Hindi kita mamahalin...

481 4 0
                                    

Sabi ko handa ako,
Handa akong masaktan
Kasi walang tayo,

Handa akong masaktan
Dahil sa una palang
Alam ko na walang patutunguhan
Ang mararamdaman ko para sayo.

Handa akong magpaka tanga
Kasi alam ko na sa huli
Hindi rin naman ikaw at ako.

Pero isang araw nakita ko,
Nakita ko na masaya ka nga sa piling nya,
Masaya ka na kasama sya,

Sa oras na iyon ay naramdaman
ko ang sakit,

Naramdaman ko ang higpit ng pagkapit
Ng damdamin kong di maka alis,

Di maka alis sa hinagpis
Na nagsasabing hindi mo kaya,

Hindi mo kayang paghandaan ang sakit
Na maidudulot ng taong inakala mong
Hindi mo mamahalin.

Akala mo hanggang pag tingin lang
Pero malalim ang ugat na
Nagmumula sa iyong damdamin.

Akala ko kaya ko na hindi ka mahalin...
Akala ko matatakasan ko ang sakit...
Pero eto ako, bihag padin ng akalang hindi kita iibigin...

-PrinsipeUlan-

TulaWhere stories live. Discover now