Chapter 6

629 31 15
                                    


ICY'S POV

Nagulat kami dahil hindi namin inaasahang makikita si Justine sa school ng oras na iyon. Bigla akong napatingin kay Abee dahil alam ko pareho kami ng iniisip. Bakit kailangan pa niyang magpakita dito? Alam ko nag drop na siya.

It's been seven months since he left. Why?

Nakita naming umiiyak na si Trisha kaya tumingin ako sa daddy niya at humingi ng tulong. Saksi ako sa lahat ng hirap na dinanas ni Trisha kaya alam kong nasasaktan siya ngayon. Gusto ko siyang ilayo pero alam ko gusto rin niyang makausap, makita at mahawakan si Justine. Napatingin kami sa kanya nung hinakbang niya ng isang beses ang kanyang mga paa.

'Sht. It can't be. Huwag kang lumapit Trisha.'

Pilit namin siyang pinipigilan pero nung nakita niyang humakbang ng isang beses si Justine ay mas lalo nitong binilisan ang paglalakad habang umiiyak, ni hindi na niya magawang punasan ang luha niya.

Pinipigilan pa rin siya ni Abee pero wala na kaming nagawa nung tumakbo ito.

Patakbo din kaming sinundan siya dahil alam ko ngayon niya kailangan ng kaibigan.

"Justine!!!"

Mas lalo naming binilisan ang takbo para maabutan siya.

'Lintik. Bakit naman kasi ang bilis niyang tumakbo.'

Tinignan lang siya ni Justine at tumalikod ito kaya napaupo sa gitna ng quadrangle si Trisha habang umiiyak.

Niyakap ko lang siya at hinimas ang likod niya dahil wala akong alam sabihin sa kanya. Ako mismo ay nasasaktan para sa kanya.

"Ssssh, it's okay Trish." sabi ko habang hinihimas ang likod niya.

"Icy tell me, hindi ako namalikmata di ba? Siya yun di ba?" parang batang nagsusumbong na sabi nito.

Hindi ako sumagot at hinayaan ko lang siyang umiyak sa akin. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman kong hindi na siya umiiyak pero nakayakap pa rin siya sakin.

"Okay ka na ba te? Medyo pinagtitinginan na kasi tayo dito sa gitna eh." pabirong sabi ni Abee.

"Eksena kasi talaga ang Trisha Colline te, alam mo na anak kasi ng dean." pang gagatong ko naman kay Abee at sabay kaming tumawa.

"Siraulo kayo ah baka gusto niyong suntukin ko kayo?" sagot nito sa amin.

"Ayan te okay na siya, mananapak na eh. Balik tomboy mode na siya." sabi ni Abee at tumayo na sabay hila sakin paalis doon dahil alam ko okay na nga siya talaga.

"Gago kayo ah" sigaw naman nito at hinabol na kami.

Pagkarating namin sa labas ng office ng dean ay nadatnan namin ang daddy ni Trisha na nasa pintuan at tinitignan kami pero mas nakatingin siya kay Trisha.

'Spell Awkward'

Napatigil si Trisha sa pagtakbo at bahagyang huminto sa harap ng daddy nito habang nakayuko. Walang maririnig sa kanila pero ramdam kong naawa si dean sa anak niya. Of course kailangan niya talagang maawa sa anak niyang basag na basag ngayon.

"Uwi na po ako" paalam ni Trisha.

"Can you manage? Hindi mo dala ang sasakyan mo" nag aalalang tanong ni dean sa kanya.

"Yes po." sagot ni Trisha sa kanya.

Nagsimula nang maglakad si Trisha kaya napasunod na lang kami sa kanya pero bago pa niya malagpasan ang dalawang lalaking kasama naming nag community service ay hinawakan siya ni Calyx sa kamay upang pigilan ito.

When He is Gone Where stories live. Discover now