Chapter 26

260 16 0
                                    

+++++

Not enough

I immediately went outside of the classroom when the class ended. Ayokong tanungin nila ako kasi alam kong may napapansin silang kakaiba sa'kin. Nagmadali akong lumabas ng paaralan at pumara ng taxi. I make sure that no one will follow me, even Cadris.

When I arrived in a finest restaurant, I paid the bills then went out. This is the place where we always eat with my family. Noong kumpleto pa ang pamilya ko, noong hindi pa namatay si Papa. At ngayon lang ulit ako nakabalik dito for so how many months.

Masakit parin sa'kin kapag may naaalala ako tungkol kay Papa. Para kasing pinapamukha sa'kin ang mga naging kasalanan ko noon. Na naging masama akong anak sa kanila dahil sinuway ko ang mga utos nila. Pinapamukha sa'kin na kasalanan ko, na ako ang pumatay sa sarili kong Ama. Masakit, sobrang sakit dahil kahit sarili ko ay hindi ko mapatawad sa nagawa ko.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko. Then I took a deep breath. I need to calm down.

I started to walk inside the restaurant at hinanap si Mama pero hindi ko siya makita. Umupo ako sa isang table at mabilis namang magbigay ng menu ang waiter.

"May hinihintay pa'ko," I said as I smiled at her. Tumango ito at umalis.

I looked at my watch, its already 5 o'clock in the afternoon. While waiting for my mother to came, someone sit at the chair in front of me. I looked at her with a confused on my face. What is she doing here?

"Hi!" Dara cheerfully greeted me.

Naguguluhang pinakatitigan ko siya.

"Why are you here? I'm waiting for someone."

"I know and it's your mother right? I contacted her about what happened to you and it seems that she's very worried about you. Wala pala siyang alam?"

Hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin sa akin. Simula nang dumating siya ay ngayon lang kami nagkaroon ng oras na magkausap. Humilig ako sa upuang inuupuan ko at matamang tinitigan siya.

"Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin. Huwag ka ng magpaligoy-ligoy pa."

Alam kong may sasabihin siya sa'kin at dinadaan niya pa talaga sa ibang bagay. Bakit hindi niya nalang ako deritsuhin?

She smiled.

"Well, I am here to tell you that you need to stay away from Cadris," matabang na pagkakasabi nito. Kita ko sa mga mata niya ang kalungkutan.

I laughed kahit na iyon ang napansin ko. Wala akong paki kung malungkot man siya. This is Cadris that we were talking about.

"Are you kidding me? At bakit ko naman gagawin 'yon?"

Alam kong may nararamdaman parin siya kay Cadris at naalala kong parang nangyari narin ito dati. Ang pinagkaiba nga lang magkabaliktad ang sitwasyon namin ngayon. Noon, ako ang nagsasabi sa kanya na layuan si Cadris and now, siya na ngayon ang nagsasabi. Bilib din talaga ako sa mundo kung paano umikot ito at ang sitwasyon namin ngayon.

"Kasi alam kong hindi mo siya pipiliin over your mother."

Natigilan ako sa sinabi niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga salitang binitawan niya. Napaayos ako ng upo.

"Tama ako diba? Cadris is not in your option at tama lang na layuan mo siya hanggat maaga pa. Alam kong iiwan mo din siya kapag sinabi ng Mama mo na sumama ka sa kanya sa ibang bansa. I care for Cadris, so please stay away from him."

Preying HerWhere stories live. Discover now