Prologue

1.6K 38 5
                                    

Nanginginig kong idinrive ang aking sasakyan sa hospital sa loob ng Subic Bay habang bumuhos ang malakas na ulan. Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko kahit na bumabalik pa rin sa isip ko yung aktwal na nakita ko kanina. I'm trying to hold back my tears kahit na alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya, kasi kani-kanina lang, unti-unting nadurog yung puso ko.

Parang kelan lang nang dumalaw ako sa bahay nila para humingi ng tawad sa lahat ng nagawa kong kasalanan sa prinsesa nila. Ikinagulat ko na tinanggap pa rin nila ako dahil alam nilang ako raw ang nararapat para sa anak nila. Alam din daw nila ang mga tunay na pangyayari kung bakit kami humantong sa ganito. And una pa lang daw ay botong-boto sila sa akin, at alam din daw nila na mahal pa rin ako ni Sarah dahil kahit may mga manliligaw na sya, ako pa rin daw ang nasa puso't isip nya. Aminado naman ako na huli na nang marealize kong mali ako na hindi sya ipaglaban.

Pero wag namang ganitong huli na.

Lumabas na ang mga luhang kanina'y pigil na pigil ko pa ang labas. Nasasaktan ako lalo na para sa kanya. Nagbuild up din sa akin ang galit sa tarantadong truck driver na yun na gumawa nito sa kanya. Nawitness ko ang lahat, pero wala akong nagawa. Kung kelan lang sya napahilata na lang sa kalsada, dun na lang ako may nagawa. Kung pwede ko lang ibalik ang oras, hindi ko hahayaang mangyari sa kanya 'yun. 

Pinanggigilan ko yung steering wheel at pinagpapalo-palo. "Putang ina, PUTANG INAAAA!!!! Bilisan mo!!!," umaasang sa ganung paraan e maintindihan ako ng kotse ko dahil kailangan nya talagang bilisan. Sumakop sa akin ang pagsisisi. Simula't sapul na pinabayaan ko sya, nang iniwan ko sya, nang hindi ko sya pinaglaban. Kung siguro kasama ko sya ngayon, hindi mangyayari sa kanya 'to. Naiinis ako sa sarili ko!

Thank God nakarating na kami sa emergency area ng ospital. Pinunasan ko ang aking mga luha tsaka bumaba ng sasakyan. Binuksan ko naman ang pinto sa likod at hindi ko mapigilang makaramdam ng chest pains.

May dugo. Duguan ang kanyang dati'y makinis na braso. May dugo rin sa kanyang noo at parang may sugat sya sa kanyang ulo. Buti na lang wala syang malay. Kundi makikita ko kung gaano sya nasasaktan sa mga sugat at galos nya sa katawan na lalong bibigat sa aking kalooban.

Pero may malay man sya o wala, mabigat sa akin na nakikitang ganyan sya. Na napahamak sya. Na nasaktan sya. Na maaari syang mawala sa akin. Huli na ang lahat.

Binuhat ko na sya papalabas ng aking sasakyan at itinurn over sa mga nurse na nakaabang. Pinaupo na lang nila ako at ipinahintay kung ano ang magiging diagnostics sa kanya.

Tinakpan ko na lang ang mukha ko tsaka boluntaryong lumabas sa aking mga mata ang mga luhang puno ng galit sa truck driver na bumunggo sa sasakyan nya, ng pagsisisi na hindi ko sya pinaglaban, ng sakit dahil ayokong mawala sya sa akin, at ng pag-asa na magising sya.

My angel, please stay. Wag mo kong iwan, Sarah.

If only I could reset time, sana ako na lang ang nasa kalagayan nya. 

If only I could reset time, hinding-hindi ko na sya iiwan. Pakakawalan.

But I can't.

And I am too late.

ResetWhere stories live. Discover now