[2] Workmate

7 6 0
                                    

B Y U L E T
"HEY! Anong nangyari? May ginawa ba iyang lalaking yan sayo?! Ha, sabihin mo lang. Babalian ko yan ng bu-"
Nahagip ng mga mata ko ang alalang alalang si Kristina. Ganyan talaga yan, pag siya ang inaapi, okay lang. Pero pag ako na ang nakikita niyang nasa ganitong sitwasyon ay nagiging tigre siya bigla.

Agad na akong umiling dahil baka balian niya nga. Naka panakit na rin kasi siya dati nung elementary kami kaya ayoko na maulit 'yon.

Kumalma na siya ng kaunti. At ang lalaki na may mahabang bangs at cold expression ay nanatiling walang pake. Siguro kung ihahalintulad mo siya sa emoji ay ganito siya..  (-_-)
Parang palaging boring!

Nilapitan ako ni Kristina, "Tina, wala siyang ginawa sakin. Inabot niya lang 'to oh. Hmm" itinaas ko yung panyo. Tumango tango naman si Kristina pero halatang nababahala parin siya.

Aalis na sana yung lalaki kasi bored na bored na yata siya. Gahd! "Ah, wait! Sorry pala. Thanks din kasi-" pahabol ni Kristina na pinutol niya sa kaniyang tungon na "K".
Hindi manlang siya lumingon.

***

Pinilit ako kagabi ni Kristina na mag-kwento sa eksena na yon. Pero kinwento ko lang nung nasa unit na kami. Baka kasi bugbugin niya si Dyvien pag nagkataon.

Medyo masakit ang ulo ko, pero bumangon parin ako ng 6am, para mag-ayos sa klase naming 8:30. Lagi akong late, at sanay na ako dun. Pero may kung anong sumagi sa isip ko na kelangan kong pumasok ng maaga, mag-aral ng mabuti para mapatunayan ko man lang ang sarili ko kay Elizer.

Minsan naiisip ko kung ano ba ang pakiramdam ng iba, ano ba ang pakiramdam nila Kristina sa mga heartbreaks na nararanasan nila. Kung paano ba yung feeling na relate na relate ka sa mga pag eemo at senti nila?

I never imagined myself na magiging ganito kalungkot dahil lang sa pesteng love na yan. Dati na kucurious ako, ngayon? Lintek. Parang ngayon lang nakaramdam kana ng relief, maya maya lang maiiyak kananaman.

Hindi ko alam kung normal paba 'tong pag-eemo ko or exaggerated na, kasi no boyfie since birth ako e. No no no, don't get me wrong.

Kahit na panget lang ako, lagpas narin naman sa bilang ng mga daliri ko ang mga binusted ko. Hindi dahil sa itsura, kundi dahil sa taglay kong galing sa mga bagay bagay, lalo na sa technology. They admire me.2 reasons kung bakit single ako lagi: 1. Kasi hindi ako easy to get pag hindi ko gusto ang lalaki. Pero pag crush ko, game lang. 2. Palaging si Elizer ang nasa utak ko. 

Ano ba naman kasing sense ng number one kung si Elizer lang din naman ang nilulook forward ko diba?

-_-

Parang wala talaga akong ganang lumakad sa pasilyo papuntang room. Kaklase ko kasi si Elizer. Madami kaming magkakaklase. Napakalaking school ne'to pero overpopulated sa mga estudyante.

Iilan lang ang mga kilala ko sa klase. Si Elizer, yung Lich, Pofrel, Tyieon—na kaklase ko din sa chemistry. Sila Pamela at Yuhum na kasama sa cheerdance ni Dyvien. Sila ang laging nangbubully kay Kristina. Fortunately, nasa ibang section si Tina. Magkaklase lang talaga kami sa History.

Bale anim lang ang kakilala ko sa 74 students dito sa room? Wow. Wag ka mag alala, isang buwan palang naman ang fourth year kong ito. May 9months pako para kilalanin silang lahat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FOOL INTO YOUWhere stories live. Discover now