✴ Chapter 33

7.8K 324 38
                                    

Harley

"Ano bang problema mo?"

Ilang beses ko nang na-decline ang tawag niya pero paulit-ulit pa rin akong tinatawagan. Kaming dalawa lang ang nandito sa room ng Student Council dahil maagang umalis ang mga kasama ko. Wala naman sila gaanong gagawin dahil maaga nila itong tinatapos. Nakasandal ako sa wall malapit sa table ko at siya naman ay nakaupo sa sofa. Nakangisi siya habang naka-cross arms at legs.

"Ano bang masama kung tawagan kita?"

Gusto kong matawa sa sagot niya. "Paano kung sabihin kong nakakaistorbo ka?"

"Ah, nakakaistorbo pala ako sa inyong dalawa ni Akira Morrin." Hindi ba obvious. Alam naman niyang may girlfriend ako at hindi magandang tumawag siya. "L-lumayo ka nga." Balak ko pa sanang umatras pero pader nga pala ang nasa likod ko.

"Why are you stuttering miss President?"  Nakangising tanong niya at kinagat rin ang ibabang labi niya.

Hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala siya. Nakapatong ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng sinasandalan ko. Nakakulong na ako sa dalawang braso niya.

"Sabing lumayo ka." Tinitigan ko siya ng masama pero wala itong epekto. Ano pa nga bang aasahan ko sa isang Cathy Alejandro. Hindi siya marunong matakot sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko gusto ang nababasa ko sa mga mata niya. Tama si Marge, malaking pagkakamali ang ginawa ko para takutin lang siya. Dahil kabaliktaran ang naging resulta at mas lalo lang lumala ang lahat.

"Hindi mo ba ako gustong subukan? Baka nga mas magaling pa ako kaysa sa girlfriend mo."

Sa sinabi niya ay naalala ko naman ang ginawa ko kahapon. Nabitin ko si Aki at ramdam ko ang pagtatampo niya. Bigla kasi akong natakot nung hawakan niya ako at ayokong may humahawak sa akin kapag oras ng hot session. Gusto kong ako lang ang hahawak sa katawan nila. Napaka-selfish kong partner pero, hindi nila mababago ang isip ko kapag ako na ang mismo ang huminto sa ginagawa namin.

Iniwas ko agad ang labi ko nang tangkain niya akong sunggaban. Kaya nag-landing ang labi niya sa jaw ko.

"Harley nasa—oh! Nakaistorbo ata ako?"

Mabilis na naitulak ko si Cathy na hindi naman ganon kalakasan at sapat na para lumayo siya ng kauntin sa akin. Nakikita ko naman sa mga mata ni Marge na hindi maganda ang naabutan niya.

"Bakit?" Nakaramdam ako ng kaba sa isasagot niya at hindi ko alam kung bakit.

"Nasa labas ang girlfriend mo."

Pagkasabi niya non ay iyon din ang paglitaw ni Aki sa likuran niya. Nakangiti ito pero mabilis din nawala nang mapansin kung sino ang kasama ko.

"Mauna na ako. Salamat sa oras, Harley."  Naglakad papunta sa pinto si Cathy at nakikita ko mula sa kinatatayuan ko kung paano siya tingnan ng masama ni Aki.

Nang makaalis ang isa ay natahimik naman ang buong silid na kinalalagyan namin. Napansin ko ang pag-iling ni Marge bago nagmosyon kay Aki na lumapit sa akin. Hindi maipinta ang mukha niya.

"Gusto ka raw makita ng girlfriend mo."  Pagkasabi ni Marge nito ay nagpaalam na siyang mauuna nang uuwi pero bago niya isara ang pinto she mouthed 'goodluck'.

Kaming dalawa na lang ang naiwan at hindi ko alam kung paano sasabihin na mali ang iniisip niya.

"Napadalaw ka?"

"Bawal na ba kitang dalawin?" Napalunok ako sa tono ng boses niya. "Sa pagkakatanda ko, girlfriend kita kaya pupuntahan kita rito sa ayaw at gusto mo."

"Wala naman akong sinasabi na ayaw kitang pumunta rito." Sagot ko at nilapitan siya. Hinawakan ko ang kamay niyang kanina pa nakakuyom at sabay na naming tinungo ang sofa. "Sa condo na lang sana ikaw naghintay."

Makahulugan niya akong tiningnan na parang may mali sa sinabi ko. "Dahil may iba kang pinagkakaabalahan?"

"Kung iniisip mong may ginagawa kami ni Cathy, wala. Sadyang makulit lang ang babaeng yon."

"Nagpapakulit ka naman?" Walang ganang sagot niya. Sumandal siya sa backrest ng sofa at ipinatong ang dalawang paa sa center table.

"Ang init ng ulo mo. May dalaw ka ba?" Pag-iba ko sa usapan.

She looked at me in disbelief. May mali na naman ba akong nasabi?

"Miss Harley Stillford, gusto ko lang ipaalala na ito na ang ikatlong monthsary natin. And yet, parang wala ka pa rin pakialam at parang wala lang ako sayo." May hinanakit sa boses niya.

Napabuntong hininga ako at umupo sa tabi niya. Lalayo pa sana siya pero agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Napaka-selfish ko, hindi ko man lang magampanan ang pagiging girlfriend ko sa kanya.

Naguguluhan na tiningnan ko siya nang marinig kong napamura siya. "Are you cheating on me? On the same day of our third monthsary?!" Galit siyang nakatingin sa akin.

"Ano bang pinagsasabi mo, Aki? Hindi ako nagc-cheat sayo." Bakit niya ba ako inaakusahan ng ganon?

"Really? Bakit my mark ka ng lipstick sa jaw mo? Iyon pala ang ginagawa niyo kanina."

Hinawakan ko yung parte kung saan siya nakatingin. Tiningnan ko ang dalawang daliri ko na may stain ng red lipstick.

Napabuntong hininga ako nang maalala kung bakit nagkaroon ako ng ganito. "This is a misunderstanding." Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Bago pa niya maibuka ang bibig ay nagsalita ulit ako. "First, tinangka niya akong halikan kanina pero nakaiwas agad ako kaso sa jaw ko nag-land ang labi niya. Second, I don't cheat. Why would I do that?"

Pinagkatitigan niya ako at sinusuri kung totoo ba ang mga sinabi ko. Pero ilang sandali lang ay nag-iwas siya ng tingin.

"I swear to all Gods and Goddesses, I'm not cheating on you." Ayaw pa rin niyang salubungin ang mga mata ko. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya para iharap sa akin ang mukha niya. Nagi-guilty ako. Nakikita ko ang sakit sa mga mata niya. "Ano gusto mong gawin ko para hindi ka na magtampo o mag-isip ng ganyan?"

"Lumayo ka sa Cathy na yon." Diretsong sagot niya. "Siya ang tipo ng babae na matatagpuan lang ang species sa gubat." Halata rin ang inis sa boses niya.

"I'll try."

"Gawin mo."

"Okay po boss." Pagsuko ko. Ang hirap naman pala paamuhin ng girlfriend ko. Akala ko tapos na siya pero meron pa pala.

"Kiss me, sa harapan niya o kahit kanino. Gusto kong ipagmalaki mo rin ako bilang girlfriend mo."

"Alright." Ngumiti ako pero agad rin nawala dahil may kasalanan pa nga pala ako sa kanya. "About yesterday," Napangiwi ako. "I'm sorry."

Napabuntong hininga siya. "It's okay, mine. Ang kulit ko kasi kaya ayan nabitin ako."  Natawa ako nang napanguso siya. Ang cute niya kasi tapos ang sarap din panggigilan ng cheeks niya.

Sabay na kaming umuwi at sa unit ko siya natulog. Hindi na kami lumabas at pumunta pa sa ibang lugar para mag-date. Hindi naman din ako mahilig sa monthsary celebration. Wala rin nangyari sa amin dahil baka mabitin na naman daw siya ulit.

-----

Akira Morrin's ObsessionWhere stories live. Discover now