Daddy

16.1K 13 0
                                    


Lalaki po ako. Sana mapost po ito. Ramdam ko naman na mababait ang admins dito kaya may tiwala ako sa inyo na hindi ninyo ipagsasabi ang pangalan ko. BAKA may mali din sa years dahil hindi ko na talaga matandaan yung exact na day/month/year kung kelan nangyari yun.
Eto na.
Hello sa daddy ko. Sa daddy ko na mahal-na-mahal ko. Daddy tawag namin sakanya dahil yun ang tinuturo samin na itawag sakanila simula pa noon. Hindi kami mayaman. Hindi rin kami mahirap. Sakto lang. Minsan may pera, minsan wala. So ayun na nga, balik sa topic. Around 2008, nagkasakit yung tito ng daddy ko[kapatid ng tatay ng daddy ko. Labyu sa di naka-gets] Sa Probinsya namin sila nakatira. Dito na kami nakatira sa Angeles nun. Then pinabalik yung daddy ko doon para siya nalang yung mag-bantay sa lolo ko at para narin siya nalang ang swelduhan sa pag-babantay/pag-aalaga. Grade 4 ako nun nung umalis siya. Umuuwi siya every three months. Kaso minsan hindi nakakauwi dahil nasasakto lang ang pinapadala niya sa amin para sa gastos sa school. 2009, March. Pinag-bakasyon niya ako doon sa probinsya namin. Ilang weeks ako doon. During my vacation with him, lagi kong napapansin na may kausap siya sa phone. Dahil sa eight years old palang ako non, wala pa akong pakielam. One thing na pinaka-tumatak sa isip ko is yung habang nasa kubo siya[may kubo kasi kami sa bakuran sa probinsya, doon umiinom mga tito ko] yun na nga, nasa kubo siya nakaupo habang may kinakausap sa phone. Nakikipaglaro ako ng batuhan ng bola. Touching ball ata yun? Basta hindi ko na alam pangalan ng game. Bigla niya akong tinawag. Naka-ngiti siya. Tinanong niya sa akin kung gusto ko daw magkaron ng kapatid, maliban sa kapatid ko sa mama ko. Hindi ko na alam kung ano ang sinagot ko nun. Pero alam kong hindi si mommy ko yung kausap niya. Kung si mama ko talaga yun, sana pinakausap na niya sakin. Then days later, nalaman ko nalang na nag-aaway sila ng mama ko sa phone. Minumura niya si mama ko. Kesyo daw niloloko siya ng mama ko, putangina daw ng mama ko, gago niya daw, walanghiya. Yung ganun ba? Basta lahat siguro ng mura sinabi niya sa mama ko. Syempre narinig ko yun. Kaya nung paguwi ko dito sa Angeles, hiwalay na sila. Kinwento sakin lahat. Inexplain nila sakin. Ako naman itong si madaldal, kinwento ko yung nangyari na tinanong ako ng daddy ko kung gusto ko magkaron ng kapatid. Nagkagalit na naman silang dalawa. Pati mama, papa at mga kapatid ng mommy ko galit sa daddy ko dahil nga sa ginawa niyang pagmumura sa mommy ko at sa kung anu-ano pang kabastos-bastos na sinabi niya. Hindi naman nagloko si mama ko nun, kundi si daddy ko. Alam ko ang totoo. At ako ang nakapag-patunay nun. Gusto niyo malaman kung pano?? —Wag na pala. Sobrang habang kwento.
2010, April yata or March din. Tinawagan ni mommy ko si daddy ko para samahan kami na magpatuli sa ONA. Alam niyo naman siguro kung saan yon. Then hindi kami nakapag-patuli nun dahil hindi nagpunta yung mga magtutuli. Edi lagtas ako. Haha. Pero that time akala ko okay na lahat. Nung pag-uwi namin sa bahay, kasama si daddy ko, yun na pala ang last na punta niya doon. Dahil umuwi lang siya para samahan kami at para kunin ang mga gamit niya. Iyak ako ng iyak nun. Hanggang sa paalis na si daddy ko, naglakad na siya palabas ng gate namin, ang lalaki ng hakbang niya kaya hindi ko siya nahabol sa bakuran, tapos ito namang mommy ko ayaw akong bitawan! Binitawan niya lang ako kung kelan nasa may court na si daddy ko. Syempre ako naman takbo ng mabilis, nagkasugat pa nga ako nun e dahil nadapa pa ako. May peklat ako sa kaliwang tuhod ko ngayon. Tignan niyo man. Edi nahabol ko na siya, tumigil nako sa pagtakbo dahil pagod nako. Sumigaw nalang ako ng 'daddy! Daddy!' Walang katapusan na daddy, binalikan naman niya ako. Sabi niya magtatrabaho lang siya. At yun, ako si tanga, naniwala. Tumigil ako sa pagiyak, "nag-babye" narin ako sakanya at umuwi na ng bahay.
Grade 5 ako sa Gueco Balibago, doon ko palang nalaman na may iba na siyang asawa. Yun yung lagi niyang kausap sa phone dati. oh diba? Sino ngayon ang nagloko sakanila ni mama ko? Nung nalaman ko yun, pinagmumumura ko sila! Pati yung asawa niya ngayon! Ginago ko rin silang dalawa, pati tarantado at putangina sinabi ko. Sabi ko din na, 'Wag kang magpapakita dito sa bahay namin ******* papatayin ka ng tito ko! Sinusumpa ko na mag-kakasakit kayo isa-isa!' As in ganyan po talaga. Walang halong biro. Hindi alam ng mama ko na ginawa ko yan. Kayo palang! Kaya quiet please.
Pero grabe! Ang galing mag-trabaho ng daddy ko sobra! After 6 years! May tatlong anak na siya! Sipag diba? Kapag nag-ka-anak na ako ngayong highschool, wag na kayong magtaka. Dahil alam niyo na kung kanino ako nag-mana ng kasipagan. Ge na, balik sa topic. Lalo akong nagalit sa daddy ko dahil sa loob ng anim na taon, hindi man lang niya kami kinamusta, o binati lang man sa birthday ko at sa birthday ng kapatid ko. Kahit nga hi/hello wala e. Pero kapag makikita mo yung wall niya? Puro celebration ng anak ng asawa niya. Lima kasi yung mga yun. Nung mga birthday nila may handa, may picture silang buong pamilya, kasama pa yung daddy ko. Ang sakit mga brads! Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasakit yung naramdaman ko nung mga oras na tinitignan yung mga pictures nila. Tumulo nalang luha ko nun. After that, namuo na naman ang galit ko, minessage ko siya ng kung anu-ano! Galit na galit ako nun. Sobrang taas ng pride ko that time. [[Mas mataas pa sa pride ng mga dati mong kaibigan na kaaway mo na ngayon dahil lang sa maliit na pagkakamali na nagawa mo]]
—Months later, may dumating sa buhay namin na bagong daddy. Oo, may nakilala si mama ko na mas mabait, mas maalaga at mas maaalahanin. Nakalimutan ko na nga din na may totoo pala akong daddy. At Hindi ko din alam kung pano nangyari 'to pero nawala nalang bigla yung galit ko sa totoo kong daddy. Ewan, parang okay nako. Wala nang galit na namumuo sa akin. Nung monday nag-message ako sa daddy ko. Nagreply siya agad. Ininvite niya ako sa isang okasyon sa probinsya namin sa darating na September. Hindi ko na sasabihin kung ano yun dahil kapag sinabi ko pa, baka may makilala na sakin...

Confession (SPG)Where stories live. Discover now