20

210 13 7
                                    

Korrine's POV

Matapos ang eksena kanina ay hindi na ako mapakali. He's here for heaven's sake! Natutuwa ako, naeexcite, kinikilig and at the same time nababaliw na. Kailan pa nilagyan ng toyo ang kape?! OMG.

Tinapon ko kaagad iyon at nagtimpla ng panibago. Grabe talaga epekto sa 'kin ni Brake. Nakakaloka ha!

"Are you okay?" Biglang sumulpot sa harap ko si Vince. Hindi naman siya mukhang playboy pero ang pogi niya talaga. Mukhang hindi palangiti ang isang 'to.

"Yeah. Why?"

"Just asking," sagot niya at umalis na.

Wow, susulpot nalang siya bigla tas mawawala din bigla?

Kahit ayoko pang umalis sa kusina ay wala na akong nagawa nang tawagin ako ni Jessie. Naubusan na din kasi ako nang palusot. Dinala niya ako sa sala kung saan andun ang lahat. May hawak na ballpen si Gio at papel naman kay Xackie.

Pinaupo ako ni Jessie sa gitna nila ni Gio. And fahksdglj tapat na tapat ko si Brake. Naiinis pa din ako sa kanya pero syempre mas nangingibabaw yung kilig no. He's my Brakey boy after all.

"So let's play muna bago tayo kumain para naman gutom talaga tayo at ma-enjoy natin yung pagkain mamaya. Diba? Diba?" Ani ni Jessie na mabilis namang sinang-ayunan ng lahat.

Sinusulyapan ko si Brake na naka-sando. Jusq naman, masyado niya naman akong inaakit. Gustong gusto ko na siyang lapitan at yakapin. Gusto ko na ulit maramdaman yung mahigpit niyang yakap, yung dibdib niyang kahit di ko naririnig ay alam ko na pangalan ko ang sinisigaw.

"Since nung last birthday ko ay nag spin of the bottle tayo, ngayon naman ay iba. Let's just say na paper of dare ang tawag sa larong ito." Nakangising sabi ni Jessie. "First, kumuha kayong lahat ng papel at isulat niyo doon ang gusto niyong ipagawa sa kahit na sino na andito. Bahala kayo kung gaano yan kahirap or kaworst basta gusto niyo."

Bakas sa mukha ng lahat ang pagkasabik. Okay, sila na.

"Chance ko na 'to," nakangising sabi ni Matteo.

"Bawal ang sex okay?!" Protesta pa ni Aeisha sabay tapon nang masamang tingin kay Matteo. Napairap naman ito sa sinabi ng dalaga.

"And wala din sanang kiss. I'm engaged and I don't want any issues that might ruin my relationship with my fiancee."

I rolled my eyes. Tanginang fiancee naman talaga oh!

"Boo!" sigaw ni Matteo at Kade. "Ang boring nang larong 'to kung nagkataon. We're here to enjoy! Iilan lang tayo dito, paano namang makakarating sa fiancee mo ang mga mangyayari? Besides it's just a kiss." Inis na sambit ni Matteo.

"Matteo!" Bulalas ni Jessie. "Shut the fuck up,"

"Try to understand me. I love my fiancee and kiss is not just a kiss when you're already engaged. I respect her, andito man siya o wala." Ramdam ko ang pagpipigil ni Brake nang galit. He's voice might look so calm but I know na deep inside, gusto niya na mag-aya nang sapakan. Pero marunong lumugar si Brake.

"E di huwag ka nalang sumali. Every problem has a solution." Masungit na sagot ni Vince.

Nainis ako bigla sa inasta nila. Kahit na bwiset na bwiset din ako dahil puro fiancee ang bukambibig ni Brake eh naiintindihan ko naman siya. Ganun naman talaga pag mahal na mahal mo ang isang tao, ayaw mo na masaktan siya.

"You know what boys? Dapat ginagaya niyo si Brake eh. Palibhasa kasi para sa inyo laruan lang ang mga babae. Di niyo alam na nasasaktan din kami, mula sa napakaliit na bagay." Dagdag pa ni Jessie. "Wag tayong mag-away away pwede? Respect each other's decision. We're here to enjoy nga diba? And everyone should. Make my birthday memorable, not forgettable."

Maling Pag-ibig [Completed]Where stories live. Discover now