Chapter 4

4.6K 122 0
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad dito sa kwebang pinasukan ko at hindi ko maintindihan kung paano o kung may wakas batong kwebang 'to, halos isang oras na rin akong naglalakad.

Nang nahagip na ng aking mata ang isang malaking butas agad agad akong tumakbo papunta dito.

"Hay salamat! Nakalabas na rin ako!"

Nandito na ako sa labas ng mga pader grabe meron din palang tinatagong labasan ang school nato, pero ang talagang nakaagaw ng pansin ko ay ang maliit na bahay sa kabilang kalsada.

Ngunit kung hindi mo tititigan ito ng maigi hindi mo ito mapapansin dahil natatakopan ito ng mga sanga ng puno.

Tingin sa kaliwa...Tingin sa kanan

"Ayos walang tao." At tumawid nako papunta doon.

Shivers...

Binuksan ko yung pinto kahit nangangatog nako sa lamig ng hangin,syempre tao din ako 'no. At muntik ko ng masapak yung pinto na ngayon ay nakagawa ng malakas na ilaw dahil sa pagbagsak.

Pumasok ako sa loob nag c-creak pa yung sahig dahil luma na rin itong kahoy.

Lumapit ako doon sa table at may naka patong na picture frame doon,kinuha ko ito at tiningnan.

Isang babaeng na nasa 30's niya at ganun din yung lalaking katabi nya,lumapit pa ulit ako doon sa table na masa bandang sulok at mukhang mas maraming picture frame ang nakalagay doon.

Kinuha ko yung isang frame at merong isang batang lalaki na naka upo sa upuan at may kasama itong babae na hindi gaanong katandaan at ganun din yung lalaki.

"Mukang family picture."

Hanggang sa natingnan ko na lahat at puro ito family picture nung nakita ko doon sa unang litrato.

Ngunit bago ako makaalis merong isang picture frame na nasa lapag at meron itong basag.

Lumapit ako doon at pinulot ito.

Isang batang babae na itim ang buhok kulay asul ang mga mata nito

Parang..

Naka suot ito ng pulang damit dress at may hawak na pulang rosas sa mga kamay nito

"This can't be....

This girl in this picture...

Is....

....me"

To be Continued...

-__________________________-

Nabitin ba kayo???
Lol abangan nalang sa next chapter yung susunod na mangyayari..
And expect nyo na may mga mysteries na mabubuksan and malapit na rin mangyari ang action..So Patience lang muna


Kamsa~

The Queen Of All ✔ Where stories live. Discover now