Chapter 7

2.4K 58 1
                                    

Abalang abala ako sa mga costumer na andito sa maliit na coffeeshop na pinag-ta-trabahohan ko. Simula nang dumayo dito sila Sir Vaughn,Jin at ang mga kasama nya ay rumami rami na ang pumunta dito.

Natatawa pa talaga ako dahil may kanya-kanya silang dahil magazine kung hindi ako nagkakamali ay isang men bachelors magazine iyon.


Nang malaman nila na pumupunta ito dito minsan ay kanya-kanya nang pwesto ang mga babae sa table. Salamat na lng na umo-order sila at hindi nakatunganga lang which is good naman kasi nagkakaroon nang kita itong small shop


Naalala ko na nman iyon pinakahuling pagkikita namin sa ospital.Kung saan nawalan ako ng malay habang nagta-trabaho. Dalawang linggo na ang nakakalipas


"Ano ba Aly.God! Ba't mo ba kasi pinapagod ang sarili.You know what ang sabi sa akin nang doctor kaya ka hinimatay is because you are over fatigue and stress! HINDI KA BA KUMAKAIN?" Pasigaw na sabi nito sa akin. Hindi ako makatingin nang deterso sa mata nito. Guilty ehh


"Nagtitipid ako! Ano okay na? Ano bang pinagpupuputok nang utak mo.Ikaw lang naman itong sunod ng sunod sa akin.Bakit sinabi ko bang bantayan mo ako at padalhan nang bulaklak araw-araw?" Mukhang natigilan ito sa mga sinabi ko.Akala nya ata hindi ko alam na sya ang nagpapadala nang bulaklak sa akin

"I am worried.Pano kung wala ako dun ng himatayin ka?" Napabuntong hininga na lang ako nang makita kong parang sinasabunutan nito ang sarili sa frustation na nadarama.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito nang makita nyang titig na titig ako sakanya. Bumuntong hininga ito bago lumapit sa aking stretch bed

Agad ako nitong ikinulong sa kanyang bisig. Nakapagkakagaan pala nang problema ang yakap.

"Mag-ingat ka naman Aly.Papakasalan pa kita" mabining sabi nito habang hinahaplos ang likod ko

Kaya araw-araw ay pumupunta na ito dito parang siguraduhin na kumakain ako. Yung huling sinabi nya ay ipina-sawalang bahala ko na lang


Alas-dyes na nang umaga ng may nakita akong sasakyan na huminto malapit sa may shop namin. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.Tiningnan ko nang maigi kong sino ang bababa dito.Ngunit agad na nag-iba ito nang makarinig ako nang sunod-sunod na putok ng baril

Agad na nagkagulo ang mga tao sa loob. Agad akong tumago sa malapad na pader. Sigawan ang pumapaimbabaw sa loob.


Diyos ko ano po bang nagyayari. Ayoko pang mamatay. Pipi kong usal. Nanginginig ako nang marinig kong nabasag na ang salaming pinto nito.Tanging yapak lang nang nito ang naririnig ko.


Palapit nang palapit ito sa kinaroroonan namin ni Lyn. Nakita kong umiiyak na ito. Pinilit kong senyasan ito na tumahimik

Agad na nagulat ako nang may malamig na bagay ang lumapat sa sentido ko. Nanginig ako at tiningnan kung sino ito ngunit agad na nawala ang pag-asa ko nang hindi ko makita ang mukha nito dahil naka bonet ito

Umiling iling ito sa akin at inilibot ang tingin agad na tumungo ito kay Lyn na umi-iling iling pa.Halakhak lamang ang narinig kong sagot nito

"I already found you sweetie.Dont be afraid.I will not hurt you!" sisigaw sana nang tulong si Lyn ngunit agad na ipinutok nito ang baril sa gilid lamang ni Lyn

