Diary Ng Pangit

1.3K 11 9
                                    

------------------------------------------------------- Dear diary,

Sino na lang ang nakakaalam kung ano at hanggang saan ang nangyari samin ni Chad sa gabing 'yon.


- Eya

-------------------------------------------------------
 

 
 
Entry --- fourteen.one

Tik.Tok.

"Hmm..."


Tik.Tok.


Dahan dahan kong binuksan ang mata ko, naririnig ko ang malakas na tunog ng pagbaba ng kamay ng alarm clock ko sa bedside table ko. Medyo napapapikit pa ulit ang mata ko dahil sa pagtama ng sikat ng araw sakin. Nilagay ko ang braso ko sa noo ko para maharangan ang pagtama ng sikat ng araw sa mukha ko.


"Ughhh." bakit ganun? Parang ang sakit ng ulo ko? Humarap ako sa gilid ng kama ko para makita kung anong oras na, "10 na pala."

Okay lang naman na tanghali na gising ko since Sunday naman at wala akong trabaho sa resto o kayna Cross.


"Ang sakit sakit talaga ng ulo ko." sabi ko habang pinipilit bumangon sa kama ko.


Nung nakatayo ako sa wakas kahit medyo masakit ulo ko eh nagdiretso ako sa banyo para maghilamos, nasa may baba pa yung banyo eh.


Nagbasa muna ako ng mukha para mawala yung antok at sakit ng ulo ko. Pagkatapos nun kinuha ko na yung toothbrush ko at nilagyan ito ng toothpaste at sabay nagbrush na sa ngipin ko, sobrang sakit ng ulo ko nakapikit tuloy ako sa pagtotoothbrush. Pero pagmulat ko ng mata ko at nakita ko ang reflection ko sa sarili ko sa salamin, napatigil ako sa pagtotoothbrush at----

"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!"


Joke lang. Hindi ako sumigaw, nagtotoothbrush nga ako diba? May laman bibig ko so paano ako makakasigaw?

Napatigil lang ako sa pagtotoothbrush at napadura agad sa lababo.

"Kaninong damit ito?!" hawak hawak ko yung damit at tinitignan maigi. Isang malaking black shirt sya na dahil sa laki umabot sya hanggang tuhod ko. "Bakit ito suot ko? Asan na yung gown? Teka ano bang nangyari kagabi?!"


"Hoy Eya!" biglang kumatok si auntie sa banyo, "Sino ba kausap mo dyan?"


"Ah wala po, yung toothbrush po!" nakita kaya nina auntie na panglalaking shirt ang suot ko? Tsaka anong oras na ba ako umuwi kagabi? Tsaka paano ako nakauwi?


"Toothbrush? Anak ka naman ng! Bahala ka nga dyan. Nababaliw na ata 'to." yun na lang yung sinabi ni auntie at hindi na ulit sya kumatok.

Tumingin ulit ako sa salamin tapos sa damit na suot ko, inamoy ko ito ---- amoy pabango ng lalaki! AAAAH. Kanino ba 'to?! Bakit ito suot ko?!


Bakit wala akong maalala kagabi?! Nauntog ba ako sa pader kaya wala akong maalala at ganto kasakit ang ulo ko?


AH TAMA. May naaalala ako kahit papaano...

"Nakita ko na nun si Lory eh, bibigay ko na sana yung necklace then BOOM, namatay yung ilaw nadapa ako at nalaglag yung necklace tapos---- sh.t! Nagpropose si Chad kay Cross tapos nakita pa yung ni Lory!" nalagay ko yung kamay ko sa mukha ko, "Tapos... tapos... tapos... urgh. Ang sakit talaga ng ulo ko, hindi ko maalala ng ayos..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary Ng PangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon