Chapter 8

1.5K 75 0
                                    

Kanina na nawala sa kabilang linya ang aking kausap pero heto ako at hawak parin ng mahigpit ang audotibo.

Hindi parin ako makapaniwala na nakausap ko ang babaeng iyon na nangangalang Sandra.Puno ako ng kuryusidad!Hindi ko alam kung paano ko mahahanapan ng kasagutan itong mga palaisipan na gumugulo sa aking utak!

"Mom,were you talking to someone on the phone?"bigla kong nabitawan ang audotibo dahil sa gulat.

Hindi ko na napansin ang pagpasok ni Janelle sa loob ng sala dahil sa dami kong iniisip.Dumating na pala sila.

"Oh,yeah..."sagot ko at muling inayos ang pagkakalagay ng audotibo sa lalagyan nito.

"Sino?"curious nyang tanong.

"Nagpakilalang Sandra."

Nahigit ko ang aking hininga nang bigla syang napatakbo sa kinaroroonan ko.She's in a good mood at halata ko iyon sa kanyang aura.

"Anong sabi,Mommy?"excited nyang tanong.

Nakalimutan narin nya yata na iniiwasan nya ako at hindi kinakausap pagkarinig nya sa pangalang Sandra.

Oh!did i thanked Sandra for this?

"Magpahatid daw kayo ni June sa Daddy nyo doon sa condo unit nya at doon kayo mag-dinner."

Mahirap man aminin pero ang sakit para sa akin na nakikita kong mas masaya ang mga anak ko kasama ang ibang tao.

"Really?"

Napakurap ako bago tumango.Hindi kasi ako makapaniwala na nasa harapan ko ngayon si Janelle at nakangiti.

Sabay kaming napalingon sa may pintuan nang magkasabay na pumasok sina November at June.

"Look Dad,tumawag si Tita Sandra at ihatid mo daw kami sa condo unit nya.Siguro nagprepare na naman yun ng masarap na dinner!June,magbihis ka na..bilis!"baling nya sa kapatid nya.

"Ihahatid ko lang kayo pero hindi ako mag'i-stay,okay?"

Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ang sagot ni November.

"Dad!sandali lang naman yun..hintayin mo na kami kasi kawawa naman si Tita Sandra kapag sya pa ang maghahatid sa amin pauwi...alam mo naman na pagod at sobrang busy nun sa trabaho...kita mo nga at hindi na sya nakakapunta dito?"lambing nito sa Daddy nya.

Hindi ko alam kung bakit disagree ako sa sinabi ni Janelle.Dahil ba ayokong masolo ng Sandra'ng iyon ang mag-aama ko?

"Jane,walang kasama ang Mommy mo..."biglang nagtama ang mga mata namin.Ewan ko ba bigla kasing kumabog ang puso ko..lagi naman eh!

Napatanga ako nang biglang bumaling sa akin si Janelle.

"Mom,payagan mo na si Dad,please?"nag-beautiful eyes sya sa akin.

Ganito ang ugali ng Janelle ko!ganito sya maglambing!pero na-speechless ako nang wala sa oras.Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

"Mom..."

Ipinalibot nya sa aking baywang ang kanyang braso at ihinilig sa aking dibdib ang kanyang ulo.

Oh god!ilang araw ko na bang pinangarap na mayakap ko man lang sya?halos hindi ako makapaniwala na yakap ko si Janelle at the very moment!

"Hindi naman kami magtatagal,promise!"

Tumaas ang kamay ko at marahang hinaplos ang mahaba nyang buhok.

"Okay,you can stay there with your Dad!"

Hwag mo lang syang hayaang makipag-flirt sa iba!

"Yes!thank you,Mommy!"

Bukas,karugtong ng Kahapon..Where stories live. Discover now