Hi! Di ako magaling mag-gawa ng stories so bala na... di ako nag lagay ng title basta HAHAHAHA Salamat xx 

-----------------------------------------------------

"Pssst"

"Hoy babae!" 

"Hoy ano ba!"

Nag snap ako sa harap mismo ng mukha niya para mapansin niya ko. Umupo ako sa desk ng chair niya.

"Hoy! Kanina pa kita tinatawag diba?" inis kong sabi sa kanya

Tinitigan lang ako ng mga mata niyang walang emosyon.

"Hay nako! Kahit kelan talaga nakakairita ka!" tinaasan ko siya ng kilay

"Ano nanaman ba yon?" sagot niya pero wala paring emosyon

Buti naman nagsalita na siya. Para kasi siyang di tao e.

"Wow! Nagsasalita ka pala?!" pang-aasar ko

"Wow! Nakakarinig ka pala?" pambawi niya

Galing din nitong babaeng to e.

"Kung wala kang sasabihin, pwede ka ng tumayo mula sa desk ko at umalis." sabi niya sakin.

"May sasabihin ako!" 

Syempre di na nga ako mag aaksaya ng panahon sasabihin ko na lang.

"Hoy babae, bakit nasa panaginip kita kagabi? Iniisip mo ba ko?" tanong ko sa kanya. Kasi ba naman, mapanaginipan ko ba naman ang kagaya niyang babae. CREEPY!

"HUH?" nagsulputan mga kaibigan niya samantalang nakatitig lang siya sakin.

"Hoy may tanong ako!"

Halos matawa siya habang sinasabing, "ANG KAPAL NAMAN PALA NG MUKHA MO!"               Hagalpak din tawa ng mga kaibigan niya.

"Anong nakakatawa don? Magsabi ka kasi kung iniisip mo ko para di ako nagugulat pag gabi, CREEPY kasi bes!" pang-iinis ko pero gaya nga ng nakaugalian di siya nainis.

"Sige, bye!" sabi niya tas umalis

"HOYYYYYY!" aba'y seryoso. Bastos talaga ng babaeng yon. Kinakausap e.

------------------------------


"Oy pre! Ano bang sinabi mo kay Lauren?" bungad ni Sean

"Hoy! Wala kong ginagawang masama." Grabe tong mga to, makapag tanong anong ginawa ko kala mo naman masamang mag tanong.

"E bakit nabalitaan namin sa mga kaibigan niya e ang kapal daw ng mukha mo para ganunin si Lauren"  sabi ni Adam

"Hoy! Siya nga yung makapal mukha para umalis agad di pa ko tapos mag salita." pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Ano bang sinabi mo?" tanong naman ni Mark

"Sinabi kong napanaginipan ko siya kagabi tas tinanong ko kung iniisip niya ba ko kagabi" Sabi ko sa kanilang tatlo.

"Aba'y lakas naman pala ni kuya Zechariah" Sigaw ni Adam

"Pssst! Quiet" saway ng librarian

Dali-dali na lang kaming lumabas. Tumatambay lang naman kami ng library dahil sa mga magagandang babae na nagbabasa.

Umupo kami sa bench para panuorin ang mga nag ba-basketball.

"Pre, wag mo na ulit gagawin yun kay Lauren" sabi ng isang lalaking nasa gilid ko. Kitang kita ko siya sa peripheral vision ko pero anong pake ko sa kanya.

"Pag malaman ko lang na gawin mo ulit yun..." dagdag niya pa kaya naman tuluyan ko na siyang tiningnan.

"Bakit? Anong masama sa ginawa ko?" 

"Kala mo naman krimen na yung ginawa ko. Masama na pala mag kwento." bulong ko

"E bastos ka e! Ganon ba makipag-usap sa babae?" sigaw niya sakin na parang papalag na

"So pano ba? Pakituruan nga ko?" pang-iinis ko

"Ayoko ng gulo... sa ngayon kaya binabalaan kita." nakakatitig siya sakin

"Okay" sabi ko sabay balin na ulit ng atensyon sa basketball

Nakaalis na yung lalaki kaya naman...

"Aba'y anlupet naman po pala ni kuya  Zechariah" yan na ang sigaw nanaman ni Adam

"Oy manahimik ka nga! Kanina mo pa ko tinatawag kompleto kong pangalan." 

"Ay sorry boss!" bawi niya

----------------------------

Nakauwi na kami at anong oras na gusto ko na matulog.

"Tulog na ko, akyat na ko sa kwarto." Sabi ko sa kanila.

Oo, tama! Nasa iisang bahay lang kami. Di dahil kapatid ko sila kundi dahil sama-sama rin kaming nangupahan sa iisang bahay.

"Sige" sabi ni Sean

"Ako rin, akyat na" sabi naman ni Mark sabay tapik sa balikat ni Sean

"E di pa nga tayo kumakain e" sabi din naman ni Adam

"So ano ginawa natin bago tayo umuwi?" tanong ko

"Kumain?" sagot niya

"TUMPAK! matulog na tayo!" sabi ni Sean

-------------------------------------------------------

Dream GirlWhere stories live. Discover now