Teaser

19.1K 617 17
                                    


HINDI alam ni Aleah kung paano matatakasan ang krimeng nasaksihan niya. Isang krimeng kitang-kita niya kung paano saksakin ng apat na kalalakihan ang anak ng boss niya na si Drake Harvey Sebastian. Inilihim niya ang natuklasan sa takot na mapagbalingan ng mga suspect. Ngunit tila bangungot ang lahat dahil hanggang sa paglipas ng panahon ay nararamdaman niya ang presensiya ng binata.

Isang buwan nang hindi nakikita ang bangkay ni Drake-na idiniklarang maaring patay na dahil sa ilang ebidensiya na nagpapatunay na patay na ito. Pero bakit bigla itong nagbabalik? At sa pagbabalik nito ay hindi na maiwasan ng dalaga ang pagtatagpo ng landas nila ng lalaki. Patuloy siya nitong inuusig tungkol sa krimen. Pinilit niya itong iwasan, ngunit parang gayuma na bigla na lang siya nabighani sa guwapo at mesteryosong lalaki.

Handa ba siyang sumuong sa kapahamakan alang-alang sa hinaing ng kanyang puso? O baka naman magising siya isang araw na parte lang ng bangungot ang lahat.

The Revenge of Dracula (TO BE PUBLISHED SOON)Where stories live. Discover now