Chapter Three

9.4K 366 14
                                    


ISANG linggo pa lamang si Farah sa isla ay ramdam na niya ang pagkainip. Umaasa pa rin siya na babalik sa normal ang buhay nila kahit sinabi na ng mga bampira na wala pang kasiguraduhan kung makakabalik sila sa normal nilang buhay. Labis siyang nalulungkot sa nangyayari. Kahit kompleto ang pangangailangan nila sa isla ay hinahanap-hanap pa rin niya ang kanilang tahanan.

Buhat sa pagkakaupo sa malaking bato sa pampang ng dagat ay napatayo si Farah nang inakala niya na si Derek ang lalaking paparating lulan ng speed boat. Nang makababa ito ay saka niya naaninag ang mukha nito. Hindi ito si Derek, kahawig lang.

"Hi! I'm Devey, isa ako sa meyembro ng Sangre Organization. Mayroon ako sasabihin sa inyo," sabi ng lalaki pagkalapit sa kanya.

Pagkuwa'y sumunod siya rito pabalik sa compound. Tinipon nito lahat ng bagong survivor sa malawak na bulwagan.

"Alam ko na ang iba sa inyo rito ay naiinip na lalo na ang mga bagong dating. Ang Organization namin ay may offer na trabaho. Magkakapera kayo at makakatulong pa kayo para maibigay ang sapat na pangangailangan ng mga survivor. May itinayong iba't-ibang pabrika ang organisasyon. Ang ibang interesado naman na sumama sa aming operasyon ay malugod naming tinatanggap. Bukas din ang organisasyon namin para sa mga interesadong magsilbi sa Sangre Academy at sa Organisasyon. Nangangailangan kami ng maraming tao na magtatrabaho para sa amin. Layunin namin dito na mas mapatibay pa ang relasyon ng mga tao at mga bampira. Nangangako ang aming pinuno na tutugunan ang inyong pangangailangan at higit sa lahat ay hihigpitan namin ang pagpuprotekta sa inyo. Para sa mga interesado, pakisulatan po ang registration form na ibibigay namin sa inyo. Nakalagay doon ang trabahong maari ninyong piliin. Mayamaya rin ay isa-isa naming tatawagin ang mga aplikante," sabi ng nangangalang Devey.

Kumuha ng isang registration form si Farah. Iyon na ang pagkakataon niya para maibsan ang kalungkutan. Pinili niya ang pagsama sa mga operasyon ng Sangre Organization. Alam niya na karapat-dapat siya sa kanyang pinili dahil may tatlong taon na rin siya sa police operation.

Si Narian ay piniling magsilbi sa Sangre Academy. Hindi naman nito kinontra ang desisyon niya.

Kinabukasan ng umaga... Inihanda na ni Farah ang sarili para sa paglipat nila sa Sangre Academy. Doon daw sila titira. Mas pinili naman ng nanay niya na maiwan sa isla. Naroon ang ibang kaanak nila kaya hindi na niya kailangang mag-alala.

Habang naghihintay ng sundo nila ay tumambay muna siya sa dalampasigan. Kanina kasi ay naiingganyo siyang maligo pero dahil malalaki ang alon, mga paa na lang niya ang binasa niya. Sa 'di kalayuan ay may natatanaw siyang paparating. Una, naisip niya baka si Devey ulit iyon sakay ng speed boat. Pero habang papalapit ang sasakyang pandagat ay nagkandahaba ang leeg niya. Sa pagkakataong ito ay hindi na siya maaring magkamali. Si Derek ang sakay ng itim na jetski. Suot nito'y itim na wet suit at may suot na sunglasses.

Umatras siya nang mapansin na sa deriksiyon niya ito hihinto. Basang-basa ang lalaki. Bumaba ito ng sasakyan at itinaas sa ulo ang suot na salamin. Naniningkit ang mga matang nakatingin ito sa kanya. Mataas na kasi ang araw.

"How your stay here?" bungad nito sa kanya.

"Maganda lang sa simula," mabilis niyang sagot.

"Tiisin mo lang. Masasanay ka rin dito," sabi nito at kumilos upang iwan siya.

"Lilipat ako sa Sangre Academy mamaya," sabi niya.

Huminto sa paghakbang si Derek at marahas na tumingin ulit sa kanya. "Why?" curious na tanong nito.

"Magtatrabaho ako sa Sangre Organization," tugon niya.

Dumilim ang aura ni Derek. "Who's offer you that opportunity?" may pait sa tinig na tanong nito.

DayWalkers Series 5, Derek Rivas; The Devil Flirt (Complete)Where stories live. Discover now