Love 2 Love

595 22 21
                                    

Part 5

I woke up to the most comfortable and best sleep I ever had. Feeling ko nakahiga ako sa pinakamalambot na kama na nahigaan ko. At... *sniff sniff* ang bango bango pa ng unan ko ang sarap amuyin at ang sarap yakapin. Kaya naman imbes na dumilat na ay hinigpitan ko pa ang yakap ko dito sa unan at sinubsubsob ko pa ang mukha ko dito para maamoy ko pa ito

I really love this candy scent. Hindi nakakasawa at hindi masakit sa ilong ang amoy. Para ngang naamoy ko na siya somewhere eh. Hindi ko lang alam kung kanino or kung saan

As I was about to drift again to sleep, bigla kong naramdaman na parang gumagalaw yung unan ko. Para itong tao na humihinga dahil up and down ang paggalaw ng isang bahagi nito at may naramdaman ako na parang may mainit na hininga sa may ulo ko at dahil dun tuluyan ng nagising ang diwa ko ng may isang bagay akong narealize

Muntik kong maihulog si Mikee sa kama nang makita ko kung gaano na kami kalapit sa isat isa ngayon

Napigilan ko lang ang sarili dahil naawa naman ako sa itsura niya. Maamo ang mukha niya pagtulog. Parang hindi mo gugustuhin talaga na istorbohin siya dahil kapag ginawa mo yun for sure kokonsensyahin ka kaya naman mata ko na lang ang naigagalaw ko sa takot na baka magising ko siya

Anyway, yung pwesto namin kanina ay halos nakasiksik na ako sa may leeg niya. Wala na yung unan sa pagitan namin at literal na nakapulupot sa bewang ng isat isa ang mga kamay namin

Napaangat ako ng konti papunta sa mukha niya. Tulad nga ng sabi ko kanina napakaamo niya pag tulog. She's like a baby angel, na napakasarap niyang panggigilan at kurutin.

Lumayo naman ako ng konti sakanya para maangat ko ang kamay ko papunta sa mukha niya.

Pinisil ko ng slight ang matangos niyang ilong and it makes her scrunch a bit haha ang cute niya talaga pagtripan hahaha

Naramdaman ko naman na mukha magigising na siya dahil unti unti na siyang nags.stretch ng katawan niya. Kaya naman ang ginawa ko ay pumikit na ako ulit at nagpanggap na natutulog

Una kong narinig sa kanya ay yung mahina niyang pagtawa. Ano naman kayang tinatawanan niya? Nababaliw na ata

"This would probably the best morning I ever had" bulong niya at trine.trace niya ang mukha ko. Hinapit din niya ako palapit pa sakanya, ramdam ko na konting galaw na lang namin magkakahalikan na kami

So ano? Wag niyong sabihing hahalikan niya ako para magising ko? Sleeping beauty lang ang peg?

Inaabangan ko kung anong gagawin niya sakin. Pero makalipas ang ilang minuto ay wala naman akong naramdamang dumampi sa labi ko, instead ilong niya ang nakalapat sa ilong ko at pinagkikiskis niya yun

"I know you're awake. Alam ko din na kinukurot mo ang pisngi ko kanina. Kung ako sayo, you better open your eyes now dahil kung hindi, hindi ko na pipigilan ang sarili ko na halikan ka ngayon din" pagbabanta niya

Choco fudge! Buking!

Kaya naman bumalikwas ako agad ng bangon at dali dali akong lumabas ng kwarto. Narinig ko na lang ang malakas niyang pagtawa at ako naman eh mukhang hinog na kamatis na sa pula

Matapos naming magagahan ay nagpaalam si Mikee kila Ate na aalis daw muna kami. Pumayag naman agad si Ate at hindi na masyadong nagtanong kung san kami pupunta at kung anong gagawin namin

In between "Action" and "Cut"Where stories live. Discover now