Naawa ako kay Lyn bakas ang takot sa mata nito.Wala naman akong nababalitaan na nakaaway nito tanging ang pagiging close lamang nito kay Attorney Kerem ang tanging laman nang bibig nito sa tuwing nagke-kwento ito


Kumuha ang lalaki nang panyo at ipinaamoy kay Lyn na agd namang nawalan nang malay.Bago pa ako nito tingnan ay agd akong lumapit at inalis ang bonet na suot nito


Tiyak na kita sya sa CCTV dahil malapit sya sa counter. Nakita ko ang pagbangis nang awra nito sa ginawa ko


"Puta kang babae ka!" Sinapak ako nito baril sa mukha. Agad na umikot ang paningin ko


Ang huli kong nakita ay ang pagbuhat nito kay Lyn. Sorry Lyn hindi man kita nailigtas tiyak na gagawa si Kerem nang paraan para makuha ka at matibay na ibedensiya ang CCTV na kuha nito



Napukaw ang atensyon ko nang makarinig ako nang serena nang ambulasya at wang-wang ng mga pulisya. Sinasabayan rin ito nang paulit-ulit na mura


Napabangon ako sa sofa.Nagtaka pa ako sa pagkakaalala ko ay nasa may counter ako ng shop. Inilibot ko ang tingin ko nang makita ko si Jin na tila aligaga. Andito kami sa may kusina ng shop


Nahimigan ata nito na gising na ako kaya lumapit ito sa akin. Agad na hinaplos nito ang mukha ko. Kita sa mukha nito ang galit na nadarama.Para saan ba ito?



"Diba sabi ko mag-ingat ka Aly.Ano na nman ba ito" malamyos ang tinig nito habang nagsasalita.Hinawakan nito ang mukha ko at pinadaanan nang hintuturo ang sugat at pasa na nakuha ko mula sa lalaking iyon


Lumayo muna ito sa akin at pumunta sa banyo. Pagbalik ay dala nito ang aid-kit.Lumapit ito sa akin at dahan-dahang ginamot ang sugat ko


"Asan si Lyn,Jin?" Nangangamba pa rin ako kung ano ang sitwasyon ni Lyn doon. Baka takot na takot na iyon



"Dont worry about that.Kerem is tracking that damn bastard" unti-unti na namang nilamon ng galit ang mukha nito. Siguro ay dahil sa CCTV kaya agad na nakilala at nakagawa ng aksyon si Kerem doon


"Damn that bastard who pointed a gun on you,Aly.I will make sure that he will pay for what he did" hinawakan ko ang kamay nito na mukhang dumidiin ito sa sugat ko. Hindi ko alam pero lumapit ako at niyakap ito


Agad na ibinalik rin naman nito ang yakap sa akin


"You can cry on me my queen.Ilabas mo yung takot mo sa akin at papawiin ko iyon " mahinang bulong nito sa akin. Ngunit sadyang nawala bigla ang takot ko nang makita kong nag-aalala ito sa akin



"I dont want to cry Jin.I just want to hug you" naramdaman kong tumango tango lamang ito sa akin.At humigpit ang yakap nito.


Ang sarap sa feeling na may tao pa palang nag-aalala sa akin. Dahil yung pamilya ko noon na dpat kadamay ko ay bigla na lamang akong iniwan. I like Jin. And I am thankful that he able to cut the gap between my present and my past

Sa pananatili ko dito ay nagkaroon muli ako nang tibay ng loob parang magsimula muli at iwan ang nakaraan


Sana lamang ay andito palagi si Jin sa tabi ko at handa akong samahan sa mga bagong pagsubok na hahaharapin


"I like you Jin.Thank you"


- - - - - - - - - - --  - -

Charrr! Ano na bang nangyayari hahahahahaha??

Not edited.

Musta kayo silent/active readers? Comment naman kayo para mainspired ako :(

>>>>>TBC

T'n'L Series#1:FALLEN WOMAN (Completed)Where stories live. Discover now