Chapter 14: Her Dream

615K 14.4K 4.5K
                                    

Akira's POV.

We're finally here!

Nagtatakbo ako sa puting buhanginan.
Ang ganda talaga dito, one look at parang inaagaw ang hininga mo ng tanawin lalo na ng asul na asul na dagat.

"OMG! OMG! Ang ganda talaga dito sobra!" sabi ko sa kanya at napansin kong napataas ang boses ko dahil sa excitement.

"Keep it down Akira, di kailangang sumigaw. It's not like it's your first time here" sabi ni Thunder.

"Kahit na, namiss ko mag Boracay no! Ang last na punta ko dito is hindi pa tayo kasal, kaya tuwang tuwa akong makabalik dito" sabi ko habang sinisipa sipa pa ang buhangin. Hawak ko ang sapatos ko na hinubad ko, pagkababang-pagkababa ko ng sinakyan namin.

"Whatever" he said. "Pwede bang mag check in na muna tayo, kasi mabigat yung bag mo, mukhang totoo yung sinabi kong dinala mo ang bahay" he added, hawak nya pa rin ang gamit naming dalawa.

Nakalimutan ko iyon kaya nag peace sign na lang ako sa kanya.
Tumalikod sya at sumunod na ko sa kanya papasok sa hotel.

Nasa likod lang ako ni Thunder habang papasok sa hotel. Mangha-mangha ako sa itsura at linis ng hotel pero nawala ang ngiti sa labi ko ng makarating kami sa front desk.

Ngiting ngiti yung staff kay Thunder. Inipit pa nito yung buhok nya sa gilid ng tenga nya at halatang nagpapacute. Kung warfreak lang talaga ako, sinabunutan ko na agad to.

"Hi, good morning sir! How may I help you today?" sabi nito. May pa how may I- how may I help you today pa syang nalalaman. Bakit pwede ba yung how may I help you tomorrow? Bwisit.

Nakita kong may binulong sa kanya ang isang staff.

"I'm sorry to inform you sir but there's no more room vacancy but I know a place where you can stay" sabi nito sabay bigay ng seductive look kay Thunder.

Please lang pigilan nyo ko, ipapalunok ko sa kanya lahat ng keycard na makikita ko.

"I'm also sorry to inform you miss whoever you are that I am not here to flirt you, I am here with my wife" tumingin si Thunder sakin kaya tumabi ako sa kanya. "We have a reservation under the name of Mr. And Mrs. Montenegro. Can we have the keycard, so that you can stop whatever the hell you are doing?"

Spell savage? Gusto kong tawanan ng matindi yung babae kaso hindi na lang sobrang pagkapahiya na ang inabot nya sa Thunder ko. OMG! Kinikilig ako sa I'm here with my wife daw! Feeling ko tuloy ang ganda-ganda ko which is 99% true.

My goodness beat that!

"I apologize ma'am and sir. Here is your card" binigay nya kay Thunder yung card ng nakayuko at kinuha naman ito nung huli.

Buti na lang talaga, sagot nila Mom and Dad tong honeymoon whatever namin dahil bukod sa sagot na nila ang plane ticket namin, pati hotel reservation ay sila na ang nag ayos dahil kung nagkataon wala kaming tutuluyan dahil peak season ngayon dahil nga sembreak.

Pero isa lang ang keycard? Nanlaki ang mata ko sa realization. Iisa lang ang card na inabot kay Thunder kaya ibig sabihin ay iisa lang ang kwarto? Magshe-share kami? Totoo ba to? OMG! Makakasama ko sa iisang kwarto at isang kama si sungit for couple of days.

Namula naman ang mukha sa realization ko na yun.

Tumigil ako sa pag iisip ng kung anu-anong bumukas na ang elevator sa floor kung saan kami magche-check in.

Pagpasok ko sa loob ng suite namin, which is a presidential suite by the way ay halos malaglag ang panga ko. Sobrang ganda at laki nito pero napadako ang paningin ko sa may kama, iisa nga lang ang kama gaya ng ini-expect ko.

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now