Chapter 6

1.2K 41 15
                                    

Catherine Faith's POV

Ang boring naman. -__-

Wala akong ginagawa dito. Psh.

First day ko, wala akong ginagagawa. Pero yung parang ibang empleyado ng asawa ko may mga ginagawa at ako lang ang wala.

Take note ah. Ako ang Chief Secretary pero ako itong walang ginagawa simula nung pagdating ko dito.

Para na akong timang na nakatitig dito sa laptop, seryoso.

I never planned this pero wala eh, na-fired ko yung dati niyang secretary kaya ako papalit.

I don't know kung ano 'tong pinasok ko pero kakayanin ko para sa amin ng asawa ko— para mabantayan ko siya. Laganap pa naman ang The Mistress ay ang Other Woman ngayon.

*KNOCK KNOCK*

"Come in." sabi ko.

"Ma'am Chaerin, pwede na daw po kayong kumain. Then, punta daw po kayo ng office ni Sir after." sabi nung isang empleyado dito.

"Tapos na ba yung meeting?" tanong ko.

"Hindi pa po. Mga 15 minutes pa po siguro." sagot niya.

"Sige, thank you." sabi ko at nginitian siya.

Umalis na siya.

Tignan mo oh. Diba! Punyeta diba? Wala akong ginagawa! Feeling ko nga hindi pa masyadong nag-burn yung kinain ko nung breakfast kasi ni hindi man lang ako tumatayo dito! Pati na rin daliri ko, hindi napagod kasi wala man lang pinagawa!

Sa inis ko, kinain ko nalang dito yung nasa jar na biscuits. Hmp!

KAIN.
KAIN.
KAIN.
KAIN.

Readers, feeling ko tataba ako dito sa office na 'to kung ganito lang ang gagawin ko.

KAIN.
KAIN.
KAIN.
KAIN.

"Aish." bulyaw ko.

Napatingin ako sa oras.

12:25PM na. Lunch time na.

Tumayo ako at lumabas na ng office ko.

Wala ng mga tao dahil baka nasa pantry na sila't kumakain na.

Pumunta ako sa office ng asawa ko.

*KNOCK KNOCK*

"......" no response.

*KNOCK KNOCK*

"........."

Wala pa rin? Aba!

Hindi na ako kumatok at binuksan ang pinto.

Nakita ko ang asawa ko na naka-talukbong sa lamesa niya.

Tulog siya?

Punta daw ako after ng meeting nila pero tulog siya. Aba aba!

Nilapitan ko siya at umupo ako sa upuan na nandoon sa tapat niya.

Naaawa ako sa kanya at sa sarili ko. Ang tanga tanga ko. Pagod na pagod asawa ko dito sa office niya tapos iisipan ko siyang nambabae siya. Geez.

Nilagay ko ang kamay ko sa ulo niya at dahan-dahang hinagod 'yon.

Mukhang pagod na pagod siya. At sa mukhang nakikita ko ngayon, trabaho lang talaga ang inuuna niya.

Kung iisipin, napakaswerte ko na sa kanya. Never niya akong binigyan ng hint na lolokohin at sasaktan niya ulit ako.

Napangiti ako.

MIMMF3: Mingling of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon