Leaving

205 9 0
                                    

[Part 8]

[Dahil sa naglalaro na sa aking isipan ang chapter 8, ayan na ipopost ko na….]

Leaving.

May mga tao satin na hindi maiiwasan ang umalis at bumalik. Siguro dahil sa may gagawin sila o anu pa man ang rason nila. Pero nandoon yung sakit na yung taong maiiwan ay masasaktan.

Maaga kaming pumasok sa school kasi may mga exam pa kaming kailangang ipasa kaso ang nakakapagtaka lang bakit parang nalugi ang mga mukha ng mga tao dito?. May nangyare ba?.

Tumingin ako sa mga kaibigan ko. At isang “Walang kaming alam look lang ang nakikita ko sa mga mata nila”.

Anong meron ngayon?. May dumaang isang estudyante at hinarangan agad namin iyon.

“Miss ano ang meron?” tanong ni Julie doon sa girl. Tumingin muna saakin si Girl at agad na nagsalita.

“Si Blake, nag drop out na ng school” mangiyak-ngiyak na sabi niya habang nakatitig saakin. Bakit parang ako ata ang sinisisi nila.

Pero tama ba ang narinig ko? Si Blake? As in si Crush?.

“May alam ka ba dito?” diretsong tanong saakin ni Kristhel. Hindi ko siya sinagot. Kaya pala parang may kakaiba sakanya kahapon nung nagusap kami.

“Guys, kailangan nating Makita sila Mayvelyn” aalis na sana ako ng bigla akong pigilan ni Raquel.

“Ano na naman ba ang gagawin mo?. Ikaw na naman ba ang susugod.?” Pagmamataray niya.

“Hindi. Ok!may kailangan lang akong sabihin sakanya.”

“Ano naman yun?. Huwag na tayong makialam Quem. Baka mamaya satin na naman sila magalit” si Julie.

Hinarap ko sila. “Hindi sila magagalit Ok. Kailangan natin silang puntahan, may kailangan akong sabihin kay Mayvelyn. Bago pa mahuli ang lahat.” Seryosong sabi ko na nagpatango sakanilang lahat.

“Ok Ok.”

O LORD. Kahit saan saan na namin hinanap sila Mayvelyn bakit hindi namin sila mahanap. O lord. Baka nasa Garden. Doon nalang ang hindi pa namin napupuntahan. At tumpak nandoon nga sila.

“Tingnan niyo kung sino ang nandito.” Nakataas ang kilay na bati ni Lyka.

“Hindi kami pumunta dito para manggulo. Ok. Nandito kami kasi may mahalagang sasabihin sainyo si quem.” Pagpapaliwanag ni Raquel.

“Ows. Talaga?.” Singit naman ni Sarahlee.

Napapikit ng mata si Julie. “Pwede ba, tigilan niyo nga kami sa kakaganyan niyo. Nakakairita” aniya.

“Ikaw pa talaga ang nairita ah!. Kayo na nga lang tong pupunta dito kayo pa yung ganyan.” Masungit na ani ni Kharene.

“Pwede tama na nga yan.” Si Kristhel.

Nanahimik naman din sila at tumingin na sila Lyka saakin.

“Guys nandito ako para makausap si Mayvelyn, nakita niyo ba siya?” mahinahong tanong ko.

Tinaasan lang ako ng kilay ni Kharene. “Bakit para saan pa?, naguguilty ka ba?” ang sarap hambalusin ng babaeng to. Sinabi ngang kailangan makausap andami pang satsat.

“Kung gusto niyong sumaya ang kaibigan niyo pwes kailangan niyong sabihin saakin kung nasaan si Mayvelyn.” Swear galit na ako. As in galit na. baka kasi hindi na namin maabutan pa si Blake kapag nagtsi-tsismisan pa kami dito.

“Nandoon siya” sabay turo nila ng puno na nandoon. hindi na ako nagdalawang isip pa na magpasalamat kasi kailangan ko na talagang puntahan si Mayvelyn.

“Huhuhu. Akala ko ba mahal mo ako?. Bakit hindi ka man lang nagpaalam saakin. Huhuhu!” habang papalapit ako ng papalapit doon naririnig ko na kaagad ang iyak ng isang babae. Si Mayvelyn na siguro ito. At siya nga. Tumabi ako sa tabi niya. Nung una nagalit siya pero isang ngiti lang ang ibinigay ko saknya.

“Masaya ka na ba?” bulalas niya.

“Hindi. Paano ako magiging masaya kung nakikita kitang ganyan.”

Nakita kong kumunot ang noo niya habang nakatingin saakin. “Noong nakaraang araw, nagkausap kami ni Blake, sinabi niya saakin ang dahilan kung bakit kayo nagbreak.”

Nanahimik lang siya sa isang tabi habang nakikinig sa sinasabi ko.

“Ang sabi niya, natatakot daw siya na kapag daw manatili pa siya sa tabi mo baka daw mas lalo ka lang niyang masaktan. At iyon daw ang ayaw niyang Makita sayo. Kasi hindi niya daw iyon makakaya, kaya he decided to leave you para habang mas maaga pa, makawala ka na sa sakit kapag mas lalo mo pa daw siyang makasama.”

“THAT’S BULLSHIT.”

“Tell me, ano ba ang wala saakin?. Ha! Hindi niya ba alam na mamatay ako ung wala siya, hindi niya ba alam yun?.”

Nagkibit balikat lang ako. “Alam mo nangako ako sakanya na hindi ko to sasabihin pero ang tanga talaga ng BF mo noh. Alam naman niya ang magkakapagpasaya sakanya bakit pa niya pinakawalan.”

Pinunasan niya ang luha sa mata niya at humarap saakin. “Ano ba ang rason niya? Ha! Quem Ano ba?” nakikita ko ang frustration sa mga mata niya, at nakikita ko dito kung gaano niya kamahal si Blake. At nalulungkot ako para sakanya.

“May Leukemia siya.”

Napatulala si Mayvelyn sa sinabi ko at isa isang nagsilabasan na parang gripo ang luha sa mata niya.

I’m sorry crush pero kailangan niyang malaman.

“Kaya ba hiniwalayan niya ako? Kasi ayaw niyang Makita akong malungkot sa tuwing inaatake siya ng sakit niya, kaya ba iniwan niya ako kasi nilalayo na niya ako sa sakit kapag nawala na siya.”

Hindi ko na din napigilan, umiyak na din ako. Alam kong hindi kami magkasundo nito pero isa lang ang magagawa ko para maibsan ang sakit ng nararamdaman niya.

I hug her. At pareho kaming dalawang humahagulhol sa iyak doon.

“Ano ba naman yan?. Ang ingay!” nagulat kaming dalawa ni Mayvelyn ng may biglang magsalita sa paligid. Pinunasan namin ang mga luha namin at hinanap kong sino ba yun, pero wala ni isa kaming Makita.

“Nandito ako sa taas!”sabi nung boses lalaki, kaya napatingin kami sa taas. At gayun na lamang ang gulat ko nang Makita ko si Deiter na nasa taas ng puno habang nakahiga?. Ano ang ginagawa niya diyan?.

“D-Deiter?”

“Ako nga!.” Nakangiti niyang ani saakin at tumalon na din siya mula sa puno.

“Bakit ka nandiyan? Paano kung nabalian ka sa pagtalon mo!” mataray na sambit ko. Kainis kasi.

“Concern  ka ba?!”

“Hindi.” Sagot ko naman.

“Weh Concern ka eh.”

“Bahala ka sa gusto mong isipin”hinarap ko si Mayvelyn na ngayon ay nakatingin lang saamin. “Tara na!” yaya ko sakanya pero hindi niya ako pinansin, sahalip nginitian niya lang ako.

“Quem. Huwag na! ako nalang ang maghahanap sakanya. Dito kana lang”lumapit siya sa tenga ko “Harapin mo ang taong magpapasaya sayo, ako na ang bahala sa problema ko. hahanapin ko siya promise ko yan sayo.” Nakangiti niyang bulalas saakin kaya napangiti nalang din ako.

“So friends?” sabay inilahad niya ang kamay niya saakin.

“Friends.” Ani ko. next thing I know, tumakbo na siya papalayo sa pwesto namin.

Hinarap ko ang nasa harapan ko ngayon.

“Alam mo ang ganda mo talaga. Kaya mas lalo akong nahuhulog sayo eh… pakiss nga!” inilihad ko sakanya ang kamao ko.

“Sapak gusto mo.”

Napakamot lang siya sa ulo niya. Kapal ng mukha nito, hindi pa nga tapo syung issue namin eh, kiss agad?...

[END OF LEAVING]

[Last 2 part. Yiiieehhhh.]

Crush or First Love?? [Short Story]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora