Unang Kabanata.

35 8 0
                                    

Kinaumagahan, nagising ako dahil sa ingay. Nagsisigawan na naman sila mama at papa hayy ano nga bang bago. Teka anong oras na ba? Tinignan ko yung wall clock namin, 7:30am na pala. Kailangan ko ng bumangon, maghahanap pa pala ako ng trabaho ngayon.

"Anak, kumain kana muna bago ka maghanap ng trabaho"

"Ayy wag na po Ma. Nagmamadali na po kasi ako e" Kinuha ko na yung envelope na may lamang mga requirements.

"Mag-iingat ka anak ah" Nagmano ako kay nanay at umalis na.

---

Mag-aalas dose na pero wala parin akong makuhang trabaho. Labing tatlong fast food chain na ang pinuntahan ko pero hindi daw sila hiring. Hays -.- Gutom na ako, hindi pa ako kumakain 30pesos na lang tong pera ko, pamasahe ko pa to e. Huhuhu kailangan ko talagang makakita ng trabaho. Tatlong linggo na lang enrollment na, wala pa kaming pera. Pag hindi ako nakahanap ng trabaho baka hindi ako makapag-aral. Kanina pa ako palakad lakad dito pero wala na akong makitang hiring.  Medyo umiikot na ang paningin ko dahil siguro sa init at sa gutom, ang sakit na ng mga paa ko kailangan ko na sigurong umuwi. Bukas na lang ulit ako maghahanap ng trabaho sana naman meron na akong mahanap.

Sa gitna ng paglalakad ko para akong matutumba, nahihilo ako. Hindi ko na kayang maglakad dahil sa lagay ko, sobrang nanghihina ako. May nakita akong mauupuan dun sa kabilang kalsada, dun na lang muna ako uupo para makapag pahinga. Kahit nahihilo ako pinilit kong makatawid pero...
____

Archie's PoV

Aish! That old man! Damn him! Why do I need to follow whatever he wants? Damn! He's so irritating! My life is miserable because of him! Damn him!

I decided na pumunta na lang ako sa condo kesa naman sa magstay ako sa office na kasama yung matandang yun. Kailangan ko munang magpalamig ng ulo, matawagan nga si Zeb para may kainuman ako. Habang nagdri-drive ko kinakapa ko yung cellphone ko sa bag na nakalagay sa passenger seat Tsk! Nasaan ba yun?! Tinignan ko na ang bag ko para makita ko kung nasaan yung phone ko, at nakita ko nga. I dial the number of Zeb pero cannot be reached. Ibinulsa ko na ang phone ko at ibinalik ko na sa daan ang tingin ko.

*Kyyyyyyikkkkkkk!*

May nabangga akong babae na bigla na lang tumawid sa dinadaan ko. F*ck! Bumaba ako sa kotse para tignan kung okay lang ba yung babae pero wala siyang malay. Dali-dali ko siyang binuhat at ipinasok sa kotse para dalhin sa hospital, I drive as fast as I can. Baka kung ano pang mangyari dito, di dahil sa concern ako sa babaeng to ah kundi dahil pag may nangyaring masama sa kanya pwede akong makulong pero syempre I won't let that happen. Bakit naman ako magiging concern dito e hindi ko naman siya kilala in the first place, at wala naman akong pake sa mga babae! Mga walang kwenta!

Pagdating namin sa hospital may sumalubong kaagad na medical team sa amin. At kung hindi niyo naitatanong ang pamilya ko ang may ari netong hospital na to.

"Sir Archie, ano pong nangyare sa kanya?" Tanong nung isang nurse

"I don't know and I don't care. Gamutin niyo na lang siya" tsaka na ako umalis. Tsk! Kailangan ko ng umuwi at magrelax. F*ck this day!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

End of ContractWhere stories live. Discover now