Chapter 4

8 2 0
                                    

Kiko Pov.

Kababa ko lang  ngayon sa bus na sinakyan ko.Sa wakas nandito na rin ako.Ang sarap lang sa pakiramdam dahil piling ko nandito na ako tahanan ko.Kung saan ako nararapat  na tumira.Kung saan dito ko matatagpuan ang sarili ko.Ang tunay na ako.

Saglit nga lang...lilibot muna ako.Bago ako dumiretso sa tutuluyan ko pansamantala.Ano bang una kong pupuntahan.Sa dami kasi ng mga gusali dito.Ang hirap mamili.

Mabuti pa....mag-mall na lang muna ako.Nang makabili na rin ako ng mga gamit ko sa pag-aaral.Byeee muna ulit....nandyan na kasi yung taxi na pinara ko.Byeee.....

Ashi Pov.

Nandito na ako ngayon sa MANG INASAL.Kumakain ako ngayon kasalukuyan.Nagutom kasi ako bigla.Sa dami pa naman ng pinamili ko,sinong hindi gugutumin.

5 mins. later....

Sa wakas natapos din akong kumain.Ang sarap talagang kumain kapag gutom ka.Hayyy......makauwi na nga.

Lumabas ako sa mall na bitbit ang dalawang plastic na malalaki.Ang bigat...para na akong tuod dito kung lumakad...Ang hirap talaga ng walang kasama sa pamimili...walang tagabuhat ng mga ipinamili mo.

Nang may biglang bumunggo sa akin.Ang sakit huh!...parang tumama ako sa pader eh!...Sino ba to???....

Nung akma na akong tatayo na pagkaka-upo ko.Ayy..bigla na lang akong bumagsak...Arayyy naman!!!.Nasan na kasi yung bumunggo sa akin.Di man lang humingi ng tawad o kaya naman ay tulungan akong tumayo.Hayyssttt....Halos lahat ata ng mga tao ngayon eh,walang pakialam sa iba.Tulad na lang ngayon...hayyysstt...

Kailangan ko ng umuwi.Hayysst....ang hirap talagang  tumayo.Kumikirot kasi yung isa kong paa.Mukha atang na pasama ang pagkakabagsak ko kanina.Sinong mabait jan....patulong naman oh!!!..

Kiko Pov.

Papasok nasa ako sa loob ng mall.Nang may mapansin akong babae na nahihirapang tumayo.At tila iniinda ang kanyang paa na kumikirot ata.

Tutulungan ko ba???

O

Hindi....

Pero maya-maya napansin kong nag-ttry na naman siyang tumayo.Marami siyang dala...nakakaawa naman...

Tutulungan ko na nga...

Lumapit na ako sa kanya at sinambot dahil babagsak na naman siya.Ang kulit kasi...pinipilit paring tumayo kahit na may masakit sa kanya.

Mukhang nagulat siya ng mapadako ang tingin niya sa akin.Unti-unti ko siyang tinayo.Pero napansin kong nakatitig pa rin siya sa akin.Hindi ko mapigilang magtanong sa sarili ko. "Kilala kaya ako ng babaeng ito" .

Ashi Pov.

Siya ba talaga ito???

Si Cass. ba talaga yung sumambot sa akin??

Siya ba yung tumulong sa aking tumayo??

"CASS" sambit ko.

"Sinong Cass ? "

Hindi siya si Cass,ngunit bakit kamukha niya ito? May kakambal ba si Cass? Imposible!!! Alam kong siya ito....pero bakit hindi niya ako kilala.Bakit walang bakas na pag-alala sa mukha niya ng itinayo niya ako.Bakit ganyan siya makatingin sa akin na para bang pilit na inaalala kung sino ako.

Sino ka nga ba talaga???
Anong pangalan mo???
At bakit mo kamukha si Cass.???

Kiko Pov.

Sino ba talaga ang babaeng ito???
May nalalaman kaya siya tungkol sa tunay na ako.Kung sino talaga ako.

