Room For rent (Short story)

4.6K 33 1
                                    

Yun ang karatulang nabasa ni Lenin na nkasulat sa isang maliit na silid malapit skanyang eskwelahang pinapasukan. Agad nyang kinuha ang numerong nakasulat dito, tinawagan nya ang may-ari para makita ang kabuan ng silid . Maayos at maganda ang loob nito , bukod sa mura ay malapit pa ito skanyang school. Kinabukasan ay agad din syang lumipat dito. Lumipas ang mga araw at naging maayos naman ang kanyang pgtira sa silid, subalit minsan ay nagigising sya saktong alas Tres ng madaling araw kasabay ng kakaibang lamig at pakiramdam na tila my naktingin skanya , idagdag pa ang magulong ayos ng kanyang mga damit .

Hndi na lamang iyon binigyang pansin ni Lenin , pero dumating ang mga gabi na pala ng palala ang knyang mga nararamdan. Minsan ay nakakarinig sya ng tila my naglalakad sa labas ng silid at ang mahinang tatlong katok na kapag binuksan nya ay wala namang tao . Kinuwento nya ito kay Aj ang knyang matalik na kaibigan . "Baka naman kung sinu lang un, oh bka naman my stalker ka lang ?" natatawa pa nitong saad . "Panu naman ako magkakaroon ng stalker eh di naman ako sikat at di din naman gwapo tsaka panu naman ako mgkakaroon ng stalker..naguguluhan namang sagot ng binata.

"Gusto mung malaman eh di subukan natin ? Lagyan natin ng hidden camera ung room mu tapos irerecord natin merun akong video camera sa amin pahiram ko sayo." suhestiyon ng kanyang bestfriend. Maganda nga namang ideya un kaya agad syang pumayag agad hniram ang video cam ng kaibigan . Bago sya pumasok ay iniwan nya itong nakaON at inilagay sa lugar na hndi makikita ng sinumang papasok sa loob ng silid. Maghapon syang nasa school at pgdating sa bhay ay nahiga sya at agad na nakatulog . Nagising lamang si Lenin ng tumunog ang kanyang cellphone.

Si Aj ang nasa kabilang linya . Tinatanung nito kung tapos nya ng gamitin ang video cam nito at kung nakita na nya ang laman nito. Nun lamang naalala ni Lenin na dpa nga pala nya ito napanuod. Agad nya itong ipinlaywala naman syang msyadung nkitang movement kaya pinastforward ang video. Maya-mayay bumukas ang pintuan at pumasok ang isang babae nkadamit ito ng kulay puti hbang ang mukha nitoy natatakpan ng mhba nitong buhok . "Anu may nakita ka bang kakaiba?tanung ni Aj. Hbang pnapanuod nya ang video ay kinukwento nya sa kaibgan ang pagkilos ng babae sa video.

Lumapit ang babae sa kanyang pinaghubarang mga damit at inamoy-amoy nito iun , napansin niya ang hawak nito sa kaliwang kamay isang malaking patalim. Lumakad ito papunta sa malaking cabinet malapit sa bintana.. Nakaramdam sya ng takot . " Hellow, lenin andyan ka pa ba? Hoy anung nangyari sau ?wika ni Aj sa kabilang linya na nagpablik skanya sa katinuan . Muli nyang isinalaysay ang pagkilos ng bbae sa video . "Oh my God!" Nakita mu na bang lumabas ung babae sa loob ng cabinet ha Lenin?

Para namang binuhusan ng malamig ng tubig ang binata , napansin nya ang unti-unting pagbukas ng pintuan ng cabinet ! "Helow! Lenin umalis ka na dyan ! Umalis kana dyan ! palahaw ni Aj sa kblang linya at tuluyan ng naputol ang kanyang tawag . Agad tumawag ang dalaga ng mga pulis at pinuntahan nila ang tirahan ng kaibigan subalit huli na ang lahat . Nadatnan nila ang wala ng buhay nyang kaibigan . Tadtad ito ng saksak at halos humiwalay na ulo nito skanyang leeg . Sa tabi ng binata ay nandun ang kanyang video camera . Kinuha ito ng mga pulis , subalit ng iplay nila ay wala naman itong memory card! *WAKAS*

PInoy Horror StoriesWhere stories live. Discover now