Chapter 7

7 0 0
                                    

Janeen Nicole

Naabutan ko ang kapatid ko at si Kyle sa cafeteria. Alam ko kung bakit wala sa mood ngayon Nikzy at dahil nandito sya may nakalaban na naman to. Matapos ko silang ipakilala, nag-order si Kyle at itong kakambal ko hindi na nagsasalita.

Napag-usapan namin ni Kyle na magkita dito para ifinalize yung research ko at nang maipasa ko na. Inihanda na namin ang laptop at ibang referrences. Diniscuss namin yung about sa study nya at research nang biglang tumayo si Nikzy.

"Alis na ko Nicole, ang sakit sa tenga ng pinag-uusapan nyo." Paalam ng kapatid ko. Sabay halik sa pisngi ko. Medyo natawa ako sa sinabi nya. Haha.

"Sige, ingat ka." Sagot ko.

"Ano nga pangalan mo ulit?" She's talking to Kyle.

"Kyle."

"Ah. Okay. Ciao!" San na naman kaya yun pupunta? Pag ganun yung mood nya, dito lang sya tumatambay e. Siguro okay na sya.

"Ganun ba talaga yun?" Tanong ni Kyle sa 'kin.

"Ang alin?"

"Ang ugali ng kakambal mo." Di nya lang alam na ang daldal nun.

"Oo. Pag sinumpong. Pero pag okay naman mood nya, malambing at madaldal sya." Ganun ang kakambal ko. Pilya. Masiyahin. Madaldal at ang lakas mangtrip.

"Aah. I see. Tapusin na natin yang research mo." Mabuti pa. Im so thankful na nakilala ko si Kyle, dahil may tumulong sa research papers ko. Nasa library ako nun nang umupo sya sa tabi ko, siguro ay nabasa nya yung title ng research ko then he offered na tulungan ako since yun din yung title ng study nya. He's a graduating student sa kursong accountancy.

"Salamat nga pala at tinulungan mo ko dito." Sabi ko sa kanya.

"Walang anuman." Sabay ngiti.
"Wag mo nang isipin. Hindi naman ako busy e. Hehe."

"Sabi mo e." The best thing about Kyle is he's a gentleman at palangiti pag magkasama kami, pero one time nakita ko sya kasama mga kaibigan nya sya ang pinakaseryoso. Komportable akong kasama sya, parang si Aaron lang noon. Kumusta na kaya sya?

Si Aaron Bright. Ang bestfriend ko. After we graduated high school ay nagCanada na sya. Doon na sya pinag-aral ng papa nya. Half-canadian sya. Ang mama nya kasi Pinay. After he left, wala na akong balita sa kanya. Hindi rin naman ako mahilig sa social media kaya hindi kami nagkakachat.

Kyle

Nameet ko accidentally ang kakambal ni Janeen. And like my brother, nagkamali rin ako. Magkamungkha talaga sila, kung hindi sila magsasalita hindi mo malalaman kung sino si sino. Janeen is too formal compare to her twin. Masyadong ragged at boyish. Nagkakasundo kaya sila?

"Ganun ba talaga yun?" Tanong ko kay Janeen. Ang sungit kasi ng kapatid nya kanina. Parang galing sa gulo. Badtrip na badtrip.

"Ang alin?"

"Ang ugali ng kakambal mo." Hindi naman siguro sya maooffend sa tanong ko.

"Oo. Pag sinumpong. Pero pag okay naman mood nya, malambing at madaldal sya." Hindi ko maimagine yung kakambal nya sa mga sinabi ni Janeen.

"Aah. I see. Tapusin na natin yang research mo." Pag-iiba ko na lang ng topic.

"Salamat nga pala at tinulungan mo ko dito." Biglang sabi nya ng di nakatingin. Nakayuko lang sya. Nahihiya ba sya?

"Walang anuman." Sabay ngiti ko sa kanya nang tumingin sya sa 'kin.
"Wag mo nang isipin. Hindi naman ako busy e. Hehe."

"Sabi mo e." At isinuot ang eyeglasses nya. Ang cute nya tingnan sa suot nyang eyeglasses. Dahil rin sa eyeglasses nya kaya ko sya napansin nun sa library. Seryoso syang nagbabasa ng libro. Tumabi ako sa kanya para mas lalong matitigan sya, nakuha ng atensyon ko yung nasa laptop nya. Research paper nya yun at nagkataon na magkaugnay yung research nya sa study ko.

Kaya para maging close ako sa kanya, I offered na tulungan sya. At first tinanggihan nya nakakahiya raw, but I insisted. Kaya medyo close na kami ngayon. Siguro? Hehe.

Kurt

Hindi na pumasok sa last subject si buko pandan. Dalawang subject sched ko lang sya kaklase. Nag-absent talaga sya. Nakokonsenya tuloy ako. Yaan na.

To: Alikabok

Dustin. Text mo sila. Bar tayo mamaya. 6pm.

Lakas kong mag-aya ngayon. Wala akong klase bukas e. I don't care kung may pasok yung mga yun basta gusto kong uminom ngayon.

From: Alikabok

Okay raw.

See? Basta inuman ang bilis kausap ng mga to. Papasok na muna ako sa klase.

Habang nagdidiscuss yung prof hindi mawalawala sa isip ko si buko pandan. Tsss. Hindi ko naman kasi alam e. Aysh! Bakit ba ako nakokonsensya sa kanya? Tsss.

Itext ko kaya sya. Ay! Naknang. Wala pala akong number, even her crazy friends wala rin dito. Hmmmmm? Isip. Isip. Isip. Brain blast! Parang Jimmy Neutron lang. Favorite kong yung panoorin dati.

Baka friend kami sa facebook, ichachat ko nalang. I typed her name and search it. Eureka! Hindi kami friends. Ia-add ko nalang. Tsaka iimessage ko. Teka? Ano naman sasabihin ko?

Hey! Ano. Pasensya.

Ang tagal kong nag-isip sa sasabihin ko. Yan lang yung nakaya. E sa di ako mahilig makipagchat lalo pag babae, at lalong hindi ako sanay magsorry bahala sya.

Nikzy

Iniwan ko nalang yung kapatid ko at yung Kyle na kaibigan nya dun at umuwi sa bahay. Wala na ako sa mood pumasok. Kahit ang boring dito sa bahay, okay na rin. Itetext ko nalang ang mga kaibigan.

To: Dianne

Tinamad akong pumasok. Ano ng ganap?

Ano kayang ginagawa nila ngayon? Tsss. Yung gagong Dabid kasi sinira araw ko. Tumunog yung phone ko.

From: Dianne

Di pumasok si prof after mong magwalk-out. Tsaka di na rin kami pumasok sa last subject.

To: Dianne

Bakit?

Bakit kaya? Pag ang mga to gumala ng wala ako, humanda.

From: Dianne

Gumala.

Aysh! Talaga lang ha.

To: Dianne

Pwes. Manda!

Langya tong mga to.

From: Dianne

Joke lang. Tinapos namin yung group project natin.

Di tuloy ako nakatulong. Kaya na nila yun. Matutulog nalang ako. Inopen ko muna facebook account ko bago matulog. Pampaantok.

Daming nagfriend request isa na dito ang taong sumira ng araw ko.KURT DAVID. Walang nilagay na apilyedo. DELETE. Ayoko nga syang iaccept. Manigas sya. May nagmessage request din sa 'kin. And guess what yung gagong Dabid na naman.

Kurt David

Hey! Ano. Pasensya.

Hindi ko nalang pinansin. Itutulog ko nalang to.

------

Keep on reading. :)

@knowmeefirst

Twins' AffairWhere stories live. Discover now