LIMELIGHT 3

38 1 1
                                    

LIMELIGHT 3

*

Maaga akong dumating sa set namin. Naroon na rin halos lahat ng crew at mga pinatawag na cast.

"Where the heck are those two?" Hindi na nakapagpigil ang assistant ng director namin.

Sino nga ba'ng hindi mapapasigaw sa inis kung isa't kalahating oras na kaming naghihintay sa venue at wala pa ni anino ng dalawang magaling naming mga bida.

Kebago-bago ganoon na agad ang pinapakitang mga ugali? Never in my whole career na naging late ako sa anumang taping namin and now here I am, a three year artist waiting for those paimportanteng bida-bidahan.

Wala na akong nagawa kun'di ang kunwari'y nagdadabog na umupo na lamang at saka hinablot ang script namin upang muli ay pasadahan ito while expecting some murmurs again.

"Pss, pangit talaga ng ugali." I clearly heard those words but well, masyado na akong sanay marinig 'yon para pumatol pa.

"Ano namang pinagdadabog mo diyan aber!"

Napatigil ako sa aking pagbabasa at napalingon sa taong tumabi sa akin. Ngumiti lang ako ng matamis sa kanya. Mga ngiting siya lang ang nakakakita.

Ilang sigundo pa ay narinig ko ang kanyang malalim na buntong hininga.

"When will you stop faking what you are, Ae?"

Dahil sa mga sinabi niyang 'yon ay tuluyan kong nabitawan ang script ko saka napapangangang napatitig sa kanya na seryosong nakatingin lang sa'kin.

Inilapat ko ang kamay ko sa noo niya.

"Mamsi, may lagnat ka ba?" Tanong ko.

"Huwag mo ibahin usapan, Ae!" Sabi niya saka tinampal ang kamay ko.

"San mo nabili 'yong English mo, Mamsi? Sinabi kong magtipid tayo para sa kinabukasan natin tapos bumili ka ng ganoong kamahal na English?" Seryosong turan ko habang hirap na hirap na magpigil ng tawa.

"Ae! Ikaw talagang bata ka."

"Mamsi! Angsakit!" Nakabusangot kong turan sa kanya habang tinatanggal ang mga kamay niyang nakapisil sa magkabilang pisngi ko. One of her habits na nakasanayan ko na rin. She love pinching my cheeks lalo kapag inaasar niya ako or naaasar siya sa akin.

"Kung ano-ano kasi mga pinagsasabi mo! Ikaw tagapagturo ko tapos ganyan ka pa sa'kin!" Tampo-tampuhang sabi niya habang nakapamaywang sa harapan ko.

"Tampururut na naman si Mamsi ko. Alam mo namang mahal na mahal kita eh."

"Naku, Ae. Huwag mo akong daanin sa paglalambing. Hindi kita ipagluluto mamayang gabi."

"Mamsi!" Pinandilatan ko siya ng mga mata. Anything but not that. Hindi ako marunong magluto!

May sasabihin pa sana si Mamsi ngunit napansin namin ang komosyon ng mga crew sa paligid at ilang tilihan na sa tingin ko ay galing sa mga nakikiusyosong tao sa paligid, mostly mga teenager girls.

Pss, I therefore conclude na dumating na ang mga paimportanteng bida namin.

"They finally arrived."

Inayos ko ang aking pagkaka-upo, I raised my left leg and put it above my right. Nilagay ko rin ang shades ko saka maarteng nagbasa ng script.

Yeah, my act doesn't start when the camera starts to roll but it starts the moment I become Aeva Villanueva, putting Allison Everett Astrid sleep.

"Sorry, we're late." I heard Yvo's voice kasunod ng pag-upo nito sa tabi ko.

Hindi ko na siya nilingon pa at pinagpatuloy na lamang ang pagbabasa sa script.

Limelight Diary (slow update)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora