking professor. Pabalik na ako sa kinalalagyan ni Agnes ng tumagilid ako upang hindi tamaan ng bolang ibinato ni Erik. Subalit ang pag iwas ko sa bully sa eskwela ay dahilan upang dumugo ang ilong ni Agnes na tinamaan nito.

Dumiretso na lang ako sa lugar kung saan maglalaro si Riko pagkatapos madala sa Infirmary si Agnes. Hindi ko ikinakatuwa ang nangyari sa kaniya ngunit ito lang pala ang makakapaghiwalay sa amin.

Binabagtas ko na ang madamong bahagi ng Assembly Area ng makita ko si Enlil na nakasandal sa kaniyang sasakyan. Ang pagtibok ng aking puso sa dibdib ay bumilis habang pinagmamasdan siya. Ang pangahan nitong mukha na tinatamaan ng pang hapong araw ay nagbibigay ng prominenteng aura na tila nasa isa siyang photo shoot o pelikula.

When A GOD Dies (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum