FOREVER 3: The Return

73 2 0
                                    

SA WAKAAAAAAAS!

Nakaalis na din ako sa lugar na iyon!

Back to school na!! YEHEEEEY!!

Agad-agad kong pinuntahan sila Lei sa room. Alam ko naman kasi na excited sila na makita akong bumalik.

ANDITO NA AKO ULIT.

Pero bago yun, habang naglalakad ako sa campus hanggang sa corridor, napansin ko yung mga tao na nakatingin sa akin..

kanya-kanya silang bulungan..

kanya-kanya ng tsismisan..

Girl 1: "Oh bakit andito pa itong babaeng ito dito, pagkatapos mawala ng matagal, pumasok pa din?"

Girl 2: "Baka naman nagpatulong dun sa mga kaibigan niyang mayayaman"

Girl 1: "Grabe naman! SObrang take advantage!"

Girl 3: "Bakit kaya ang tagal niya nawala? Di kaya buntis siya?" 

Siguro kung ako yung taong di marunong mag-isip, kanina ko pa sila kinompronta. 

Timping-timpi ako. Ayoko sila pag-aksayahan ng panahon. Ayoko pangibabawain ang emosyon ko.

HINDI PWEDE, HAIA. 

Huminahon ka, hindi pwede magpadala ka sa ganyan. WAG!.

Pagdating sa rooom,

"HAAAAAIAAAAAA!!!" Sabay-sabay na tawag nila Lei, Io at Tessa sa akin habang halos mapipi na ako sa yakap nila. 

"HOY! Anu ba kayo?! Di na ako makahinga!" Pilit kong sinabi dahil baka mamatay ako sa higpit ng yakap nila.

Ang tagal ko din nawala. Umabot din siguro ng isang buwan. Isang buwan na paghihirap.

Ayaw pa din nila ako bitawan. ANG HIGPIT PA DIN NG YAKAP.

"HAIAAAA!" Sambit na naman ng tatlong ito.

"HOY! Anu ba kayo! Nakalimutan niyo na ba ha?? Dito sa Stanford, hindi ako si HAIA....." sabi ko

" Ibubuking niyo ko nyan eh! ANG LALAKAS PA NG BOSES NIYO! Tsss." Dagdag ko pa..

Napabitiw silang tatlo sa akin. Sabay-sabay na napalingon sa classroom...

buti walang tao. PHEW!

Nakatakip pa ng mga kamay nila yung tatlo, kasi narealize nila yung nangyari. 

Nakahinga lang ng maluwag pagkatapos namin magmasid at nalaman namin na wala pang ibang tao sa room..

"PHEW. Buti na lang, Haia. Eh este Stefi." Bulalas ni Lei. Habang tinanggal na ang pgkakatakip ng kamay nya sa bibig nya.

"OO nga! Grabe kinabahan ako!"

Natawa ko sa itsura nila. 

MGA NAMUTLA.   O.O  Hahahaha.

"Haia, narinig mo na ba yung balita?" tanong ni Tessa.

"Anung balita, Tessa? Yung mga tsismis na kumakalat tungkol kay Haia? Kung bakit matagal siya nawala at di pumasok?" dugtong ni Lei.

Sabi ko na nga ba eh. Maoopen itong topic na ito. TSS. >.<

"Haia, hindi mo pa rin ba kasi sasabihin ang totoong mga nangyari? O sa kung sino ka talaga? Kaysa naman na pag-usapan ka pa nila at siraan!"diretsong sabi ni Io.

"Anu ba? Sabing Steffi eh! TSS." babala ko sa kanila.

"Baka naman pag tayo-tayo pwede na lang na Haia, nakakalito eh." sabi ni Lei.

My FOREVER! [ H I A T U S ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon