Kabanata 12

180 7 0
                                    

Shey's P.O.V

Break time ngayon at napagdesisyunan namin na bumili muna ng pagkain bago pumunta sa music room. Nawalan na kasi kami ng oras kanina bago magsimula ang klase kaya ngayon na lang kami bibili.

Sumunod naman sa amin ang walong lalaki na'to, tambayan na rin daw nila yung music room. Kapag tinatanong namin kung bakit, ang palaging sinasagot nila ay may permission naman daw sila galing kay Dean kaya may karapatan silang gumamit ng music room kung kailan nila gusto.

Pagpasok namin sa cafeteria, napansin kong nagsimula na namang magbulungan yung mga tao. Napansin kong simula no'ng mapalapit kami sa walong lalake na'to ay palagi na kaming pinagbubulungan. Parang artista lang eh.

"Kasama na naman ng miyembro ng campus band ang mga fafas natin."

"Ang swerte nila, 'no? Nakakalapit sila sa 8 aces habang tayo 'di man lang nila tinitingnan."

Instant na kumunot ang noo ko dahil sa mga narinig ko do'n sa babae.

"Kilala mo kung sino yung 8 aces? Artista ba 'yon?" tanong ko kay Christianak. Napatingin naman siya sa akin at ngumiti pa nang bahagya.

"Hindi sila artista pero mukha silang artista, gwapo silang lahat lalo na yung leader. Gwapong gwapo, maraming nagkandarapa sa kaguwapuhan niya," sabi ni Christianak at inilagay ang dalawa niyang kamay sa pockets niya.

Pa-cool effect pa ang isang 'to, pero effective ah... pero hindi sa akin, doon lang sa mga babaeng walang magawa sa buhay kung hindi lumandi, at 'yon yung mga babaeng nasa loob ng cafeteria na'to.

"Hoy, Frank, kilala mo ba kung sino ang 8 aces?" tanong ko sa kaniya, sa tingin ko kasi wala akong makukuhang matinong sagot kapag si Christian ang tatanungin ko kaya kay Frank na lang ako tatanong.

"Ahm... kami 'yon, baby Shey Shey." Eh?! Tiningnan ko ang mga mukha nila at okay na rin, gwapo nga sila... except sa naligaw na tyanak na katabi ko ngayon.

"Sino yung leader?" tanong ko sa kaniya, feeling ko si Johann dahil para sa akin, 'yon yung pinakagwapo kahit inaway niya ako.

"Si Clyde." Nevermind, just forget the thing that I've said earlier.

Nakita kong napalingon naman si Christianak sa akin sabay ngiti na parang aso. Ang sarap niyang batukan, mukhang maganda ring ikuskos ang pagmumukha niya sa sahig.

"Sabi ko sa'yo eh, sobrang gwapo no'ng leader," sabi niya with matching kindat pa, 'di ba siya kinakalibutan sa mga ginagawa niya?

"Hindi kaya, masyado siyang gwapong gwapo sa sarili, eh in fact, mukha talaga siyang tyanak na sinagasaan ng truck na may sampung gulong at tinapak-tapakan pa ng isang higanti na mabaho ang paa," pang-aasar ko sa kaniya. Inirapan niya na lang ako bilang sagot, bakla ang mokong.

Nag-order na sina Azu, 'di na kami pumila sa napakahabang pila dahil anak daw ng mga investors ang pitong lalaki na'to at tsaka anak daw ng may-ari ng school na'to si Tyanak. Edi sila na ang mayayaman.

"Hoy, may itatanong ako sa'yo pero dapat sabihin mo ang totoo," sabi ni Christianak. Ano na naman ba ang kailangan nito?

"Ano 'yon, Christianak? Itatanong mo ba kung may gusto na ako sa'yo? Dalawang buwan na tayong magkasama pero 'di man lang ako nagka-crush sa'yo! Ang pangit mo talaga- aray! Ano ba ang problema mo?!" tanong ko sa kaniya, bigla ba namang namitik ng noo?!

"Feeler ka rin eh. 'Di na nga lang ako magtatanong!" pagmamaktol niya. Inirapan ko na lang din naman siya. Ang arte.

"Ano nga kasi ang tatanungin mo? Sasagot ako. Promise," sabi ko habang lumalakad kami pabalik sa music room. Baka itatanong niya sa akin kung ano ang gutso kong pagkain tapos bibigyan niya ako no'n tapos lalagyan niya ng gayuma o kaya tatanungin niya kung ano ang paborito kong drinks tapos lalagyan niya rin ng gayuma!

Lumapit siya sa may taenga ko, hindi ko inaasahan ang ginawa niya kaya naman talagang tumibok nang napakabilis ang puso ko.

"May napapansin ka bang kakaiba sa akin? Sa school?" tanong niya habang diretsong nakatingin sa aking mga mata.

Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko?

"Wala naman, bakit mo naman natanong?" tanong ko sa kaniya, umiwas naman siya ng tingin.

"Malalaman mo rin sa tamang panahon, pero hindi 'yon ngayon," seryosong sabi niya. Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi niya, hindi talaga kasi siya bagay maging seryoso.

Papasok na sana kami sa music room pero napatigil kami no'ng nakita namin ang hitsura sa loob.

"Ano'ng nangyari sa music room?!" sabay-sabay naming sigaw. Paano naman kasi, ibang iba na ang ayos ng music room namin ngayon! Meron ng bar counter, flat screen tv, mini stage, gaming section, tatlong couch, dining table at ref!

"In-upgrade lang namin ang music room," sabi ni Nian sabay akbay kay Icia.

"Well, maganda naman," komento ko. What do I expect? Sobrang yaman nila eh. Tuluyan na kaming pumasok at sinarado yung pintuan, inilibot ko uli ang aking paningin sa loob. Hindi pa rin ako makapaniwala, parang nasa hotel na kami ngayon. At tsaka akala ko ba bawal ang alcoholic drinks sa school? Bakit may bar counter dito?

Magrereklamo na sana ako pero hindi ko na ito natuloy dahil sa tatlong katok sa pintuan. Binuksan ni Icia ang pinto at lumitaw na nga ang delivery boys ng jollibee, graceland, mcdo, biggs at mang inasal. Fudge, kaya ba naming ubusin 'to?

"Libre na namin kayo ng pagkain,"sabi nila.

"Edi sinabi niyo na dapat kanina para di na kami bumili, sayang lang tuloy ng pera ko," reklamo ko sa kanila. Dagdag ipon pa sana 'yon eh.

"Pasensya na, Baby Shey Shey," sabay-sabay na sabi nilang anim, si Alex naman ay nag- peace sign lang tapos si tyanak, poker face lang.

"Heh," sagot ko sa kanila at nagsimula na nga kaming kumain. Pakatapos namin, tumayo na rin kami para bumalik na sa room. Magsisimula na rin kasi ang klase.

"Hindi pa kayo aalis?" tanong ko nang makita kong 'di pa sila tumatayo at kumukuha pa ng coke sa ref.

"Mamaya na, may paguusapan muna kami. Usapang lalaki," sabi ni Andrew with macho action pa, binatukan naman siya ni Frank. Bahala na nga sila, lalabas na 'ko.



Meeting You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon