Chapter 9: Explanations & Protectors

1.6K 38 1
                                    

~*~*~*~*~*~
May bago tayong bisita sa chapter 10, any guess? enjoy reading!
~*~*~*~*~*~

~*~*~*~*~*~May bago tayong bisita sa chapter 10, any guess? enjoy reading! ~*~*~*~*~*~

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALEXA POV

Nakatulog ako sa kotse. Yun ang pag kakaalam ko, pero pag ka gising ko nandito nalang ako sa kama. Sa bahay pa din ni Alec. Sinong nag dala sakin dito? sana ginising nalang ako. Nakakahiya mga bui.

Bumangon na ako agad at nag luto ng almusal. Umakyat muna ulit ako sa taas at chineck si Alec kung tulog pa, pero pag ka bukas ko ng kwarto, fudge, lahat sila nandito, kaya kailangan ko mag luto ng madami. So diba nga, when kamalasan hit's you hard.

Habang nag luluto ako bigla nalang sumulpot si Jack sa kawalan. Lol.

"Ano yang niluluto mo?" tanong niya. Napangiti naman ako favorite 'to ni mama.

"Menudo.." medyo malungkot na sagot ko kaya nag taka siya, pero ngumiti pa din ako. Nag hain si Jack habang ako naman ilalagay na yung mga pagkain sa lamesa.

"Patawag naman sila." sabi ko sakaniya kaya umakyat ulit siya pabalik sa kwarto ni Alec.

"Hoy mga sisiw! gising na! nag luto si Alexa ng ulam!" pag sigaw niya, natawa nalang ako ng tawagin niyang sisiw ang mga kaibigan niya.

"Ano ba yan jack, nakakainis yang bunganga mo, ang ingay." rinig kong pag rereklamo ni Marcus. HAHAHAH cute nga eh.

Isa isa silang bumaba. Pero nag taka ako dahil hindi bumaba si Alec.

"Si alec?" tanong ko sakanila.

"Nandun sa taas. tulog pa." pang aasar ni Mark. Nag tawanan naman kami. Ako nalang ang aakyat para tawagin si Alec. Sumigaw lang ako ng may sunog magigising na 'to.

"Hoy alec gising na." pag tataray ko.

"Hmmm hmmm." aba ayaw talaga.

"Ayaw mo ah. SUNOG! SUNOG! TULONG!" nataranta siyang bumangon at halata na sa mukha niya na nainis siya sa ginawa ko.

"Kanina pa kasi tinatawag para kumain ayaw bumaba, kakain na po kamahalan." pang iinis ko sakaniya lalo.

Pag kababa ko sa kusina kumakain na ang ibang Black Blood. Hay mga sisiw.

"Bakit pag si Alexa gumigising sayo, gigising ka agad?" Pang aasar ni Marcus kay Alec halata namang hindi 'to ikinatuwa ni Alec.

"Manahimik ka, inaantok pa talaga ko nung sumigaw si Jack." umupo nalang siya at kumuha na ng almusal. Halatang yamot na yamot.

A Gangster's Love 『COMPLETE』 #WATTYS2017Where stories live. Discover now