"Ako nga pala si Kiko at hindi si Cass na tinutukoy mo"

"So,hindi ka nga si Cass,Kiko ang pangalan mo...pero bakit kamukha mo siya??? "

Bigla akong napaisip sa sinabi niya.Kamukha ko ba talaga si Cass na kakilala niya.Ako kaya yung tinutukoy niya.Yung totoong ako.Pero imposible...imposible...

"Ewan" tipid kong sagot.

Hindi ko rin alam ang tamang isasagot sa kanya.Kahit ako rin ay naguguluhan.Wala akong makuhang tamang sagot sa tanong nya.Di ko alam...

Ashi Pov.

"Ewan" pag-ulit ng sinabi nya sa akin sa isip ko.

Siguro nga nagkataon lang na magkamukha sila.Maya-maya ay na pagdesisyunan ko ng umuwi.Wala rin naman akong mapapala dito.Pinulot ko yung isang plastik bag sa gawing kanan ko.Akma ko na sanang kukunin yung sa kabila pero kinuha nya na ito at kinuha ang isa pa sa kamay ko.Nabigla ako pero agad ding nakabawi.

"Salamat" sambit ko.

"Walang anuman....Nasan nga pala yung kotse mo at ng mailagay ko na ito doon."

"Sunod ka na lang sa akin..."sambit ko.

Lumakad na ako  at sumunod naman siya.Paika-ika akong lumalakad dahil medyo masakit pa rin yung paa ko...
Nang makalapit na ako sa kotse ko.Agad kong binuksan ang compartment ng kotse,Inilagay niya na roon ang lahat ng pinamili ko.

Matapos niyang ilagay ay nagpaalam na siyang umalis.Nagpasalamat ulit ako sa kanya at humingi na rin ng pasensya dahil sa ginawa kong pang-aabala sa kanya.
Pero ang sabi niya sa akin "Okay lang daw iyun".

At may napansin din ako sa boses niya,parang pamilyar sa pandinig.Di ko lang alam kung kanino ko yun narinig na boses.Ngayon ko din lang napansin na magkahawig sila ng boses ni Cass.

Di bale na lang nga...uuwi na ako byeee na...

Kiko Pov.

Nakaalis na sya....at heto ako ngayon namimili na.Yehey!!! Ang saya naman....ang daming pwedeng bilhin.Pero tipid-tipid muna si ako.Mahirap na,baka maubusan ako ng allowances.Sa susunod na lang na punta ko rito,Doon ako mamimili ng marami.

Maya-maya ay bigla na lang sumakit ang ulo ko,sakto nung paghawak ko sa isang libro.

Arrrgggg......!!!!! Ang sakit....!!!

Namimilipit na ako sa sakit.....at para bang may naririnig akong boses....

Cass...Cass...Cass....

Paulit-ulit yung naririnig ko.Parang umiiyak pa nga yung babae....

Argggggg.....!!!!!! Tama na!!!!!!

Lumipas ang ilang minuto ay unti-unti na rin nawala ang sakit.Bakit kaya??? Bakit bigla na lang sumakit yung ulo ko ng ganon...??? Anong dahilan?

Bigla akong na patingin sa libro na hawak ko.Napansin ko yung pamagat at yung qoute na nakasulat sa libro.

"DREAMING OF YOU SOMEDAY"

-I'LL DREAMING OF YOU IN A DISTANCE-

Parang pamilyar sa akin to....Parang nabasa ko na ito...Parang konektado ito sa akin.Kaya sumakit yung ulo ko kanina ng ganon nung pagkahawak na pagkahawak ko pa lang dito.

Kukunin ko ito.Baka makatulong ito sa akin kahit papano.Ito na ang last at pupunta na ako sa counter para magbayad.

Nang makapagbayad ay lumabas na agad ako sa mall at pumara na ng taxi.....
Next kong pupuntahan ay ang tutuluyan ko pansamantala.BYEEEE NA MUNA.....SEE YAH!!!!.....

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Maganda ba.....
Vote+Comment+Share= 😘😘😘

Seee you in my next update.....

Saranghae......my beloved readers....







Dreaming Of You Someday (On-going)Where stories live. Discover now