Chapter 1

5 1 0
                                    

Nagsimula ang lahat sa isang laro...


"Maaga pa para matulog tayo. Maglaro muna tayo." prisinta ni Ashley.


"Ano namang lalaruin natin?" tanong ni Kenji dito sabay inom ng alak. Siya lang ang mag-isang nag-iinom ngayon dahil ayaw makipaginuman ng mga kasama rito. Dahil nasasayangan siya sa alak, napagdesisyunan niyang kahit siya na lang mag-isa ay iinumin pa rin niya ito.


"The Serial Killer." sagot ni Ashley. "Since anim lang tayong nandito, anim na characters lang din ang isusulat ko sa papel. The serial killer, the detective, the protector, the gunner, the student, and the announcer." pagpapaliwanag nito.


"Okay. Let's get this started." puno ng enerhiyang sabi ni Matthew. 


Sinimulan nang magsulat ni Ashley ng mga characters. Pagkatapos ay pinunit niya ang papel at pinaikot iyon upang makapagbunutan na sila.


"I will pick first." excited pang bumunot si Matthew pagkasabi noon. "Ooh, nice." sambit nito nang mabasa ang character na nabunot niya.


Bumunot na rin ang iba pagkatapos noon. Nang may kanya-kanyang role na sila ay sinimulan na nila ang laro.


"I am the announcer." simula ni Ashley. "Okay guys, time to sleep." pagkasabi niya noon ay pumikit na ang mga kasama at yumuko. 


"Protector, who are you going to guard?" bumangon si Hazel at itinuro si Matthew. "Okay protector, go back to sleep." muli ay pumikit at yumuko na si Hazel.


"Serial Killer, time for you to kill." noo'y napabangon si naman Matthew at itinuro si Christa upang patayin. "Okay serial killer, go back to sleep."


"Detective, who would you like to detect?" bumangon si Kenji at itinuro si Hazel. Umiling si Ashley dito upang sabihing hindi si Hazel ang killer. "Okay detective, go back to sleep." 


"Gunner, would you use your bullet now?" bumangon si Marvin at umiling kay Ashley. "Okay gunner, go back to sleep."


"Everyone, time for you to wake up." lahat sila'y bumangon nang muli at nagtinginan. "Hazel, you guarded the serial killer last night. You are now dead. Christa, you are also dead." nagulat silang lahat nang dalawa kaagad ang namatay sa unang araw pa lang.


"Ano ba 'yan? Student na nga lang ako, pinatay pa?" nagtawanan ang lahat dahil sa reklamo ni Christa.


"Ako nga, namatay dahil mali ng pinili eh." biro din ni Hazel sa kanila. 


"Who do you think is the killer?" tanong ni Ashley sa tatlong lalaking natitira.


"Ako, sa tingin ko si Kenji." naunang magsalita si Marvin.


"Sige, ibabalik ko na lang sa 'yo. Ikaw naman sa tingin ko." sagot naman ni Kenji dito.


"So, I was torn between you two." natatawang sabi ni Matthew sa mga kasama. Masaya din ito dahil walang pumili sa kanya. "Sige, sa tingin ko si Kenji din." sagot naman nito.


"Okay, Kenji is now dead. He is the detective." napatingin si Marvin kay Matthew pagkatapos noon. 


"I trusted you." natawa na lang si Marvin sa naging resulta. 


"One day lang pala tatagal." payabang na pabirong sabi ni Matthew sa kanila.


"Okay. Next round na."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Serial KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon